Chapter 32

378 15 0
                                    

           HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J


CHAPTER 32

JENNIE'S P.O.V



"No Lisa! Gumising ka please! Huwag mo akong iwan."

"Honey please! Gumising ka na. Nandito na ako. Kaya gumising ka na please."

"Lisa naman eh! Huwag ka naman ganyan. Gumising ka na. Mulat muna ang mata mo. Huwag ka ng matulog diyan. Nandito na ako."

"Honey please..."

"Huwag mo akong iwan.."

"Lisa..."

Sambit ko pa sa pangalan niya bago tuluyang magdilim ang buong paligid ko.

--------

"Couz! Glad you're aware. Kamusta na ang pakiramdam mo?"bungad na tanong sa akin ni Jisoo pagkamulat na pagkamulat pa lang ng mata ko.

Hindi ko naman siya sinagot at sa halip ay kaagad kong inikot ang aking paningin sa paligid upang alamin kung nasaan ako. At ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng marealized ko kung nasaan ako.

Hospital?

Doon naman unting-unting bumalik sa ala-ala ko ang nangyari. Kung bakit ako nandito.

"Si Lisa?"kaagad na tanong ko kay Jisoo bago ako nagtangkang tumayo para puntahan si Lisa. Ngunit mabilis akong napigilan ni Jisoo.

"Relax ka lang couz. Hindi ka muna pwedeng tumayo. Ang sabi nang doctor ay kailangan muna daw magpahinga." Kaagad naman akong umiling kay Jisoo bilang pagkontra sa sinabi nito.

Paano ako kakalma kung ang huling naaalala ko bago ako nawalan ng malay ay nandoon ako sa ICU at pilit na ginigising si Lisa.

"Sabihin mo sa akin Chu. Okay lang naman si Lisa di ba? Hindi totoong patay na siya di ba?"tanong ko pa kay Chu. Nanatili lang naman itong tahimik habang nakatingin sa akin. Kaya naman mas lalo akong kinabahan. " Ano ba naman Chu?! Bakit ayaw mong sumagot diyan? Tinatanong kita kung nasaan si Lisa. Okay lang naman siya di ba?"

Wala parin akong nakuhang sagot mula dito. Nanatili lang itong nakatingin sa akin. Mas lalo naman akong nainis at the same time ay mas lalong nadagdagan ang kaba at takot na nararamdaman ko. Kaya naman mas lalo akong nagpumiglas at mas lalong nagpumilit na tumayo upang puntahan si Lisa.

Hindi ko na nga alintana ang paghapdi ng kamay ko dahil sa suwerong nakakabit sa aking kamay nito na ngayon ay nagsisimula ng dumugo.

"Parang-awa mo na Chu. Bitawan mo ako. Gusto kong puntahan si Lisa. Gusto kong matiyak na okay lang siya,"pagmamakaawa ko pa dito. Ngunit parang wala itong narinig dahil mas lalo lang ako nitong niyakap.

"Huminahon ka muna——"

"Paano ako kakalma ha? Eh ayaw mo naman sabihin sa akin kung okay lang ba si Lisa o hindi,"mabilis na putol ko sa sasabihin nito.

"Ano kasi couz———"

"Okay lang siya Jennie. Kaya wala kang dapat ipag-alala."

Pareho naman kaming napatingin ni Jisoo sa  may pinto kung saan naroon si Rose na kakapasok pa lamang.

"Love naman! Bakit mo kaagad sinabi?"parang-batang reklamo naman ng pinsan ko sa jowa niya na ikinaikot lang naman ng mata nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag na marinig kong okay lang si Lisa. I don't know kung anong nangyari after kong hinimatay. Dahil ang huli kong natatandaan ay sabi nang doctor ay wala na ito. Pero kung anuman ang nangyari. Nagpapasalamat parin ako dahil buhay ang babaeng mahal ko. Okay na sa akin iyon.

Ang hindi lang okay sa akin ay ang ginawang pantitrip nitong pinsan ko. Kaya naman bilang ganti ay mabilis kong kinagat ang kamay nito dahilan upang mapasigaw ito.

"Aray naman couz! Bakit mo naman ako kinagat? Ang sakit ah,"reklamo nito sa akin habang tinitingnan ang bahagi ng kamay  niya na kinagat ko. Inirapan ko lang naman ito.

"Buti nga sa iyo. Kulang pa iyan kumpara sa ginawa mo. Hindi mo alam kung gaano ako natakot kanina dahil sa hindi mo pagsagot sa tanong ko. Iyon pala naman ay pinagtitripan mo lang ako. Pasalamat ka nga at medyo nanghihina pa ang katawan ko. Dahil kung nagtakaton, hindi lang iyan ang gagawin ko sa iyong buwesit ka,"mataray na saad ko pa dito.

Kaagad naman itong sumimangot at lumapit kay Rose na ngayon ay natatawa lang. Hindi ko naman mapigilan na mapaikot muli ang mata ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Grabe! Hindi ko akalain na may ganito palang side ang pinsan kong ito. Para siyang bata. Nagmumukha siyang tanga sa totoo lang.

"Tumigil ka diyan babae ka! Mahiya ka nga sa pinsan mo. Para kang baliw diyan sa ginagawa mo. Akala mo naman bagay sa iyo,"rinig kong pagtataray ni Rose sa pinsan ko dahilan upang hindi ko mapigilan na mapatawa.

Kahit papaano naman pala may pagkakasunduan kami nitong si Rose.

"Ang sama ninyo sa akin. Ewan ko sa inyo,"pagtatampo pa ni Jisoo. Pero hindi naman iyon pinansin ni Rose at sa halip ay naglakad lang itong palapit sa akin. Medyo nailang naman ako.

Alam ninyo di ba? Hindi kami close na dalawa. Kaya naman hindi ko mapigilang mailang sa kanya. Lalo pa at dati kaming magkaaway noon.

"Hi Jen! Alam kong medyo awkward sa atin. Palagi kasi tayong magkaaway noon. Pero noon pa naman iyon di ba? Pwede naman tayong magkasundo di ba?"nakangiting sabi pa nito sa akin. Agad din naman ako gumanti ng ngiti sa kanya.

Tama naman siya. Hindi na naman kami bata para magtalo pa sa mga walang kwentang bagay. Matagal na iyon. Mga immature pa kami noon. Pero iba na ngayon. Matatanda na kami kaya nararapat lang na magkasundo na kaming dalawa. Ayaw ko na rin naman siyang awayin pa eh. Kung may gusto man akong awayin iyon ay ang jowa niya. Ang pinsan kong siraulo.

"Oo naman,"sang-ayon ko. " So friends?"nakangiting tanong ko pa dito sabay lahad ng kamay ko sa kanya. Na kaagad naman nitong tinanggap. Medyo nagulat pa nga ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Hay sa wakas. Matagal ko ng gustong maging kaibigan ka e. Kaso palagi mo naman akong tinatarayan noon. Kaya palagi din kitang tinatarayan noon,"sabi pa nito na ikinatawa ko lang naman.

Aminado naman ako na mataray talaga ako noon. At ayaw ko noon magpatalo. Eh nagkataon na siya iyong palagi kong kakumpetensiya. Kaya ayon.

"Aba hoy! Masaya ako at nagkaayos na kayong dalawa. Pero parang nakalimutan na ninyo ako ah,"biglang singit naman ni Jisoo sabay akbay kay Rose.

Napailing na lang naman ako. At the same time ay medyo nainggit din. Kung nandito lang sana si Lisa. Edi sana hindi ako naiinggit sa dalawang ito.

"Huwag ka ng malungkot diyan couz. Gigising din si Lisa. At kapag nagising siya, kaagad mong sugudin at lambingin. Pwede din gahasain——aray!" Nakatikim naman ito ng batok kay Rose.

Buti nga.

"Puro ka talaga kalokohan. Manahimik ka nga diyan!"

Para naman batang napanguso na lang si Jisoo.

Hindi ko alam na sa tapang ng pinsan kong ito. E under pala siya. Kaloka.

"Huwag mo na lang pansinin ang pinsan mong ito Jennie. Alam mo naman na may pagkabaliw ang pinsan mong ito di ba? Kaya huwag mo na lang pansinin,"baling pa sa akin ni Rose. Natawa na lang naman ako.

"Okay lang. Sanay na rin naman ako,"sagot ko.

Siguro naman pwede ko ng puntahan si Lisa di ba? Okay na naman ako eh.

"Pwede ko na bang puntahan si Lisa?"lakas-loob ko pang tanong.

"Okay ka na ba talaga?"balik na tanong sa akin Chu. Mabilis naman akong tumango.

"Okay na ako. Gusto ko na kasi talagang makita si Lisa e."

Miss na miss ko na kasi siya sobra.

"Okay sige. Tutal mukhang ikaw lang naman yata ang hinihintay ng babaeng iyon e. Sobrang lakas talaga ng tama sa iyo. Biruin mo, bumalik mula sa kabilang buhay para sa iyo."


                            •••••••••••••

Hope you like it💛

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon