Chapter 43

63.2K 1.5K 75
                                    

Andy

Mahigpit na hinawakan ni Axel ang nanginginig kong kamay. Nilingon ko ito at isang ngiti ang sumalubong sa akin. He pulled me closer to him

"Why are you nervous?" he kissed my hair

Sino ba ang hindi kakabahan sa sitwasyon ko? Narito kami ngayon sa mansion ni Lolo Arthuro, may gaganapin na welcome party para kay Coreen though mga friends and relatives lang ang kasama sa party ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi kabahan. Matagal na panahon na rin kasi nung huling kong nakita ang pamilya ni Axel

"You're shaking"

I smiled nervously

"I-i can't help it"

"Gusto mo paalisin ko sila?" I rolled my eyes with his joke

He smiled and held my chin. He made me faced him and planted a soft kiss on my lips

"Don't be nervous, I'm here"

Tumango ako. Inilibot nya ang braso sa bewang ko at iginiya ako papunta sa may garden kung saan ginaganap ang party

"Mommy!" napangiti ako nang marinig ang boses ni Coreen. Bumaba ito sa pagkakaupo mula sa hita ni Mommy at tumakbo palapit sa amin

Nakasuot ito ng Princess outfit and believe me, she really looks like a Princess

Mahigpit ako nitong niyakap, hinalikan ko ito sa pisngi

"You're so beautiful"

"Oh really Mommy?! I'm beautiful like you?"

Axel bent his knees

"Yes sweety, you're beautiful just like Mommy"

Coreen giggled. Binuhat ni Axel ang anak namin at hinawakan ang kamay ko

Kakagaling ko lang sa isang meeting at nag ayos pa ako ng sarili sa may bahay bago ako sinundo ni Axel papunta dito. Hindi tuloy ako nakatulong sa pag aayos kay Coreen though I was the one who designed her dress

"Bakit ngayon lang kayo iha?" my Mom kissed me on my cheek when we reached their table, Tito Lorenzo did the same

"Medyo natagalan lang po sa may meeting namin. Hindi ko pa kasi macancel yun Mommy kaya wala akong nagawa kung hindi ang umattend" she nodded

Napangiti ako nang makita si Sky. Ginulo ko ang buhok nito

"Ate Andy!"

Tumayo ito at mahigpit akong niyakap

"I'm so happy to see you"

"Me too Sky"

Hinalikan nito ang pisngi ko. Nilingon nito si Axel sa tabi ko at tinanguan

"Nice to see you again Kuya Axel"

They did a man hug

"Where's Dash?" tanong ko nang hindi ito makita

"Bumalik na sya sa Australia iha" si Tito Lorenzo ang sumagot

"Tss magmumukmok na lang sa Australia pa pumunta" natawa ako sa sinabi ni Sky

"Hayaan mo na anak, malungkot ang buhay ng isang yun. Malay mo nasa Australia ang para sa kanya or malay mo naman wala talagang nakalaan para sa kanya, sayang lang ang kagwapuhan nya" napailing pa si Tito Lorenzo

"Makakahanap din yun. Si Mommy nga pinatulan ka tapos kung makapagsalita ka kay Tito Dash?"

"Yung bibig mo anak walang preno, yan takpan mo ng tissue" inilapat ni Tito Lorenzo ang tissue sa bibig ni Sky, sinamaan naman sya ng tingin ng anak

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon