HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JCHAPTER 34
JENNIE'S P.O.V
Dahil gusto ko ako ang mismong mag-aalaga kay Lisa. Napagpasyahan ko munang magbakasyon pansamantala sa trabaho. Sinuportahan naman ako ng parents ko, lalo na at alam ng mga ito ang tunay na dahilan ko. Kaya naman nagpasya sila na muna ang bahala sa kumpanya habang wala ako. Sinabihan ko na din sila na wala silang sasabihin kay Kai, kung sakali man na magtanong ito kung nasaan ako.
Mula kasi ng huli naming pag-uusap ni Kai ay hindi ko na siya muli pang kinausap. Bagamat nga ilang beses na itong nagtangkang kausapin ako. Ilang beses na siyang tumawag. Pero ni isa man ay wala akong sinagot.
Ayaw ko muna siyang makausap. Ngayon pa na nalaman ko kung anong ginawa niya kay Lisa. Baka hindi ko lang makontrol ang sarili ko at ako mismo ang bumugbog sa kanya.
Nang malaman ko nga ginawa nito kay Lisa ay parang gusto ko na siyang sugudin. Subalit kaagad din akong pinakalma at pinigilan nina Lisa. Mas lalo daw kasing gugulo kung susugudin ko bigla si Kai. Baka makahalata pa ito at mas mapahamak pa si Lisa. Hindi kasi nito alam na nakaligtas ang kapatid niya. Ang buong akala nito ay tuluyan na nga niyang napatahimik si Lisa. Pero nagkakamali siya.
Medyo matalino at magaling itong si Kai. Kaya naman kailangan namin pag-isipan muna ang nararapat naming gawin upang mahuli siya at mapagbayad siya. Dahilan upang kahit gustong-gusto ko ng sugudin at pagsasampalin ang lalaking iyon ay nagtitimpi muna ako. May tamang araw para doon. Kailangan namin makakuha ng ebidensiya. Isang matibay na ebidensiya laban sa lalaking iyon. Para magawa namin siyang maipakulong. Ngunit habang wala pa? Kailangan muna naming magtiis. Kailangan din naman ni Lisa na magpalakas muna. Medyo malaki ang laban na kakaharapin niya. Kaya kailangan niya munang magpalakas ng husto.
"Hon..."
Kaagad naman akong lumingon kay Lisa at mabilis na lumapit dito upang alalayan siya.
"Hindi ba sinabi sa iyo ng Doctor na bawal ka munang magtatatayo? Kailangan mo munang magpahinga. Ang tigas talaga ng ulo mo,"saad ko pa habang inaalalayan itong makaupo.
"Okay na naman ako honey e. Kaya huwag ka ng mag-alala---"
"At paano naman ako hindi mag-aalala ha? Kita mo naman ang nangyari sa iyo. Kita mo naman na ganyan pa ang kalagayan mo. Paano kung bigla kang matumba o madulas? What if maumpog ulo mo dahil doon? Maraming posibleng mangyari. Kaya hindi---"
Hindi ko na naituloy pa ang iba kong sasabihin ng bigla ako nitong yakapin. Dahilan upang matigilan ako sa aking pagsasalita.
"I'm sorry honey ko. Pero don't worry, okay lang talaga ako. Hindi ko naman hahayaan na masaktan pa muli ang sarili ko. Ayaw kong bigyan ka pa muli ng dahilan upang mag-alala sa akin. Okay lang ako. Hindi ba nangako na ako sa iyo na hindi na kita bibigyan pa ng dahilan upang mag-alala pang muli sa akin. At tutuparin ko iyong pangako kong iyon. Kaya huwag ka ng mag-alala. Hindi na muli ako sasaway sa iyo kung iyon ang ikakapanatag ng loob mo."
Hindi ko naman napigilan mapangiti dahil sa sinabi nito.
Kaagad akong humiwalay ng yakap sa kanya atsaka tinitigan siya sa mukha. May mga pasa at sugat pa siya sa kanyang pisnge at may ulo. Pero kahit ganun, hindi parin nabawasan man lang kahit katiting ang kagandahan niya mula sa paningin ko.
She still beautiful for me.
"I'm sorry din kung medyo O.A ako ha. Ayaw ko lang kasi talagang may mangyari pang masama sa iyo. Hindi ko kakayanin. Hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sa iyo. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Mababaliw ako."
Baka nga hindi lang mabaliw. Baka mamatay ako kung sakaling mawala man siya sa akin. Mahal na mahal ko siya...sobra.
"At gaya nga ng pangako ko sa iyo. Hindi ako mawawala sa iyo. Magsasama pa tayo ng matagal na matagal. Hindi ba nga magpapakasal pa tayo? Tapos, magkakababy pa din tayo. Mga lima---"
"What?! Lima talaga? Hindi ba parang ang dami naman ng lima? Tatlo okay na,"hindi ko mapigilang sumingit.
Oo. Pangarap ko din ang magkaroon ng malaking pamilya. Pero masyado naman marami yata ang lima. Parang hindi ko naman yata kaya iyon. Lalo pa at ako ang gusto niyang magbuntis. Eh hirap pa naman magbuntis di ba? Oh my talaga!
"Pero honey, gusto kong maraming anak. Kakaunti pa nga ang lima e. Gusto ko nga mga walo pa sana. Kaso lang, ayaw ko naman na mahirapan ka."
Wow ha! At naawa pa siya ng lagay na iyon sa akin? Limang anak? Iniisip ko palang parang hihimatayin na yata ako. Kaya ko ba?
"Naawa ka pa sa akin ng lagay na iyan ha?"sarcastic na tanong ko sa kanya sabay ikot pa ng mata ko. "Okay lang sana kung tutulungan mo akong magbuntis. Okay lang iyon sa akin,"dagdag ko pa.
Kaagad naman nanlaki ang mata nito dahil sa sinabi ko.
"No way honey! Alam mo naman na hindi ko keri na manganak di ba?"
Kita niyo na? Siya lang yata ang taong nakilala ko na ubod ng tapang pero duwag din. Mga wala daw siyang inaatrasan pero kapag napag-usapan ang pagbubuntis, kaagad naman nababahag ang buntot niya.
"At ako hindi?"nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Na ikinakamot lang naman nito sa ulo niya. Napailing na lang naman ako atsaka inalalayan muli ito para makaupo ito ng maayos.
Medyo hirap pa din kasi itong humakbang. Pero dahil nga matigas ang ulo niya? Ayon at nagpupumilit parin. Katwiran niya ay naiinip daw siya sa kwarto.
Sobrang tigas talaga ng ulo.
"Hay naku. Saka na lang natin pag-usapan ang mga bagay na iyan. Matagal pa naman mangyayari iyon. Marami pa tayong kailangang unahin,"pag-iiba ko ng usapan.
Kaagad lang naman itong sumimangot.
"Pero kailangan pa din natin iyong pag-usapan. Bakit? Ayaw mo ba talaga ng limang anak? Gusto mo ba talagang tatlo lang?"malungkot na tanong pa nito sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako bago ko hinawakan ang magkabilang pisnge nito.
"Hindi naman sa ayaw okay? Pero siyempre, medyo nag-aalala din ako at kinakabahan at the same time. Hindi biro ang magsilang ng limang anak. Pero kung iyon ang gusto mo at siyang mag papasaya sa iyo? Why not di ba? Sa tingin ko naman kakayanin ko iyon. Basta nandiyan ka lang sa tabi ko."
I hope na kaya ko nga.
Kung di ko lang talaga siya mahal. Nungkang papayag ako sa limang anak. Pero ano pa bang magagawa ko? E iyon ang gusto ng mahal ko. Kaya sige na, pagbigyan na ng walang ligalig hahaha. Mahal ko naman e.
Masaya din naman ang maraming baby.
••••••••••••••
Hindi naman halatang marupok ka Jennie😅
----
Hey guys. Hope you like it😘