Chapter 34

64.2K 1.4K 59
                                    

Andy

I hugged Max before we parted ways. I actually enjoyed our small talk

"Who was that guy?" I almost jump when I heard that baritone voice. Nilingon ko si Axel at sinamaan sya ng tingin

"Anong problema mo?" I was still glaring at him when his brows furrowed

"Are you mad?" mukha ba akong natutuwa? I rolled my eyes and turned my back

"Andy..." alam kong hindi nya gusto na tinatalikuran sya but who cares? I don't give a damn now

Nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa kanya. Hindi ko na narinig na tinawag nya ang pangalan ko. Pasimple ko itong nilingon at nakita itong nakatalikod sa direksyon ko. His hands were on his waist, napapatingala rin ito na para bang kinakalma ang sarili

I know his fuming mad right now and any moment he will explode. Ibinalik ko ang tingin sa may harapan ko

It will only happen if he still the Axel that I used to know

I went straight to our station. Nandun na rin sila Hershey at Gabby na nanonood sa photoshoot nila Wilson

I sat next to Gabby

"Nakita ko kayo ni Axel, nagtalo kayo?" mahinahon nitong tanong

"He was acting weird this past few days. Hindi ko alam kung sya pa rin ang Axel na kilala ko. He suddenly changed" I said in a serious tone

"For the better?" I lowered my head before I turned my gaze on her

"I don't know, he's confusing me" I sighed

"Baka natauhan na sya" it was Hershey nakatuon ang tingin nito sa may laptop nya

"You think so?" I asked curiously

"I'm not really sure pero sa nakikita ko ay nagbago na si Kuya Axel, for the better. Narealized nya na siguro ang worth mo" I laughed sarcastically

"I doubt that... but if he really does, it's too late" nilingon ako ni Hershey

"Paano kung mahal ka na talaga ni Kuya Axel?" napahinto ako sa sinabi nya at maging si Gabby ay nilingon sya

"Wala syang alam sa pagmamahal Hershey" may diin kong sagot

She slightly shook her head

"Hindi natin alam ang nararamdaman nya Ate Andy. We can't judge his feelings just because he used to be a cruel man. May kakayang magbago ang tao kung gugustuhin nya" natahamik ako, I turned away my gaze

"Anong nakain mo Hershey? Nagugulat ako sa mga sinasabi mo. Ganyan ba ang epekto ni Darren sayo?" it was Gabby's voice

"Wala syang kinalaman sa pananaw ko sa buhay" saad ni Hershey

"Pero alam kong gusto mo sya" Gabby teased her

"You like Kuya Wilson"

"Anong pinagsasabi mo?! Nababaliw ka na ba? Bakit naman ako magkakagusto sa kanya?! Hindi ko sya type! I don't like his kind! He's a jerk! He's an asshole!" napalingon na rin ako kay Gabby dahil sa biglang pagsigaw nito

"You don't have to be that defensive, mas lalo kang nahahalata" nakangiwing saad ni Hershey

Nanlaki ang mga mata ni Gabby. She glared at Hershey before she turned away her gaze

"Can I have some sun block? Nagbuburn na ang skin ko" hindi ko namalayan ang paglapit ni Crisha

Tumayo si Gabby at kinuha ang sun block sa may table at marahas na ibinigay sa kanya

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon