HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JCHAPTER 1
JENNIE'S P.O.V
Pinasadahan ko muna ang aking sarili sa salamin bago ko kinuha ang aking bag at tuluyan ng lumabas sa aking kwarto.
Kanina pa kasing naghihintay sa akin sa baba si Kai, ang boyfriend ko. Ngayon kasi niya ako ipapakilala sa nag-iisang kapatid niya. Kaya nga sinigurado kong maayos ang itsura ko e. Kahit na alam ko naman na maganda na talaga ako kahit hindi na ako mag-effort. Pero iyon nga, dahil kapatid ni Kai ang pinag-uusapan dito. Kaya naman kailangan na maging maayos ang itsura ko kapag nagkita kami. Ayaw ko naman na bigyan siya ng dahilan upang hindi niya ako magustuhan. Hindi pwede iyon.
"Hi Babe! Sorry for keeping you waiting,"hinging paumanhin ko dito sabay halik sa pisnge niya. Ngumiti lang naman ito sa akin sabay pulupot ng braso niya sa baywang ko.
"It's okay, Babe. Alam ko naman na pinaghandaan mo talaga ang araw na ito,"nakangiting sagot naman nito sa akin. Ngumiti na lang naman ako sa kanya.
Hindi ko naman itatanggi na talagang pinaghandaan ko ang araw na ito. Nang sabihin nga sa akin ni Kai na dumating na ang kapatid niya at nais niya kaming magkakilala, kaagad akong nakaramdam ng kaba. Base kasi sa kwento ni Kai sa akin, may pagkabrat ang kapatid niya. Kaya naman hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Ngunit malakas parin naman ang paniniwala ko na magkakasundo kaming dalawa.
Wala naman kasi siyang dahilan upang hindi niya ako magustuhan para sa kapatid niya.
"You look tensed. Relax. Mabait naman ang kapatid ko e. Sure akong magkakasundo kayo,"assurance naman nito sa akin sabay hawak sa kamay ko. Isang tipid na ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya.
"Do you think na magugustuhan niya ako?"tanong ko pa sa kanya, tumawa lang naman ito.
"Oo naman. Kilala ko ang kapatid ko. Yeah, may pagkabrat siya, pero mabait iyon. Kaya sure akong magugustahan ka niya." Medyo nabawasan naman ang nararamdaman kong kaba dahil sa sagot niya sa akin.
Hindi ko nga alam kung bakit sobra akong kinakabahan ngayon e. I mean, may tiwala naman ako sa sarili ko. Marami ngang nagsasabing almost perfect na ako. Kaya wala akong dapat ikabahala dahil walang dahilan upang hindi ako magustuhan ng kapatid ni Kai. Subalit sa kabila niyon, may kaba parin akong nararamdaman. At hindi ko maintindihan kung bakit.
"Wait na lang natin siya sandali. Medyo male-late daw siya ng kaunti dahil may dinaanan pa raw siya,"sabi pa ni Kai nang makaupo kami.
Nandito na kami sa Restaurant kung saan namin kikitain ang kapatid ni Kai. Akala ko nga kanina nandito na siya e. Dahil medyo natagalan kami sa pagpunta dito. Subalit mukhang mas late siya sa amin dahil gaya nga ng sinabi ni Kai kani-kanina lang, male-late ito ng dating.
May time pa ako upang ihanda ang sarili ko.
"Gusto mo na bang kumain muna habang hinihintay natin siya?"tanong pa ni Kai sa akin. Agad naman akong umiling bilang tugon.
"Pamaya na lang kapag dumating na kapatid mo. Hindi parin naman ako gutom e,"sagot ko sabay tipid na ngumiti dito.
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi kami masyadong sweet ni Kai? Ganun kasi talaga kami. I mean, hindi naman kasi ako sweet na tao. Hindi rin ako clingy. At ganun din si Kai. Pareho kaming seryoso sa life na dalawa. Kaya nga kami nagkasundong dalawa e.
"Hello, brother. Sorry na-late ako. Napakatraffic naman kasi dito."
At kung kanina sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang kapatid ni Kai. Ngayon naman ay parang dumoble pa yata ang lakas ng kabog ng dibdib ng marinig ko ang boses nito.