Chapter 15

78.6K 1.8K 266
                                    

Andy

I can't still believe that Sky is my brother. Tumingin ito sa akin na tila ay naguguluhan din

My Mom bent her knees and faced him

"She's your Ate Andy. She's your sister"

Kumunot ang noo nito

"I know her but is she really my sister?"

Mommy nodded

"Nandito na ako!"

May pumasok na lalake na kasing edad lang ata ni Mommy. She kissed Mommy on her cheek and messed Sky's hair

"Nakita ko si Mr. Greene sa labas. Siya ba ang bagong security guard natin? Well infairness, mas mayaman pa sa atin yung bagong security guard natin"

I don't know if I will laugh or what, he sounds funny. Inalalayan nya si Mommy na tumayo

"He's not our new security guard. Si Mr. Greene ay asawa ni Andy"

Napakamot naman ito

"Oo nga tapos anak sya ni Arnold at Olivia Greene"

Si Mommy naman ang napakamot sa ulo nya dahil sa sagot nito

Mommy chuckled

"Natraffic ata ang brain cells ni Daddy, ang bagal"

"Tumahimik ka nga"

Mahinang binatukan nung lalake si Sky

"Hoy Lorenzo, nahulog mo yung susi mo sa labas"

I looked for that person and saw Dash

"Maka hoy ka naman punyemas ka. Tandaan mo more than twenty years ang tanda ko sayo! Wala kang galang!"

He just stared at him blankly

"Tapos mas isip bata ka pa kay Sky"

Lorenzo glared at him. Gusto ko matawa sa kanila. Napansin ko sa bagong asawa ni Mommy ay masiyahin ito

"Andy..."

I smiled at Dash when he turned to me

"Naaalala mo pa ba yung sinabi ko sayo tungkol sa anak kong babae?"

Kumunot ang noo nito

"Oo, bakit? Lalake na ba sya ngayon?"

Nagulat ako nang biglang batukan ito ni Dash

"Umayos ka nga!"

"Makabatok ka naman!"

Nilingon ni Dash si Mommy

"Ate Misha, ano ba nagustuhan mo sa ugok na ito? Tignan mo nga, sinto sinto naman"

Tumawa lang si Mommy

"Hoy sobra ka naman!"

Kung magbangayan sila parang hindi magkalayo ang edad nila

Lumapit sa akin si Mommy at inakbayan ako

"This is my daughter Andy"

I smiled

"Si Andy ang anak ko na kinukwento ko sayo. Matagal kaming hindi nagkita kaya sobrang saya ko na nakita ko ulit sya"

Mommy kissed my cheek

"And Andy, this is my husband Lorenzo"

Nilahad ko ang kamay ko

"Natutuwa po akong makilala ka"

Nag aalangan na tinanggap nito ang kamay ko

Nilingon nito si Mommy

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon