HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JCHAPTER 3
LISA'S P.O.V
Nakasimangot ako habang naghihintay kay babaeng maliit dito sa labas ng bahay nila. Sa totoo lang, inis na inis na nga ako eh. Kung pwede nga lang na umalis na ako kanina ko pa ginawa. Subalit kapag ginawa ko naman iyon, tiyak na magagalit si kuya sa akin. Kainis talaga!
Bakit ba naman kasi ang tagal ng babaeng iyon na lumabas? Grabe ha. Kapag talaga ako hindi nakapagpigil papasukin ko na siya sa kanyang bahay.
Halos isang oras na kaya akong naghihintay dito. Napakafeeling special naman siya. Buwesit!
"At sa wakas lumabas ka rin,"may bahid ng inis na sambit ko habang masama ang tingin sa kanya. Inirapan lang naman ako nito bago padabog na pumasok sa loob ng sasakyan ko.
Ma-attitude talaga ang bruha. Ang sarap tusukin ng mata.
"Tatagalan ko pa nga sana e. Kaso ayaw ko naman na malate sa trabaho ko. Kaya wala akong choice kundi lumabas."
Aba't! Sinabi ko na nga ba e. Sinadya niya talaga akong paghintayin ng matagal. Buwesit talaga siya.
"Kung bakit ba kasi kailangan mo pa akong sunduin? Alam naman natin na ayaw natin sa isa't-isa. At isa pa, kaya ko naman magdrive. Baka ano pang mangyari sa akin. Wala pa naman akong tiwala sa iyo."
Sumusobra na talaga ang babaeng ito. Kaunti na lang talaga papatulan ko na siya.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ako kaskaserong driver kung iyan ang inaakala mo. Walang mangyayari sa iyo kahit pa nga inis na inis na ako sa iyo,"sagot ko. "At kung napipilitan ka lang na makisama sa akin. Pareho lang tayo. Hindi ko rin gusto ang ideyang ito. Dahil unang-una sa lahat, alam mo naman na ayaw na ayaw ko sa iyo. At hindi ako driver para ipagdrive ka. Kung hindi lang kay kuya, never ko itong gagawin. Katulad mo, napipilitan lang din ako,"dagdag ko pa bago ko pinaandar ang sasakyan ko at nagsimulang magdrive.
"Yeah. Kung hindi lang dahil sa kuya mo hinding-hindi ako magtitiyagang maglaan ng oras para sa iyo. Dahil katulad mo? Hindi rin kita gusto. Ewan ko nga ba at kung paano ka naging kapatid ng boyfriend ko. Sobrang layo kasi ng ugali ninyo. Kumpara sa kanya, sobrang sama ng ugali mo."
Para naman gusto kong buksan ang pinto ng sasakyan ko at itulak na lang siya palabas. Ang kapal kasi ng mukha niya e. Makapagsabing sobrang sama ng ugali ko. Akala mo naman sobrang ganda ng ugali niya.
Kung masama ang ugali ko? Lalo naman siya.
"Wow naman. Kung makapagsabi ka na sobrang sama ng ugali ko. Akala mo naman ang ganda ng ugali mo. Hoy babaeng maliit! Para sabihin ko sa iyo, kung masama ang ugali ko? Mas masama ang ugali mo,"ganting ko naman dahilan upang mas lalong sumama ang timpla ng mukha nito.
"Anong sabi mo?"umuusok ang ilong na tanong nito sa akin.
Hindi ko naman inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Bigla ba naman niya akong hinampas gamit ang bag niya. Mabuti na lang at mabilis ang kamay ko kaya kaagad kong naiwas ang pagbunggo ng sinasakyan namin sa sasakyang sinusundan namin.
What the heck?! Balak ba niyang magpakamatay? Kung may balak siya huwag niya akong idamay.
Kaagad kong itinabi ang sasakyan ko at galit na bumaling sa kanya.
"Anong problema mo? Hindi mo ba alam dahil ginawa mo muntik na tayong mamatay? Kung may balak kang magpakamatay? Pwes, huwag mo akong idamay. Buwesit ka!"galit na galit na sambit ko dito. Ngunit ang bruha, pinagtaasan lang ako ng kilay.