Andy
Nilabas nila ang mga pagkain na bitbit nila at nilapag sa ibabaw ng lamesa
"Are you fucking kidding me Dashboard? You will make Andy eat porridge for dinner?"
"Anong pakelam mo Axelerator? Ikaw ba kakain?"
Mariin silang nagtitigan. Makikita sa mga mata nila ang iritasyon para sa isa't isa
"I brought foods which is perfect for dinner. Ito ang kainin mo Andy"
Nilagay ni Axel sa harap ko ang pagkain na dala nya
"This is a Honey-Garlic Shrimp Stovetop Rice Casserole. Alam kong magugustuhan mo ito"
Nakatingin ito kay Dash habang nagsasalita
Inalis ni Dash sa harap ko ang pagkain na dala ni Axel at pinalitan ito ng pagkain na dala nya
"I'm sure you will love this Congee Rice Porridge"
He faked a smile at Axel
"Tss ang daming sinasabi lugaw lang naman yan"
Sumandal si Axel sa backrest. He crossed his arms and stared at Dash
"Alam mo ba ang pinagkaiba ng gabi at umaga? I believe that porridge only serve in the morning for breakfast"
Pinantayan ni Dash ang masamang tingin sa kanya ni Axel
"Bakit? Sa umaga lang ba pwedeng kumain ng lugaw? Alam mo rin ba na pwede kang magkape sa gabi?"
Umalis sa pagkakasandal si Axel at medyo nilapit ang sarili kay Dash, ganun din ang ginawa ni Dash. Magkaharap sila at masamang nagtitigan
Damn, dapat talaga natulog na lang ako. Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan
"Bubuksan ko lang"
Mukhang di nila ako narinig dahil hindi nila ako nilingon
Hindi ko na sila pinansin at binuksan ang pintuan
Kumunot ang noo ko nang makita sila Hershey at Gabby. Kasama rin ng mga ito sila Wilson at Darren
"Pwedeng pumasok?"
Inangat ni Wilson ang bitbit nyang paper bag na sa tingin ko ay mga pagkain din ang laman. May bitbit rin si Darren
"Hindi natuloy ang dinner namin kanina kaya naisipan namin na dito na lang kumain since nakita rin namin si Kuya Axel at Kuya Dash na pumunta rito"
"Is it okay if we join you?"
Napakamot pa si Darren
Tumango ako at pinapasok sila
Umupo si Wilson sa tabi ni Axel. Si Hershey at Darren ay tumabi kay Dash at si Gabby naman ay tumabi sa akin
"Ang yummy ng mga bisita mo"
Napatingin ang lahat sa kanya
Sinamaan ko ng tingin si Gabby pero tumawa lang ito
"I mean ang sarap ng mga pagkain na dala nila"
I rolled my eyes
"What are you doing here?"
Nakakunot ang noo ni Axel na nilingon si Wilson
"Makikikain Sir, masama?"
Axel glared at him
"Did I invite you?"
"May kusang loob ako Sir. Ayaw ko naman na maabala ka kaya ako na nag imbita sa sarili ko"
![](https://img.wattpad.com/cover/244953185-288-k405507.jpg)
BINABASA MO ANG
Unwanted
RomanceIn order to save their company, Andy Saavedra needs to sacrifice her happiness and marry the ruthless CEO Axel Greene. She first met him in a charity ball, he was the perfect definition of a hot businessman. She's aware of him being a womanizer and...