Chapter 14

408 16 0
                                    

         HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J

CHAPTER 14

JENNIE'S P.O.V


"Ano ba Lisayaah?! Huwag ka ngang magulo diyan,"saway ko kay Lisa. Sobrang kulit kasi e, pinayagan ko na nga siyang matulog dito sa kwarto ko. Aba'y gusto pa yatang manyakin ako. Kaloka!

Ayaw ko man kasi sana na payagan siyang dito matulog ngunit wala akong magawa. Bukod sa sobrang kulit niya at ayaw niyang pumayag na hindi dito matutulog, nakokonsensiya din akong payagan pa siyang umuwi ng ganitong oras. Kaya naman no choice ako kundi ang patulugin na lang siya dito sa bahay namin. Plano ko nga sana ay sa guest room siya patulugin e. Pero ayaw naman niyang pumayag na doon matulog kaya wala akong nagawa kundi papasukin siya sa kwarto ko at dito siya patulugin. At heto nga, nakahiga siya sa tabi ko at walang ibang ginawa kundi ang manyakin ako. Pamaya talaga puputulin ko kamay nito. Ang sobrang likot  e.

"Wala naman kaya akong ginagawa dito? Nakayakap lang kaya ako sa iyo,"pagmamaangan naman nito na ikinairap ko naman.

Napakagaling talaga ng babaeng ito!

"Talaga lang ha? Eh ano ito?"tanong ko sa kanya sabay turo sa kamay niyang nasa may dibdib ko.

Tumawa lang naman ito dahil sa sinabi ko ngunit tila at wala parin balak tanggalin ang kamay niya doon. Kaya naman ako na ang nag-alis nito para sa kanya.

Nakakahiya naman kasi sa kamanyakan niya. Ako na lang ang mag-aadjust.

"Pigilan mo nga iyang kamanyakan mo. Kung ayaw mong palabasin kita sa kwarto ko,"banta ko pa dito bago ito tinalikuran.

Akala ko ay mananahimik na ito subalit ganun na lang ang gulat ng maramdaman ko na naman ang kamay nito na humahaplos sa tiyan ko.

"Lisaaah!"

"Don't worry, wala akong ibang gagawin. Nagpapaantok lang ako."

Aba'y matinde!

Siya ay aantukin pero paano naman ako?

"Lisaaa...hindi ako makakatulog diyan sa ginagawa mo. Kaya pwede bang alisin mo na iyang kamay mo diyan sa tiyan ko. Dahil kanina pa akong nakikiliti diyan sa ginagawa mo."

Ayaw ko man kasing aminin subalit may iba akong nararamdaman sa ginagawa niyang paghaplos sa tiyan ko. At ayaw ko ng nararamdaman kong iyon.

"Magpapaantok lang talaga ako,"pakiusap pa nito. At dahil nasa malapit lang siya sa akin ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa may tainga ko dahilan upang magtaasan lahat ng mga balihibo ko sa katawan.

At kung kanina ay nasa may tiyan ko lang ang kamay niya ngayon naman ay unti-unti na itong tumataas dahilan upang hindi ko mapigilan na mapakagat sa labi ko upang pigilan ang sarili ko na huwag mapaungol.

Gosh! Bakit ko ba hinayaan ang babaeng ito na ganituhin ako? Ni ang boyfriend ko na kuya niya never pa kaming umabot sa ganito. Pero siya? Pamahira talaga!

"Lisa naman! Umayos---"Hindi ko na naituloy pa ang dapat sanang sasabihin ko ng salubungin niya ako ng halik niya. Tinangka ko pang manlaban at itulak siya para sana ay pigilan siya sa ginagawa niya sa akin. Ngunit mabilis nitong hinawakan ang mga kamay ko at mas lalo pang pinalalim ang halik na iginagawad niya sa akin hanggang sa tuluyan na akong manghina. Namalayan ko na lang ang sarili kong kusang tumugon sa mga halik niya. At ang mga kamay kong kanina lang ay pilit na itinutulak siya, ngayon ay kusa ng nakakapit sa kanya upang mas higitin pa siya palapit sa akin.

Tuluyan na talaga akong nawala sa sarili ko. At tuluyan na akong natangay sa sensasyong ibinibigay niya sa akin.

Alam ko sa sarili kong mali ito. Hindi ko dapat hinahayaan na mangyari ito. Hindi ako dapat magpatangay sa ginagawa ni Lisa sa akin. Unang-una sa lahat, pareho kaming babae. At sa mata ng lahat mali ito. At isa pa, may boyfriend din ako at kapatid pa siya ni Lisa. Ngunit hindi ko kayang itanggi sa sarili ko na gusto ko din ito. At bagamat nagtatalo ang isip at puso ko. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.

Oo. Alam kong ako ang talo.

"I can't..."

Kaagad na napamulat naman ang mata ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya.

"Mali ito. Hindi ko dapat ginagawa ito,"dagdag pa nito. At mabilis na umalis sa ibabaw ko at inayos ang suot ko.

Nakatulala lang naman ako sa kanya habang ginagawa niya ito. Gusto kong ibuka ang bibig ko subalit hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

Aaminin kung nagulat talaga ako at hindi makapaniwala sa kanyang ginawa. Hindi ko inaasahan na hihinto siya. I mean, hindi naman sa gustong-gusto kong ituloy niya ang ginagawa niya ha. Oo, hindi ko itatanggi na nabitin ako. Pero talagang nagulat ako dahil alam kong manyak siya. Sobrang manyak kaya niya. Kaya nga kami umabot sa ganoon e.

"Oo alam kong medyo bastos ako,"kaagad naman napataas ang kilay ko sa kanya.

Anong medyo? Sobra kaya.

"Pero ayaw ko naman na pilitin ka. Kahit pa nga kita kong tuluyan ka ng bumigay sa akin at hindi mo ako pinipigilan. Ayaw ko parin na ituloy ito dahil ginagalang parin kita."

Medyo kinilig naman ako dahil sa sinabi niya. Medyo lang ha. Hindi ko kasi akalain na may pagkagentlewoman din naman pala siya. Hindi kasi halata e.

"Ngunit kung pipilitin mo ako. At ikaw mismo ang magmamakaawa---aww! Joke lang."

Okay na sana e. Kikiligin na sana talaga ako kaso dinugtungan pa niya. Napakamanyak niya talaga.

"Ang kapal mo ha! Hinding-hindi mangyayari iyon 'no. Kung hindi mo nga ako pinilit---"

"Wait lang ha! Pinilit?"ulit pa nito. "Teka lang, parang sa pagkakatanda ko sa nangyari kanina parang hindi naman kita pinilit. Oo at first aayaw-ayaw ka pa. Pero sa umpisa lang naman e. Sobrang higpit pa nga ng kapit mo sa akin. Iyong tipong parang ayaw mo na akong pakawalan."

Kaagad ko naman siyang nabato ng unan dahil sa sinabi niya.

Buwesit. Sabi ko na e, gagamitin niyang pang-asar iyon sa akin. Bakit ba naman kasi Jennie bumigay ka sa paglalandi niya sa iyo? Ayan tuloy.

"Heh! Tumabi ka nga diyan at matutulog na ako,"sabi ko na lang saka umayos ng higa. Narinig ko pa ang pagtawa nito dahilan para mapairap na lang ako.

Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi na naman kasi niya ako titigilan sa pang-aasar  niya e. Baka kung patulan ko siya ay kung saan na naman kami mapunta. Mahirap na.

"Uy si honey ko nagagalit. Nabitin ka ba?"

Kaagad naman akong napabangon at mabilis na binato siya ng mga unan.

"Buwesit ka! Lumayas ka nga dito Manoban!"

                           •••••••••••

Hope you like it💛

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon