HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JCHAPTER 28
KAI'S P.O.V
Alam kong iniisip ninyo ngayon na masama akong tao. Na ako ang may kinalaman kung bakit nawawala ang kapatid ko. At aaminin ko, hindi kayo nagkakamali doon.
Oo. Ako ang may kinalaman kung bakit nawawala si Lisa, ang nag-iisang kapatid ko na nagawang traydurin ako at ahasin sa akin ang babaeng mahal ko.
Hindi ko naman siya gustong saktan e. Mahal na mahal ko kaya ang kapatid ko na iyon. I love her so much, to the point na handa akong ibigay ang lahat sa kanya. Pero niloko niya ako. Niloko nila akong dalawa ng babaeng mahal ko. At hindi ko sila mapapatawad dahil doon. Kaya naman tama lang sa kanya ang ginawa ko. Sana nga hindi na siya makaligtas e. Para kami na ulit ni Jennie.
Di ba ang galing ko?
Kapag nawala si Lisa. Ako na ulit ang mamahalin ni Jennie.
Pero huwag ninyong isipin na masama ako. Hindi ako masamang tao. Kung may masama dito, iyon ay si Lisa. Kasi inagaw niya ang babaeng mahal ko. Ang daming babae sa mundo. Sadyang ang babaeng mahal ko pa ang napili niyang gustuhin din. Kaya nararapat lang na mawala siya. Sayang nga eh, may nakakita pa sa kanya. Pero sigurado ako sa ginawa ko sa kanya. Sure akong hindi na rin makakaligtas iyon. Matuluyan na sana siya hahaha!
At kapag nangyari iyon? Hindi lang si Jennie ang mapapasaakin. Kundi ang buong ari-arian namin ay sa akin na rin. Wala na akong makakahati. Ang galing ko talaga.
Bakit nga ba hindi ko naisip iyon dati? Edi sana matagal ng napasaakin ang buong shares ng kumpanya.
Pero sobrang mahal ko si Lisa. Nag-iisa ko siyang kapatid. Kaya okay lang nahati kami sa ari-arian namin. Pero hindi ako makakapayag na maghati kami kay Jennie. Akin lang si Jennie. Akin lang siya!
"Hanggang ngayon ba ay wala ka parin balita sa kapatid mo kung nasaan na siya? Sa tingin mo ba ay nakaligtas ito sa ginawa mo?"
Nakangising tumingin naman ako kay Krystal bago sumagot sa tanong nito.
"Matapos ang ginawa ko sa kanya. Malabong makaligtas pa ito. Sure akong matutuluyan na siya kung nasaan man siya."
Kita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa labi nito matapos marinig ang sagot ko.
"Mabuti naman kung ganun. Nag-aalala kasi akong baka makaligtas pa ito at makapagsumbong. Ayaw ko lang na mapahamak ka. Alam mo naman na mahal na mahal kita."
Hindi naman ako tumugon sa sinabi nito. At sa halip ay hinila ko na lang siya at mabilis na sinakop ang labi nito.
I love Jennie. Mahal na mahal ko siya. Subalit lalaki lang ako. May mga pangangailangan din ako na hindi niya kayang ibigay. Kaya naman hindi ninyo ako masisisi kung naghanap ako ng iba.
Maganda si Krystal at ubod ng sexy pa. Walang sinumang lalaki na magagawang tumanggi sa kanya. Kaya naman ng nagpakita ito ng motibo sa akin. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Palay na ang lumalapit, tatanggi pa ba ako?
"Oo nga pala. Paano na ang ex mo? Anong gagawin mo sa kanya? Hindi ba siya naghihinala sa iyo?"muling tanong nito sa akin na ikinalapad lang lalo ng ngiti ko.
" Don't worry about her. Wala itong kaide-ideya sa ginawa ko. Paniwalang-paniwala siya na tanggap ko lang ang lahat. Paniwalang-paniwala siya na sobra kung bait at okay lang sa akin ang ginawa nila."
Kilala ko si Jennie. Hindi siya mag-iisip ng masama sa akin. Kilala niya ako as a good man. Kaya imposibleng maisip nito na may ginawa akong masama kay Lisa. Actually, paniwalang-paniwala pa nga siya na okay lang sa akin lahat eh. Na nagpaubaya ako para sa ikakasaya nila. Wala siyang kaalam-alam sa ginawa ko sa babaeng gusto niya.
Sa tuwing naiisip ko talaga ang tungkol sa kanilang dalawa. Kumukulo talaga ang dugo ko.
Napakawalang-hiya nila! Lalo na si Lisa. Nagtiwala ako sa kanilang dalawa. Ngunit wala akong kaalam-alam na lolokohin lang pala nila ako. Hindi ko na sana pinilit pa silang magkasundo. Kung alam ko lang na mangyayari ito. Damn it!
Hindi ko lubos maisip na magagawa nilang pumatol sa isa't-isa. Matagal ko na silang kilala pareho. Kaya gulat na gulat ako ng malaman ko ang tungkol sa kanilang dalawa.
Hindi man lang sila nahiya!
Napakaimmoral nilang dalawa. Hindi man lang ba nila naisip na kasalanan ang ginagawa nila? Nakakadiri silang dalawa.
"Ang galing mo talaga baby. Sobrang hanga na talaga ako sa iyo. Kaya mahal na mahal kita e,"mapang-akit na sabi pa nito. Napangisi na lang naman ako at hinayaan siya sa kanyang ginagawa.
Habang nag-eenjoy ako sa ginagawang pagpapaligaya sa akin ni Krystal ay bigla naman tumunog ang cellphone ko. Wala na sana akong balak pansinin at sagutin ito subalit ng makita ko na si Jennie ang tumatawag ay agad kong dinampot ang cellphone ko at sinenyasan si Krystal na tumigil sa kanyang ginagawa. Na halatang hindi nito nagustuhan. Kaya naman mabilis ko na lang itong hinalikan bago tumayo at lumayo dito upang sagutin ang tawag ni Jennie.
"Hello Jen! Mabuti naman tumawag ka. Ilang beses na akong natawag at nagtetext sa iyo, pero hindi mo man lang sinasagot,"kunwari'y nagtatampong saad ko pa.
"I'm sorry. Medyo naging busy lang ako kaya hindi ko nagawang sagutin ang text at tawag mo,"paghingi naman nito ng paumanhin.
Napailing na lang ako. Alam ko naman ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya sinasagot ang text at tawag ko. Sure akong hinahanap nito si Lisa. Masyado siyang abala sa paghahanap sa kapatid ko. Na hindi niya alam na hindi na niya makikita. Dahil wala na ang kapatid ko. Hahahaha!
"Okay lang. Oo nga pala. Bakit ka nga pala napatawag? May problema ba?"tanong ko pa. Medyo pinasigla ko pa ang boses ko para hindi siya maghinala sa akin.
"Ano kasi...pwede ba tayong magkita ngayon? May itatanong lang ako. At gusto ko sa personal ko itanong."
Medyo hindi ko naman napigilan na hindi kabahan. Ano kaya ang gusto niyang itanong sa akin? May kinalaman kaya ito sa kapatid ko? Wala naman siguro siyang ideya sa ginawa ko di ba?
Mabait ako sa mata niya. Kaya malabong maghinala siya.
"Sure. Pupunta na ako diyan. Wait mo na lang ako,"mabilis na tugon ko bago ko inend ang tawag.
After ko naman inend ang tawag ay nagmadali na din ako para puntahan si Jennie. Nagtatanong pa si Krystal, subalit hindi ko na ito pinansin. Hinalikan ko na lang ito at sinabihan na sasabihin ko na lang sa kanya kapag nakabalik na ako. At hindi naman ito nagreklamo pa.
Iyon ang gusto ko sa kanya e. Hindi siya maarte. Kung anong gusto ko. Agad niyang binibigay. Kung hindi ko nga lang mahal si Jennie. Baka minahal ko na siya.
••••••••
Hello guys. Heto na po ulit. Hope you like it😁
![](https://img.wattpad.com/cover/245182306-288-k337824.jpg)