Chapter 39

64.9K 1.4K 55
                                    

Andy

Dumiretso agad sila Gabby at Hershey sa mga kwarto nila nang makarating kami sa bahay

Si Manang Mona ay naghahanda na para sa dinner

I tried to call Axel

Alam kong pwedeng ipagpabukas na lang ito pero gusto ko talagang malaman ang kalagayan ni Coreen

I just can't help it. She's my daughter

"Uuwi na ba sila Axel at Coreen?" tanong ni Manang Mona

Nilingon ko ito

"Sinusubukan ko pong tawagan"

She nodded and went back on what she's doing

"Hey..."

Muntik pa akong mapatalon nang marinig ang boses ni Axel. His voice is kinda husky

"Gusto ko sana kamustahin si Coreen. Naistorbo ba kita?" napangiwi ako nang marinig ang pagsara ng pintuan

"She's watching some kiddie's stuff in the living room with Lolo Arthuro and no, you disturbing nothing. I just got off from shower"

Oh yeah? What's the point of telling me he just got off from shower? It's not like I'm asking what he was doing, I'm asking about Coreen

"Anong oras mo iuuwi si Coreen bukas?"

"Nakauwi na kayo?"

"Oo, kakarating lang namin"

"Mukhang napaaga kayo"

Nagtataka rin kami nila Gabby. Parang kagabi lang ay sobrang pressured namin dahil marami silang gustong mangyari about sa designs na susuotin ng mga models para sa shoot tapos kinaumagahan ay mabilis na nafinalize ang mga designs

Hindi na kami pinahirapan ng manager sa mga designs and he even told us to enjoy the rest of the day

"You fell silent"

Napaisip ako bigla, last night Axel asked me about the manager's name, does he have something to do with it? I guess not, I mean ano naman ang mapapala nya?

I sighed

"Natapos agad namin ang mga designs kaya nakauwi kami agad"

"That's good to hear"

There this awkward silence between us. How could I break this awkward silence?

It will be rude if I just end the line just to end our conversation

"Gusto mo bang ihatid ko na si Coreen dyan?" he was the one who broke the silence. Nakaramdam din

"No, bukas mo na lang sya ihatid or pwede rin na ako na lang ang sumundo sa kanya"

"Ako na ang maghahatid sa kanya bukas. Kakauwi nyo lang, di ba dapat ay nagpapahinga ka na?"

"I'm not really tired"

"But still, you need to rest"

He sounds... concerned

Kumunot ang noo ko

"Who's that? Yung boyfriend mo?" singit ni Gabby nang makababa ito. Dumiretso ito sa lamesa at umupo sa upuan nya

Nagsalubong ang mga kilay ko sa tanong nya, boyfriend?

Narinig ko ang marahas na paghinga ni Axel. I even heard him cussed. Anong problema ng isang ito?

"May boyfriend ka?" mariing tanong ni Axel

"Wala, sige na Axel ibaba ko na ito, good night"

Narinig ko ulit ang marahas na paghinga nito

"Good night Andy"

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon