Andy
Idinaan muna namin si Coreen sa school nya bago kami pumunta ng shop
Ako ang nagdadrive. Si Gabby ang nasa tabi ko at si Hershey naman ang nasa backseat
"Parang ang sarap magbeach ngayon"
Ungot ni Gabby habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan ay natatanaw namin ang malawak na dagat
"Masarap magbeach kung tapos na tayo sa mga work tasks natin. As you can see hindi pa napafinalize ang para sa summer collection natin"
Nilingon ni Gabby si Hershey and she rolled her eyes
"I know pero minsan kailangan rin natin mag enjoy. Tignan mo, sayang naman ang hot nating katawan kung di masisilayan ng iba especially ng boys"
Humigikhik si Gabby. Hershey shook her head and put her attention on the papers she was reading
"What about you Andy?'
"I don't have time. Alam mo kung gaano tayo kabusy sa shop"
"Yeah, of course I know that! But hey! Hindi masama ang magrelax minsan!"
"We will, but not now"
Napabuga ito ng hangin at tinuon ang pansin sa labas ng bintana
Nakarating kami sa may shop. Nagpark ako at naunang lumabas ng sasakyan sila Gabby
Kumunot ang noo ko nang may mapansin na sasakyan sa harap ng shop. Mukhang pati sila Gabby ay nagtataka rin dahil napahinto ang mga ito
May nakita akong nakatalikod na isang lalake habang ang phone nito ay nakatapat sa tenga nya at parang may kausap
"Yeah, nandito na ako sa shop pero mukhang sarado pa"
Di ako sigurado pero parang familiar ang boses nya
"I know Dad, I won't fail you this time. I understand, I'm gonna hang up and yeah consider this as done"
Ibinaba nito ang phone nya. Hershey cleared her throat
"Ahm excuse me? May kailangan ka?"
Lumingon ito at nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ito
Nakita ko rin ang gulat sa mga mata nya. His mouth is slightly open
"Alam ko maganda kami, jaw dropping right?"
Parang natauhan sya sa narinig mula kay Gabby. Mahinang siniko ni Hershey ang nakacrossed arms na si Gabby
"A-andy..."
Hindi agad ako nakapagsalita, tila may nagbara sa lalamunan ko
"A-anong ginagawa mo dito Darren?"
Unti unting lumipad ang tingin nito kay Hershey
"Hershey..."
Hindi nya inalis ang tingin kay Hershey. He scanned her from head to toe
"Baka gusto mo na rin banggitin pangalan ko? Gabby, gusto ko yung parang may longing effect tulad ng kay Hershey"
Kumurba ang isang ngiti sa mga labi ni Darren. The playful grin crept on his lips, the usual grin na madalas kong nakikita sa kanya noon. He looks very different with his suit and tie, nung driver sya ni Axel ay ang madalas nyang suot ay faded pants and a plain colored shirt
"Ano nga pala kailangan mo sa shop namin Mr. Hot dude?"
Darren chuckled at Gabby's, he then glanced at Hershey na mahigpit ang pagkakayakap sa folder
BINABASA MO ANG
Unwanted
RomanceIn order to save their company, Andy Saavedra needs to sacrifice her happiness and marry the ruthless CEO Axel Greene. She first met him in a charity ball, he was the perfect definition of a hot businessman. She's aware of him being a womanizer and...