Chapter 40

73.4K 1.6K 94
                                    

Andy

Naiilang na talaga ako sa titig na binabato ni Gabby sa amin. Palipat lipat ang tingin nya sa amin ni Axel habang nakataas ang isang kilay

"Dapat ko na ba kayong bigyan ng privacy? Gusto nyo exit na ako?" she asked teasingly

Pinanliitan ko sya ng mga mata pero inirapan nya lang ako at tumawa

Axel on the side did nothing but chuckled with Gabby's words

Dumating ang order namin. Nilagay ng waiter ang mga pagkain sa lamesa at agad na nagliwanag ang mukha ni Gabby

"Enjoy your food"

"Oh we surely will!" sagot ni Gabby at nagsimulang kumain. Napangiti naman ang waiter

The waiter is about to leave when Axel stopped him

"I'll pay for their bills. Put it under my nam"

Mukhang hindi inaasahan ng waiter yun dahil bahagyang nanlaki ang mga mata nya pero di kalaunan ay tumango rin ito

"Yes Mr. Greene" he said and left

Mukhang kilala talaga si Axel dito

"Hindi mo naman kailangan bayaran ang kakainin namin. We can pay for our bills" nakayuko lang ako nang sinabi iyon. Nakatuon ang tingin ko sa pagkain sa harap ko

"Don't mind it. I'm happy to do that. Please focus on your meal" kahit hindi ko sya tignan ay alam kong nakatitig sya sa akin

"Hayaan mo na Andy, at least hindi na tayo gagastos. Kumain ka na, masarap ang libre"

Nakangiting saad ni Gabby habang kumakain

I sighed and nodded

Sinimulan ko na ang pagkain pero hindi ako mapakali dahil ramdam ko pa rin ang nakalulusaw na titig ni Axel sa tabi ko

I gulped and turned to face him

"Kumain ka na ba?"

"Yeah, a little"

Tumango ako at binalik ang tingin sa kinakain ko. Isusubo ko na sana ang tinidor ko nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at iginiya sa bibig nya ang tinidor. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya

Ngumiti si Axel at nginuya ang pagkain nya nang hindi inaalis ang tingin sa akin

"It tastes good"

He then licked his lips

Nag iwas ako ng tingin. I gulped. Nakita kong nakanganga si Gabby, naiwan sa ere yung tinidor nya na sa tingin ko ay napahinto sya dahil sa nakita nya. Damn! Kahit ako nagulat din sa ginawa ng isang ito!

"Why don't you guys get a room?" si Gabby nang makabawi ito. Nilapag nya ang tinidor at tinaasan kami ng kilay

My eyes widen on what she said. I heard Axel laughed

"What are you talking about? We're not even kissing!" pinilit kong hininaan ang boses ko

"So if he'll kiss you right now, you'll get a room later?" nang aasar nitong tanong

Nilingon ko si Axel nang naramdaman kong marahan nyang tinusok ang pisngi ko

"Passionate or French kiss?" may naglalarong nakalolokong ngisi sa mga labi nya

Napanganga ako sa sinabi nya. Shit! Anong nangyayari sa isang ito?!

Narinig ko ang pagtawa ni Gabby kaya nilingon ko ito at sinamaan ng tingin

"Mr. Greene I bet you know that we're still not done with our meeting"

Napalingon kami sa nagsalita. She was the woman from earlier, yung sinasabing client ni Axel

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon