Chapter 37

340 15 0
                                    

           HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J

CHAPTER 37

JENNIE'S P.O.V



Nakahanda na ang lahat para sa gagawin namin. At hindi ko maitatangging kinakabahan ako ngayon. Bagamat ilang araw na namin itong pinaghandaan, hindi parin maaalis na kabahan ako.

Sa  ilang araw kasi na pagmamanman at pag-iimbestiga namin kay Kai. Marami akong natuklasan tungkol dito. At halos hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol sa kanya.

Sa tagal kong naging kaibigan at naging boyfriend si Kai. Hindi ko akalain na ganun pala siya. Ang buong akala ko ay napakabuti niya at sobrang gentleman na tao. Subalit mali pala ako ng pagkakakilala sa kanya. Taliwas pala sa mga pinapakita niya sa akin ang totoong ugali niya. Hindi ko lubos akalain na ganun pala siyang klaseng tao. Ganun siyang klaseng lalaki.

Mabuti na lang talaga at hindi ako pumayag na magpahalik o magpahawak man lang sa kanya. Dahil hindi ko masikmura na halikan o hawakan man lang ng isang lalaking katulad niya. Nakakasuka siya! Nakakadiri siya!

Sobrang nakonsensiya pa naman ako ng niloko ko siya. Halos hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiya. Ilang ulit din akong nagsorry sa kanya na dapat palang hindi ko ginawa. Dahil mas masahol pa pala siya kaysa sa akin. Na lingid sa kaalaman ko habang may relasyon kami ay kung sino-sino ang babaeng kinakalantari nito.

Like the f?!

Hindi ako nagseselos ha. Wala akong pakialam kung marami siyang babae o ano. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ang lalaking minsan kong hinangaan ay ganun palang klaseng lalaki. Nakakapagsisi talaga. Sobrang nagsisisi talaga ako at sinagot ko siya noon at naging boyfriend ko siya.

Isa siyang malaking kahihiyan sa kagandahan ko.

"Be ready couz, nakikita ko na sila."

Agad naman akong naalarma sa sinabing iyon ni Jisoo at mabilis na napatingin sa labas ng sasakyan kung saan ako naroon upang tingnan ang mga ito. Si Kai at ang malanding secretary niya, si Krystal.

Biruin niyo iyon? Kung gaano kaamo ang mukha niya taliwas naman sa ugaling mayroon siya. Akala ko pa naman noon napakabait at hinhin niya. Pero akala ko lang pala. Hindi parin pala ako magaling kumilatis ng tao sa paligid ko. Pero sabagay, hindi naman pala sila mga tao. Mga hayop na nagkatawang tao lang nga pala sila.

"Tara na. Sundan na natin sila,"aya pa ni Jisoo. Kaya mabilis kaming lumabas ng sasakyan para sundan sina Krystal at Kai na ngayon ay walang kaalam-alam na huling araw na nilang malaya.

Sa pag-iimbestiga namin kay Kai. Nalaman din namin na masyado pala itong lulong sa sugal. At nalaman din namin na may malaki din itong utang dahil sa pagsusugal niya. Na dahilan siguro kung bakit nagawa niyang pagtangkaan ang buhay ni Lisa. Upang masolo din ang ari-arian ng mga ito nang sa gayon ay makabayad siya sa utang niya.

"Handa ka na ba couz?"

Huminga muna ako ng malalim bago ako tumingin kay Jisoo at tumango dito.

Actually, hindi pa ako talaga handa. Grabe iyong kabog ng dibdib ko ngayong mga oras na ito. Ngunit pilit kong nilalabanan para kay Lisa. Alam kong gaano nito kagustong makuha ang hustiya sa ginawa ng kuya niya sa kanya. Tinangka pa nga ako nitong akitin at landiin para lang mapapayag ako na sumama siya. Mabuti na lang talaga at matalino ako at kilala ko siya. Kaya kahit sobrang marupok ako pagdating sa kanya ay hindi parin ako nagpadala.

"Don't worry couz. Nasa paligid lang ang mga pulis. Once na may ginawa si Kai na hindi maganda sa iyo ay agad ang mga itong lalapit. Siyempre pati ako. Nangako ako kay Lisa na hindi ka pababayaan e. Kaya wala kang dapat ikatakot. Magtatagumpay tayo."

Kahit naman papaano ay medyo nabawasan ang kabang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabing iyon ni Jisoo.

"Kaya ko ito!"sanbit ko pa saka huminga muli ng malalim bago ako naglakad papasok sa lugar kung saan kami mag-uusap ni Kai.

Kailangan ko kasing mapaamin si Kai sa ginawa nito kay Lisa.  At alam kong hindi madaling gawin iyon. Kaya kailangan kong galingan upang mapaamin siya. At para magawa iyon, kailangan kong gamitin ang kahinaan niya.




Hindi na ako kumatok pa at sa halip ay nagdire-diretso na akong pasok. At ang unang bumungad sa akin ay si Krystal. Ngumiti pa ito sa akin, kaya naman wala akong choice kundi ang ngitian din siya pabalik kahit sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko siyang sampalin at saktan.

"Hi po Ma'am Jennie,"bati pa nito sa akin. Para naman gusto kong mapairap sa pagiging plastic niya. Napakagaling umarte ng babaeng ito. Akala mo ay kung sinong mabait. Isa namang demonyo.

"Hello Krystal. Hindi ko alam na kasama ka pala namin. Akala ko kasi kami lang na dalawa ni Ba—I mean ni Kai." Sinadya ko talagang asarin siya. At hindi naman ako nabigo dahil kitang-kita ko kung paano nagbago ang facial reaction nito dahil sa sinabi ko.

'Ganyan nga, mainis ka pa. Para ikaw na mismo ang magbuking sa sarili mo.'

"Don't get me wrong ha. Gusto ko kasing masolo si Kai e. Pero siyempre imposible naman iyon dahil nandiyan ka." Gusto kong masuka sa mga pinagsasasabi ko ngayon.

Nakakadiri talaga!

Matapos ko naman sabihin iyon ay nginitian ko pa siya bago ko siya nilagpasan at naglakad palapit kay Kai na sobrang ganda ng ngiti sa akin.

Ang sarap niyang bigyan ng isang mag-asawang sampal sa totoo lang.

"Hi Jennie! Masaya ako at nakarating ka. Akala ko ay hindi mo ako sisiputin matapos ang nangyari e,"nakangiting salubong nito sa akin atsaka ako hinalikan sa pisnge.

Kung hindi lang talaga para kay Lisa. Hindi ako makakapayag na halikan niya ako.

Yuck talaga! Need kong mag-alcohol pamaya. I mean maligo ng alcohol at holy water pamaya.

Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya bago ako naupo.

"Kalimutan na lang natin ang nangyaring iyon. Pasensiya na rin, medyo mainit lang ang ulo ko that time,"kunwari'y paghingi ko ng pasensiya dito.

'Kung pwede nga lang bugbugin kita ngayon e. Baka kanina ko pa nagawa.'

"Okay lang iyon. Naiintindihan ko naman. May mali din naman ako e,"sabi pa nito.

Gusto kong mapairap subalit pinigilan ko lang ang sarili ko. Baka makahalata pa siya e. At isa pa, hindi lang kaming dalawa ang nandito. Nakatingin din ang babaeng higad sa amin.

"Pero sabi mo nga, kalimutan na lang natin iyon. Hindi naman mahalaga iyon e. Ang mahalaga ay ang pag-uusapan natin ngayon. At alam ko naman na may ideya ka na kung ano iyon di ba?"dagdag pa nito sabay hawak pa sa kamay ko.

Ngumiti lang naman ako.

'Tama ka. Mahalaga nga ang pinunta ko dito. Iyon ay hindi para makipagbalikan sa iyo kundi para pagbayarin ka. Buwesit ka!'

       

                            •••••••••••

Hello guys!

Hope you like it guys😘

Enjoy your day everyone😊 Godbless.

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon