HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JCHAPTER 19
LISA'S P.O.V
"Ouch naman! Hindi pwedeng magdahan-dahan teh? Kailangan talaga manulak?"sarcastic na tanong ko kay Jisoo matapos ako nitong basta na lang itulak papasok sa condo nilang dalawa ni Rose. Maging si Rose nga ay hindi napigilan hindi mapatili ng bigla na lang akong nagdive sa sahig dahil sa kagagawan ng walang-hiya niyang girlfriend.
Darating din ang araw na makakaganti ako sa babaeng maliit na ito. Makikita niya talaga.
"Manahimik ka diyan. Pasalamat ka nga tinulak lang kita e. At isa pa, hindi ka naman gaanong nasaktan kaya huwag kang mag-inarte diyan."
Kita niyo na? Di ba ang sama talaga ng ugali niya? Nagsisisi na talaga ako kung bakit kinaibigan ko pa siya. Napakasama ng ugali niya. Paano kaya siya nagustuhan ni Rose? Mali pala! Bakit kaya siya nagustuhan ni Rose? Eh wala naman kagusto-gusto sa kanya.
"Wait nga lang!"pagitna sa amin ni Rose. "What's going on?"tanong pa nito habang nagtatakang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.
Magsasalita na sana ako upang sumagot at magpaawa sa kaibigan ko. Subalit ibubuka ko palang ang aking bibig ay naunahan na agad ako ni Jisoo.
"Iyang babaeng iyan!"duro nito habang masama ang tingin sa akin. "Alam mo bang nalaman ko ngayon na ang babaeng gusto niyang pahirapan, lokohin at saktan ay ang nag-iisa kong pinsan."
"What?! Si Jennie?"di makapaniwalang saad naman ni Rose. Hindi ko naman napigilan hindi mapaikot ang mga mata ko sa reaksiyon nito.
Grabe naman OA ng dalawang ito. Akala mo naman ay hindi nila ako noon pinayuhan sa dapat kong gawin upang pahirapan si Jennie. Eh sa kanila ko nga nakuha ang ideyang landiin si Jennie hanggang sa bumigay ito. Sila kayang dalawa ang nagturo sa akin ng lahat ng dapat kong gawin. Kaya bakit sila nagagali? Lalo na itong si Jisoo, na numero uno na promotor sa kalokohan.
"Yes love. Ang pinsan ko palang si Jennie ang babaeng kinukwento niya sa atin. Biruin mo iyon di ba? Tinuruan ko pa siya ng mga gagawin para pahirapan ang babaeng sinasabi niya na wala akong kaalam-alam na pinsan ko pala."
Bakas ang frustration sa mukha ni Jisoo habang sinasabi iyon. Dahilan upang hindi ko mapigilan na mapangisi.
Wala lang. Natutuwa lang ako na nakikita siyang ganyan. Halatang nakokonsensiya siya. Dapat lang naman dahil siya naman talaga ang pinagmulan ng lahat ng ito. Siya ang nagpush sa akin gawin ang plano ko. Kaya bukod sa akin, kung may dapat sisihin dito ay siya iyon.
"Oh my!"
"Kaya nga gustong-gusto kong sakalin ang babaeng iyan eh,"turo muli ni Jisoo sa akin. Napanguso lang naman ako.
Ang brutal niya talaga kahit kailan. Kakasuhan ko na talaga ng physical abuse siya e.
"Kung alam mo love, kung gaano ko pinipigilan ang sarili kong saktan ang buwesit na iyan,"tukoy nito sa akin. "Napakasiraulo eh! Sa dami ng babaeng tataluhin, pinsan ko pa talaga."
Anong magagawa ko? Eh sobrang ganda ng pinsan mo.
"Kainis! Buwesit!"
"Aray!"hindi ko mapigilang sumigaw ng bigla na lang ako nitong sipain.
Walang halong arte mga bes. Sobrang sakit talaga. Ang liit niyang tao pero ang lakas manipa. Hindi na ako magtataka kung mayroon akong pasa dahil sa ginawa nitong pagsipa sa akin.
Kapag nakaalis lang ako dito. Isusumbong ko talaga siya kay Jennie.
"Aray naman dude! Awat na masakit!"pagmamakaawa ko pa dito. Pinilipit ba naman ang braso ko. Sobrang sakit!
![](https://img.wattpad.com/cover/245182306-288-k337824.jpg)