Chapter 35

416 16 0
                                    

           HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J

CHAPTER 35

LISA'S P.O.V



Nakatanaw lang ako sa malayo habang iniisip ang mga nangyari sa akin.

Hanggang ngayon kasi, hindi ko parin lubos maisip na kayang gawin ng kuya ko ang bagay na iyon sa akin. Mula pagkabata ko, never niya akong sinaktan man lang. Kaya nakakagulat at sobrang sakit na nagawa niya iyon sa akin. Na muntik na niya akong patayin. Parang hindi siya ang kuya ko na nakilala ko. Hindi siya ang kuya ko na sobrang hinahangaan at minahal ko. Ibang-iba siya ng gabing iyon.

Oo, aaminin ko na may mali din ako. Malaki ang ginawa kong kasalanan sa kanya. Alam ko naman na hindi tama ang ginawa kong pagsulot sa babaeng mahal niya. Pero anong magagawa ko? Mahal ko si Jennie. At hindi ko naman mapipigilan ang puso ko di ba? Hindi naman kasi mahirap mahalin si Jennie. Kaya hindi niya ako masisisi kung nahulog ang loob ko sa girlfriend niya. Ngunit hindi naman iyon enough na dahilan para gawin niya sa akin ang bagay na iyon. Hindi enough na reason para pagtangkaan niya ang buhay ko.

Actually, naghinala na ako ng gabing iyon kung bakit bigla na lang niya akong inaya. Hindi naman kasi niya ugaling mag-aya na lang bigla na mag-inuman. Kaya naman nag-alangan din ako kung pupunta ba ako o hindi. Pero dahil nagdrama na siya sa akin. Minsan lang naman daw siya mag-aya ay tatanggihan ko pa. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang puntahan na lang siya. Na sana pala ay hindi ko na lang ginawa.

At first, wala namang kahina-hinala sa kanyang mga kilos. Maayos pa kaming nag-iinuman. Pero habang tumatagal, unti-unting nagbabago ang kilos nito maging ang tono ng boses nito. Pansin ko na din ang pag-iba ng tingin nito sa akin. Doon na ako nagsimulang kabahan. Binalak ko na nga sanang umalis na. Subalit bago ko pa man iyon magawa ay naunahan na niya ako. Bigla itong may ipinaamoy sa akin dahilan upang mahilo ako at unti-unting mawalan ng malay. Nagising na lang ako na nandoon na ako sa lugar kung saan ako nakita natagpuan ng mga tumulong sa akin.

Tandang-tanda ko pa kung paano ako pinahirapan ni kuya. Iyong mga hampas niya. Bagamat maayos na ang pakiramdam ko ngayon, pero ramdam ko parin ang bawat palo nito sa akin. Sobrang sakit ang bawat hampas at bugbog na tinamo ko mula kay Kuya. Pero mas masakit parin iyong katotohanan na siya ang gumagawa niyon sa akin. Mas masakit ang katotohanan na si Kuya ang nananakit sa akin. Mas masakit iyon kaysa  sa mga bugbog at sugat na natatamo ko.

I used to love my brother. I used to adore him. Pero lahat ng pagmamahal at paghanga na meron ako sa kanya noon, unti-unting napalitan ng galit at hinanakit. Ayaw kong magalit sa kanya. Pero matapos ang ginawa niya sa akin. Wala akong ibang hangad ngayon kundi ang mapagbayad siya. Ang makaganti sa ginawa niya sa  akin. Pero hindi sa paraan na katulad ng ginawa niya sa akin. Wala akong balak na gumanti sa kanya physically. Ang makita ko lang na pagbayaran niya ang ginawa niya? Okay na sa akin iyon. Makulong lang siya, okay na ako.

Pero hindi ko naman itatanggi na gusto ko din siyang saktan. Gusto kong iparamdam kay Kuya ang ginawa nito sa akin. Subalit kapag naalala ko si Jennie. Iyong pag-aalala nito sa akin, kaagad nagbabago ang isip ko. Ayaw kong bigyan pa ng dahilan si Jennie na mag-alala pa sa akin. Ayaw kong makita siyang nasasaktan because of me. Kaya naman kahit gusto kong ako ang gumanti kay Kuya, hahayaan ko na sina Jisoo at ang batas ang gumawa niyon.

Sana nga lang ay magtagumpay ang plano nila Jisoo. Para naman mahuli na si Kuya at si Krystal. At mapagbayad sila sa ginawa nila sa akin.

"Hon..."

Naputol naman ang aking pag-iisip at mabilis akong napalingon sa likuran ko kung saan naroon si Jennie. Na ngayon ay pupungas-pungas pa ang mata.

"Hey! Maaga pa ah? Bakit bumangon ka na?"tanong ko dito at mabilis na kinabig ito at pinulupot sa baywang niya ang mga braso ko. Kaagad naman itong sumubsob sa may dibdib ko.

"Naramdaman ko kasing wala ka sa tabi ko kaya nagising ako."

Napangiti na lang naman ako dahil sa sagot nito. Mula nang mangyari ito sa akin, medyo naging clingy na siya sa akin. Kung dati ay naiinis pa siya sa akin kapag palagi akong dikit nang dikit sa kanya pero ngayon iba na. Ngayon, sa aming dalawa mas clingy at sweet na siya. Mawala nga lang ako saglit sa paningin niya natataranta na ito. Madalas din na nakadikit siya o nakasunod sa akin kahit saan man ako magpunta. Pero okay lang naman iyon sa akin. Mas bet ko nga iyon e. Dahil mas madali na sa akin na landiin siya. Pabor na pabor kaya iyon sa akin hahaha.

May magandang nangyari din pala sa pagkakabugbog ko.

"Naalimpungatan kasi ako kanina. Kaya naman napagpasyahan kong bumangon na. Hindi na rin kasi ako antukin e. Kaya naman naisipan ko na lang bumangon para hindi na magising. Pero mukhang mali yata, dahil mas lalo kang nagising,"natatawang saad ko pa.

Inangat naman nito ang mukha niya saka tumingin sa akin. Halatang antok na antok pa siya. Kawawa naman itong honey ko.

"Alam mo naman na hindi na ako sanay na wala ka sa tabi ko e. Kaya sadyang magigising ako,"sagot naman nito bago muling sinubsob ang mukha niya sa may dibdib ko.

Napailing na lang ako at mabilis na binuhat ito. Medyo okay na naman ako e. At isa pa, hindi naman siya mabigat. Kaya okay lang na buhatin ko siya.

"Hon naman eh! Paano kung makasama iyan sa iyo? Alam mo naman na hindi ka pa talaga magaling,"agad na pangaral nito sa akin matapos ko siyang ibaba sa kama.

Ngumiti lang ako sa kanya bago siya hinalikan sa noo.

"Don't worry, magaan ka naman e. At okay lang ako oh! Okay na kaya ako. Kaya wala ka ng dapat ipag-alala pa. Kahit buong maghapon pa kitang buhatin, walang mangyayaring masama sa akin,"nakangiting sagot ko dito. Sumimangot lang naman ito bago ako inirapan.

Hay naku. Nagsusungit na naman ang aking malaking baby. Kulang lang ito sa lambing. Kailangan lang nito ng lambing.

"Huwag ka ng sumimangot honey. Mabuti pa ay humiga na lang tayo at matulog ulit,"aya ko pa dito bago siya hinila pahiga. Medyo nabigla pa ito sa ginawa ko dahilan para mapatili ito. Pero hindi naman siya nagreklamo at sa halip ay yumakap lsng ito sa akin at siniksik ang katawan niya sa akin.

"Pasalamat ka at inaantok pa talaga ako. Kaya hindi kita papagalitan. Pamaya na lang kapag nawala ang antok ko,"sabi pa nito. Napangiti na lang ulit ako bago siya niyakap ng mahigpit.

I really love this girl.

I can't wait to marry her.


                              ••••••••••

Sinong nakamiss sa akin?😅
Heto na po ang new update. Medyo nagsenti mode si otor niyo kahapon e. Sabay sa panahon ang mood ko😅 kaya di ako nakapag-update. Mahirap na, baka madamay pa ang story ko sa kabitteran ko🤣

Pero di po ako broken ha. Saydang moody lang talaga😅

At isa pa, wala naman po akong jowa. Walang nagkakamali🤣char

Hope you like it guys😘

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon