Chapter 5

428 12 0
                                    

             HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J


CHAPTER 5

JENNIE'S P.O.V



Kanina ko pa pinapapatay sa utak ko si Lisa. Actually, kanina ko pa nga siya gustong patayin eh. Sa opisina pa lang kating-kati na akong saktan siya. Ngunit sa kamalasan ay biglang dumating si Kai, kaya ang balak kong pagpaslang sa kapatid niya ay naudlot.

Kaya heto, panay lang ang tingin ko sa kanya ng masama habang kumakain ako. Samantalang ito naman ay panay lang ang ngisi dahilan upang madagdagan lalo ang inis ko sa kanya. Kung hindi nga lang namin kasama si Kai, baka kanina ko pa siyang sinugod. Buwesit e. Pinapainit talaga niya ang ulo ko.

"Masaya ako at mukhang okay na kayong dalawa. Sabi ko na eh, magkakasundo kayong dalawa. Kailangan niyo lang talaga ng oras para doon. And see? Okay na okay na kayong dalawa. Hindi na kayo nag-aaway." Para naman gusto kong masuka sa sinabi ni Kai. Siya lang yata ang masaya  sa nangyayari e. Hindi ko tuloy mapigilan na mapairap.

"Tama ka nga kuya. Mabuti na lang talaga at nakinig ako sa iyo. Mabait naman pala talaga ang girlfriend mo. Masarap pa siya---aray!" Halos nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Kaya naman hindi ko napigilan na sipain siya ng palihim.

Buwesit talaga siya. Napakamanyak niya talaga kahit kailan!

"Okay ka lang ba, Lisa?"pakunwaring tanong ko pa dito habang palihim siyang pinalalakihan ng mata.

Madali ka sa tingin buwesit ka. Subukan mo lang talagang gumawa na naman ng kalokohan at tatamaan ka na talaga sa akin.

"Yeah! Okay lang ako. May lamok lang na kumagat sa akin,"sagot nito bago niya ako tiningnan ng masama ngunit agad din naman siyang ngumiti ng mapansin nitong nakatingin si Kai sa aming dalawa. Agad din naman akong nag-ayos ng tayo at muling itinuon ang aking atensiyon sa aking pagkain.

Mahirap na at baka makahalata pa si Kai sa ikinikilos naming dalawa. Ang hirap pa naman niyang paliwanagan. Kaya nga nang dumating siya kanina ay kaagad akong nagtungo sa cr ng office ko at mabilis na tinakpan ang hickey na ginawa ng walang hiya niyang kapatid e. Mahirap na at baka makita pa niya. Katakot-takot na paliwanagan pa iyon kung sakali.

"At gaya nga ng sinabi ko kanina kuya. Mabait naman pala si Jennie, hindi naman pala siya ganun kasama kagaya ng inaakala ko. Kaya naman gusto ko din humingi ng tawad sa iyo kuya, ganyundin sa iyo Jennie sa naging attitude ko noong nakaraan." Palihim na napaikot ang aking mata dahil sa kasinungalingan ng babaeng nasa harapan ko.

Napakagaling niya talaga. Napakagaling umarte ng gaga. Subalit kung inaakala niyang magpapatalo ako sa kanya? Pwes, nagkakamali siya. Aktingan pala ang gusto niya ha. Edi pagbibigyan ko siya.

"Ganun din ako Lisa. Gusto ko din humingi ng tawad sa iyo sa ginawa kong pagtatatay sa iyo. Mali ako. Hindi naman din pala masama ang ugali mo." Ubod lang ng sama. Napakamanyak pa.

Kita ko naman na napataas lang ang kilay nito sa akin. Halatang hindi rin siya naniniwala sa sinasabi ko. Samatalang si Kai naman ay nakangiti lang sa aming dalawa. Halatang tuwang-tuwa siya. Wala siyang kaalam-kaalam na isang malaking palabas lang naman ito. Wala siyang kaalam-kaalam na nagpaplastikan lang kaming dalawa ng kapatid niya.

"Sobrang saya ko talaga ngayon dahil kitang-kita kong okay na kayo,"masayang sambit pa ni Kai sa amin. Nakangiting tumango na lang naman kaming dalawa ni Lisa bago kami palihim na nag-irapan. Hindi naman iyon napansin ni Kai dahil bumalik na ito sa kanyang pagkain. At ganyundin ang ginawa ko. Wala naman kasi akong balak na makipagplastikan pa sa manyak niyang kapatid ano. Mas mabuti pang kumain na lang ako.

Ngunit habang tahimik kaming kumakain ay bigla kong naramdaman ang pagdantay ng kamay ni Lisa sa may hita ko dahilan upang matigilan ako sa pagkain.

Yeah. Siguradong ako na si Lisa iyon kahit hindi ko na tingnan. Malabo naman kasing si Kai iyon. Sobrang gentleman ni Kai. Sa  tagal naming magkarelasyon ay never pa siyang nagtake ng advantage sa akin. Kaya sigurado akong si Lisa iyon. Siya lang naman ang manyak dito e.

"Tanggalin mo nga ang kamay mo,"pabulong na utos ko dito habang pilit na inaalis ang kamay nito na nasa may hita ko. Ngumiti lang naman ito sa akin at umaktong tila walang naririnig. Patuloy lang siya sa paghaplos sa hita ko dahilan upang hindi ako mapakali.

Damn! Mapapatay ko na talaga ang babaeng ito.

"Are you okay, babe? May problema ba?"nag-aalalang tanong naman ni Kai sa akin. Pekeng ngumiti lang naman ako sa kanya.

"Okay lang ako,"pagsisinungaling ko bago ko pasimpleng kinurot ang kamay ni Lisa dahilan upang mapaaray ang gaga at tuluyan nitong alisin ang kamay niya sa may hita ko. Doon lang naman ako nakahinga ng maluwag.

Kung bakit ba naman kasi katabi ko siya e?

"What happened? Okay ka lang ba Lisa?"baling na tanong naman ni Kai dito. Nagkunwari lang naman akong kumakain at hinayaan silang mag-usap.

"Oo naman kuya. Okay lang ako. Medyo nakagat ko lang ang aking dila." Gusto ko naman matawa sa idinahilan nito. Baliw talaga.

"Ah okay. Be careful. Huwag kang magmadali sa pagkain para hindi mo makagat ang dila mo,"paalala lang naman ni Kai sa kapatid.

Nagkibit-balikat lang naman ako at hindi nagkomento sa usapan nila. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

"Alam niyo? Buti na lang pala at dito ako naupo. Feeling ko kasi malas ang side na iyan e. Ang dami kasing nangyayari sa inyong dalawa diyan sa upuan na iyan."

Bigla naman akong nasamid dahil sa sinabing iyon ni Kai. Kaagad naman akong dinaluhan nito at binigyan ng tubig.

"Okay ka lang babe?"tanong pa nito. Tumango lang naman ako sa kanya at tipid na ngumiti.

Buwesit! Ito na yata ang pinakahate na lunch na meron ako. Next time talaga hindi na ako papayag na makasabay silang dalawa sa pagkain. Feeling ko silang dalawa ang ikamamatay ko.

"Hay naku. Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Pareho kayong nagmamadali sa pagkain kaya ayan tuloy,"natatawang komento pa ni Kai. Nakitawa na lang din naman ako kahit sa loob-loob ko ay gusto ko ng tumayo sa kinauupuan ko at umalis na lang.

"Siguro ay naninibago palang kaming dalawa sa isa't-isa kuya. Di ba Jennie?" Halos mabitawan ko naman ang basong hawak ko dahil sa biglang pagpisil ni Lisa sa hita ko.

Buwesit talaga!

Kailan ba matatapos itong kalbaryo kong ito?

"Di ba?"ulit na tanong pa ni Lisa na nagagawa pang ngumiti sa akin sa kabila ng kalapastanganang ginagawa niya ngayon sa akin.

Pamaya talaga puputulin ko ang kamay nito.

"O-Oo. Baka nga,"napipilitang sagot ko. Bago ko hinawakan ang kamay ni Lisa upang pigilan ito.

Bakit ba ang manyak ng babaeng ito?

Lesbian ba siya?

                             •••••••••••

Hope you like it guys😘

Keep safe everyone.

Wabyou❤

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon