Chapter 9

397 13 0
                                    

           HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J

CHAPTER 9

LISA'S P.O.V



Dire-diretso lang ang lakad ko, not minding the people around me. Sanay na sanay na naman akong pinagtitinginan e. Alam ko naman na maganda ako kaya hindi na ako nagugulat kung sinusundan ako ng tingin ng mga tao sa paligid ko. Basta huwag lang nila ako pag-uusapan sa likod ko o makarinig ako ng masama about me, wala akong problema doon.

"Good morning po Ma'am Lisa,"nakangiting bati sa akin ni Irene, ang secretary ni Jennie. Kaya agad din akong ngumiti sa kanya.

At yes, nandito na naman ako sa kumpanya ni babaeng maliit. Nakakainip kasi sa bahay, wala akong magawa. Ayaw ko naman ayain sina Rose at Jisoo dahil hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa mga iyon. Kaya naman dito na lang ako nagpunta sa opisina ni Jennie, tiyak kasi akong mag-eenjoy ako dito.

"Busy ba boss mo?"kunwari ay nag-aalangang tanong ko kay Irene. As if naman may pakialam ako kung busy ang babaeng maliit na iyon. Busy man siya o hindi ay hindi parin niya ako mapipigilan. Mas maganda ngang busy siya e, para mas lalo siyang maasar.

"Medyo po,"sagot nito. Agad naman akong napasimangot dahil doon dahilan upang mataranta ito. "Pero sure naman po akong okay lang kay Jen kung papasok ka. Baka kahit papaano ay lumamig man lang ang ulo ng babaeng iyon. Kanina pa kasi maiinit ang ulo e." Duda naman ako sa sinabi nito. Baka nga mas lalo pang uminit ang ulo ni Jennie kapag nakita ako eh.

"Sa tingin mo ba okay lang talaga?"ulit ko pang tanong. Na kaagad naman nitong ikinatango.

"Opo naman. Lambingin mo na lang kung sakaling magalit. Baka kulang lang iyon sa lambing mo. Ilang araw ka kasi hindi nagpakita dito kaya ayon tuloy sobrang init ng ulo ng boss ko. Kaya sige na, pumasok ka na at palamigin mo na ang ulo niya," pagtulak pa nito sa akin papasok sa opisina ni Jennie. Napailing na lang naman ako dahil doon.

Hindi rin naman feeling close itong secretary ni Jennie ano?

"Ikiss mo siya kaagad ha, para hindi makapalag,"paalala pa nito. Kaya naman hindi ko napigilan hindi matawa.

Hindi na naman niya kailangan pang paalalahanan ako dahil iyon naman talaga ang balak ko. Alam ko kasing magbubuga na naman ng apoy ang babaeng maliit na iyon kaya bago pa man niya ako mabugahan ay kailangan ko na agad siyang patahimikin. At iisa lang naman ang paraan upang mabilis siyang patahimikin. At iyon ay ang halik ko.

Alam ninyo kasi kahit hindi man aminin ng babaeng iyon na nagustuhan niya ang kiss ko? Naniniwala akong gustong-gusto niya iyon.

Paano ko nasabi?

Simple lang, hindi man lang siya pumapalag e. At ito pa ha, tumutugon pa siya sa halik ko. Kaya sure akong gusto din nito iyon. Nahihiya lang siyang umamin dahil nga kapatid ko ang jowa niya.

Hay naku. Kawawa naman ang kuya ko. Walang kaalam-kaalam na niloloko lang siya ng jowa niya.

Ngunit kung inaakala niyong sobrang sama ko para lokohin at saktan ang kuya ko dahil sa ginagawa ko? Nagkakamali po kayo. Oo, alam kong mali itong ginagawa kong paglalandi sa girlfriend ng kuya ko. Pero kaya ko lang naman iyon ginagawa upang ipakita sa kuya ko na mali siya ng babaeng ginusto e. Upang ipakita sa kanya na hindi talaga si Jennie ang babaeng para sa kanya. Na lolokohin lang siya nito. Kagaya na lang nangyayari ngayon, niloloko lang niya ang kuya ko.

Kung mahal niya talaga ang kuya ko, hindi niya tutugunin ang mga halik ko sa kanya. At sana noon palang nagsumbong na siya dito sa lahat ng pinaggagawa ko. Kaso hindi e, kaya hindi ako nagkamali ng pagkakilala sa kanya. Hindi siya ang babaeng para sa kuya ko.

"Noted,"sagot ko at kaagad na pumasok sa opisina ni babaeng maliit.

Kitang-kita ko kung gaano ito kabusy. Halos hindi nga nito namalayan ang pagpasok ko e. Tututok na tutok lang ito sa kanyang ginagawa. Kaya naman dahan-dahan akong naglakad palapit dito. Hindi muna ako nagsalita at sa halip ay kinuha ko ang cellphone ko at pasimple siyang kinuhanan.

Hindi niyo po kasi naitatanong, bukod sa pagiging model ay isa din akong photographer. Hilig ko talagang kuhanan ang mga bagay na maganda sa paningin ko.

Pero hindi ko naman sinasabing maganda si babaeng maliit ha. Kinuhanan ko lang talaga siya. Ayon lang.

"Hindi mo ba alam na masamang pumasok ng hindi man lang kumakatok? At masama din kumuha ng larawan ng isang tao na walang permiso mula rito?"nakataas ang kilay na saad naman nito. Mabilis ko naman ibinaba ang cellphone ko at itinago ito.

Paano niya nalaman iyon? E hindi naman siya tumitingin sa akin kanina.

"Hindi porke't hindi ako nakatingin ay hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Malakas ang pakiramdam ko,"dagdag pa nito habang seryosong nakatingin sa akin.

Hindi ko naman alam pero bigla akong napalunok dahil sa sinabi nito. Bakit pakiramdam ko ay may ideya sa ginagawa ko? Pero ano naman di ba? E wala naman siyang magagawa. Sa akin parin ang huling halakhak.

"Wow!"nasabi ko na lang atsaka tuluyang lumapit dito at mabilis itong hinalikan sa labi.

"Hilig mo ba talagang basta-basta na lang manghalik?"nakataas ang kilay na tanong pa nito sa akin. Napangisi lang naman ako atsaka umiling.

"Hindi naman. Sa iyo lang talaga,"sagot ko sabay kindat pa sa kanya. Na ikinairap lang naman nito.

"Bola. Hindi ka lang pala manyak, bolera ka rin pala,"sabi naman nito na ikinatawa ko lang naman.

"Hindi ako bolera. Nagsasabi kaya ako ng totoo. Ikaw lang naman talaga ang hinahalikan ko e. Sa iyong labi lang naman ako naaaddict e,"pambobola ko pa.

Pero totoo iyong sinabi kong siya lang hinahalikan ko. Hindi ko naman kasi ugaling makipaghalikan o basta-basta na lang manghalik. Actually, siya ang kauna-unahang girl na hinalikan ko. At ayaw ko man aminin pero masarap siyang ikiss.

"Ewan ko sa iyo,"pagtataray lang nito sa akin. "Ano bang ginagawa mo na naman dito? Kung lalandiin mo lang ako ay mabuti pang umalis ka na lang. Dahil wala akong oras para sa mga paglalandi mo. Nakikita mo naman sigurong marami akong ginagawa di ba? Kaya kung mangugulo ka lang? Makakalabas ka na,"pagtataboy pa nito sa akin.

Agad naman akong umiling sa kanya bago ako naupo sa may table nito paharap sa kanya.

"Wala akong balak manggulo okay? Promise! Magbebehave lang ako dito. Kung gusto mo nga ay tulungan pa kita e. Basta huwag mo lang akong paalisin. Gusto ko kasi dito kasi nandito ka. Gusto ko makasama ka,"paglalambing ko pa sa kanya. At parang gusto kong magdiwang ng makita ko ang biglang pamumula ng pisnge nito.

"Bahala ka sa buhay mo."

Kinilig ang babaeng maliit.

Good job Lisa!

                              •••••••••

Heto na po ang update. Hope you like it💛

               

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon