Chapter 16

77.2K 1.5K 266
                                    

Andy

Inayos ko ang mga dadalhin ko na damit at nilagay sa isang travel bag

"Ate Andy, matagal ka pa ba?"

Nilingon ko ang pintuan ko. Nakabukas ito ng konti at nakita kong nakatayo dun si Hershey

Nakabihis na rin ito

I nodded at her at sinabit ang bag sa balikat ko pero mabilis akong nilapitan nito at kinuha ang bag mula sa akin

"Ako na magbubuhat"

"No, ayos lang sa akin. Magaan lang naman ito"

I tried to reach for my bag pero iniwas nya ito

"Naku Ate Andy, hayaan nyo na po ako at baka mapagalitan rin po ako ni Sir Axel"

Napakamot pa ito

Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang sya. Lumabas kami ni Hershey at dumiretso sa may living room

"What took you so long?"

Nakakunot ang noo ni Axel nang makalapit ako rito

"Pasensya na, inayos ko na rin kasi ang ibang mga gamit ko"

He just nodded and turned to Hershey

"Her vitamins and other necessities?"

"Nasa sasakyan na Sir Axel"

Naglakad kami papunta sa may van. Nasa may driver seat si Darren at nasa tabi nya naman si Wilson

Nasa likuran kami ni Axel at nasa likod naman namin si Hershey

"Let's go!"

Darren started the engine and drove off. Nilingon ko si Axel, nakasuot ito ng plain white shirt at shorts, may suot din itong sunglass. Naka beach outfit din sila Wilson at Darren. Si Hershey ay nakasuot ng sleeveless at shorts and I'm wearing a summer dress

Inaya kami nila Mommy at Tito Lorenzo na magbeach. Ang akala ko nga ay hindi papayag si Axel kaya nagulat ako nang sabihin nitong pupunta kami

I know he's a very busy person. Being the CEO of a big and well known company is not easy. He got a lot of paperworks to do. Ang sabi ni Wilson ay nag over time daw ito ng ilang gabi para matapos ang mga paperworks nya

Naninibago pa rin ako kay Axel pero alam ko naman na ginagawa nya lang ang mga ito para sa baby namin. It was not an issue for me. The important thing is kahit paano ay medyo maayos na ang relasyon namin

Napahikab ako nakaramdam ng antok. Napapansin ko na napapadalas ang pagiging antukin ko. Siguro ay dahil na rin sa buntis ako

"Are you sleepy?"

Nilingon ko si Axel at tumango. Inalalayan nito ang ulo ko at isinandal sa balikat nya

"Matulog ka na muna. I'll wake you up when we get there"

Muli nitong itinuon ang tingin sa labas ng bintana

Ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi na ako nagtaka nang mabilis akong makatulog

Naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko kaya nagmulat ako ng mga mata

I met Axel's natural blue eyes. Kung minsan nga ay parang nag iiba ang kulay nito sa ilalim ng araw

"We're here"

Nilibot ko ang paningin ko. Wala ng tao sa sasakyan maliban sa amin ni Axel

Binuksan nito ang pintuan ng sasakyan at bumaba. Inalalayan rin ako nitong makababa ng sasakyan

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon