Chapter 22

77K 1.6K 221
                                    

Andy

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang pangyayaring iyon. Daddy pleaded for forgiveness, sinabi nya sa akin ang lahat ng pagkakamali nya. I love my father so much kaya madali ko syang napatawad

Alam ko naman na nagsisisi talaga sya at sapat na yun para mapatawad ko sya. Kung magmamatigas ako, pareho lang kami mahihirapan. Matanda na si Daddy at may sakit pa. Ayokong may pagsisihan ako

"Andy, sigurado ka na ba sa desisyon mo?"

Tumango ako

"Gusto ko pong magsimula ulit Daddy"

He smiled sadly at umupo sa may tabi ko

"I'm so sorry for everything anak"

"Napatawad na kita Daddy so please don't give me that sad face"

Ngumuso ako. He tried his best to smile but I can still see the sadness and regret in his eyes

"You didn't tell me how Axel treated you"

"If I did that, sigurado akong gagawin mo ang lahat makuha lang ako sa kanya"

"Because that's the right thing to do. You suffered just to save our company. Ang akala ko talaga ay napatawad nya na ako"

Malungkot itong bumuga ng hangin

"Kung sinabi ko lang sana sayo ang totoo ay hindi mangyayari ang lahat ng ito"

Niyakap ko si Daddy

"No matter how bad you have done, you're still my father and I love you Daddy"

Naramdaman kong may pumatak sa balikat ko at sigurado akong luha iyon

Umayos lang ako ng upo nang dumating si Hershey

"Ate Andy, naayos ko na ang mga gamit natin"

I smiled and thanked her

"Sigurado ka bang gusto mong sumama sa amin?"

"Oo naman Ate. Wala na rin naman akong pamilya rito, kayo na lang"

Tumayo ako at niyakap si Hershey. Nalaman kasi namin na wala na ang Tatay nya, ang kaisa isang pamilya nya

I'm still lucky that my father is still here, nakakasama ko sya

"We're family now Hershey"

I pulled away from the hug at nakitang nagpupunas ito ng mga luha

Sa totoo lang ay parang kapatid na rin talaga ang turing ko kay Hershey

Nakarinig kami ng mga katok mula sa pintuan

"Ako na magbubukas Ate"

"May iba ka pang gagawin di ba? Sige na, ako na ang magbubukas"

She nodded. Tinalikuran ko si Hershey at binuksan ang pintuan. Nasa hotel kami ngayon dahil nakakahiya kay Mommy at Tito Lorenzo kung sa kanila kami tutuloy, though ayos lang sa kanila, tumanggi ako since kasama namin si Daddy. Mas makabubuting sa hotel na lang muna kami

Hindi ko inasahan ang taong nasa harap ko. Anong ginagawa nya dito?

"Pwede ba akong pumasok hija?"

Nasa likod lang nito ang bodyguard nya. Malungkot itong ngumiti sa akin

"Anak, sino yan?"

Naramdaman ko ang presensya ni Daddy sa likod ko

Nakita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak ni Lolo Arthuro sa tungkod na hawak nya

"A-anong ginagawa nyo rito?"

Naramdaman ko ang takot at pag aalala sa boses ni Daddy. I can't blame him, sa totoo lang ay nakakaintimidate talaga si Lolo Arthuro lalo pa ngayon sa sitwasyon ni Daddy na may nagawa syang hindi maganda sa pamilya nito

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon