Chapter 25

75K 1.5K 105
                                    

Andy

Kumunot ang noo ko nang mapansin na may sasakyan na nakaparked sa harap ng shop. I forced myself not to roll my eyes when I recognized the car, kay Darren ang sasakyan na ito

Pumasok ako sa loob ng shop at agad naman tumayo si Hershey nang makita ako. Si Gabby naman ay nakaupo sa upuan nya habang nakatutok sa phone nya

"Ate Andy..."

"I saw Darren's car, nandito sya?"

She slowly nodded

"Gusto ka daw nya makausap ulit"

Ilang araw na rin pala ang lumipas simula nung huli naming pag uusap

"I tried to kick him away pero ayaw nya talaga. Kulang na nga lang ibigay ko si Hershey sa kanya para tantanan na ang shop natin"

Hershey turned her gaze to her. She glared at Gabby pero nanatili ang tingin nito sa phone nya

"Where is he?"

"Nasa loob na sya ng office mo"

I nodded and entered in my office. Umalis lang ako kanina dahil may kinausap akong potential client. I thought I already made it clear to Darren pero mukhang nagkamali ako

"Darren..."

Agad itong tumayo mula sa visitor's chair. He smiled widely at me. Napabuga ako ng hangin at umupo sa may swivel chair ko

I pointed the chair and he got what I'm trying to say, umupo ito at hinarap ako

"I know you already said no but---"

"My answer is still no, Darren. Sana maintindihan mo, I'm sorry"

Bumuga ito ng hangin at mukhang problemado ito

"Naiintindihan ko naman Andy pero yung Mom ko ay hindi nya talaga maintindihan"

"And that doesn't concerned me"

Napanguso ito

"Andy naman, please pumayag ka na. Baka tuluyan na akong itakwil ni Dad kapag pumalpak pa ako sa isang ito!"

"You can always prove yourself to him without involving me and my team and now if you'll excuse me, the door is open. Marami pa akong gagawin"

Itinuon ko ang atensyon sa mga paperworks sa ibabaw ng lamesa ko

"I'm sorry for disturbing you Andy, hayaan mo kakausapin ko si Mom"

In my peripheral vision, I saw him stood and left my office

Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyang makaalis ito

"Anong nangyari dun? Mukhang nalugi"

Gabby went in and sat on the visitor's chair. She arched her brow while waiting for my answer

"Tinanggihan ko yung offer nya"

She shrugged

"Don't worry about him, nakita ko sya kausap ni Hershey sa may labas. I even saw him smiled while talking to her. Damn, di ko alam na may talent pala si Hershey sa pagcocomfort"

She giggled pati ako ay napangiti na lang sa sinabi nya

"I know your reason why you don't want to work with him but Andy, kung iniisip mo na baka makarating ito sa ex husband mo, don't you think you're just overthinking? Kasi kung may balak syang sabihin sa best friend nyang gago, dapat nung last week nya pa ginawa"

She has a point but maybe I'm just afraid to risk

"We both know how powerful that bastard is. Kung gusto ka nyang hanapin, matagal ka na sana nyang nahanap, kayo ni Coreen. Sa tingin ko ay wala naman talaga syang pakelam sa kung ano ng nangyayari sa buhay mo"

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon