HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JCHAPTER 39
JENNIE'S P.O.V
Hindi ko parin mapigilan na hindi magulat sa mga narinig ko mula dito. Kahit pa nga alam ko na ang katotohanan ay hindi ko parin maiwasang mabigla sa mga sinambit nito. Idagdag mo pa na tila ba ay wala man lang pagsisisi akong makita sa mukha nito kahit kaunti lamang. Napaka-kapal talaga ng mukha niya!
"Pwede na tayong maging masaya dahil wala na ang kapatid ko. Siya lang naman ang hadlang sa kaligayahan nating dalawa e. Kaya dinispatya ko na siya para wala ng humadlang pa sa ating dalawa. Magiging masaya na tayong dalawa babe. Ang galing ko di ba?"
Kung kanina ay gulat ang mababakas sa mukha ko ngayon ay galit.
Paano nito nagagawang sabihin ang bagay na iyon? Na tila ba ay wala lang sa kanya. Ganun na ba talaga siya kasama para hindi man lang makaramdaman ng kahit kaunti man lang pagsisisi. Kapatid niya iyon. Pero parang wala lang sa kanya. Ang sama niya talaga! Demonyo siya!
"Hayop ka! Ang sama-sama mo!"sigaw ko dito. Para naman nagulat ito sa sinabi ko ngunit kaagad din naman nagbago ang expression ng mukha niya at agad na ngumisi ito.
"Babe, hindi ako masama. Ginawa ko lang naman iyon para maging masaya na tayong dalawa e. Kung hindi mawawala ang kapatid ko. Hindi mo ulit ako mamahalin---"
"Hindi na kita mamahalin pa ulit! At kahit anong gawin mo, hindi kita mamahalin. Hindi kita minahal kahit kailan. Si Lisa lamang ang mahal ko at hindi ikaw!"
Akala ko ay magagalit ito o magwawala dahil sa sinabi ko. Pero tila ay wala lamang dito ang narinig niya at sa halip ay tumawa lamang ito ng malakas. Iyong tawa na tila ay nababaliw na. Sa bagay, baliw na naman talaga siya.
Tawa lang siya ng tawa pero maya-maya ay huminto na ito at seryosong tumingin sa akin. Medyo kinabahan naman ako sa klase ng pagtingin nito sa akin. Ngunit nanatili lang ako sa pwesto ko. Alam ko naman kasi na hindi ako maano o masasaktan niya. Dahil bago pa man nito magawa ang balak nito ay kaagad ng papasok ang mga kasama ko para dakpin siya.
"Wala akong pakialam kung mahal mo man ako hindi. Dahil alam ko naman na akin lang. At walang sinuman ang pwedeng umagaw muli sa iyo mula sa akin. Dahil sinusumpa ko, lahat ng magtangkang umagaw sa iyo ay papatayin ko katulad ng ginawa ko kay Lisa,"nakangising sabi pa nito dahilan para mangilabot ako.
Hindi ko akalain na ganito siya kasama. Akala ko masama lang siya pero hindi ko lubos akalain na sobra pala niyang sama. Ang sama-sama niya talaga. Pwede na siyang ihilera kay Satanas dahil sa sobra niyang sama.
"Baliw lang ako ng hinayaan kitang masulot ng kapatid ko noon. Pero hindi na iyon mangyayari ulit. Dahil mula ngayon, wala ng pwedeng kumuha pa sa iyo sa akin. Akin ka lang babe. At magsasama tayo habang-buhay."
Kaagad naman akong napaatras palayo sa kanya ng magtangkang itong lumapit sa akin.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito. Kaya naman kaagad akong tumingin sa pwesto nina Jisoo at sumenyas dito upang pumasok na sila bago pa man makalapit ng tuluyan sa akin si Kai.
Nakuha na naman ang ebidensiya na kailangan namin e. Ito na mismo ang umamin sa mga kasalanan niya. Kaya wala na itong takas pa. Makukulong na talaga siya. Mapagbabayaran na rin nito ang kasalanang ginawa nito kay Lisa.
"Don't be so scared babe. Wala akong gagawin sa iyo. Alam mo naman na hindi kita kayang saktan di ba? Kaya wala kang dapat ikatakot. Kung may dapat mang matakot dito ay ang mga kasama mo."
Mula sa pwesto ko ay kita kong natigilan sina Jisoo sa pagtangkang paglabas sa pinagtataguan nila. Halatang nagulat din sila tulad ko dahil sa sinabi ni Kai.
"Nagulat ka ba babe? Nagulat ka ba dahil alam kong may kasama ka?"pagtatanong pa ni Kai sa akin na akala mo ay nang-aasar. Napakuyom lang naman ang kamao ko dahil sa inis na nararamdaman ko.
So alam niya ang plano namin. Pinasakay lang niya kami kung ganun?
Oh shit!
"Sa tingin niyo ba ay ganun ako katanga para mapaniwala ninyo? Babe. Para naman hindi mo ako kilala. Alam mong hindi ako basta-basta maloloko. Kaagad ko nga kayong nabuko ng kapatid ko di ba? Kaya huwag na kayong umasang maiisahan ninyo ako dahil wais ito,"mayabang na sambit pa nito.
Hindi naman ako nakapagsalita. Gustuhin ko man ngunit wala akong maisip na sasabihin dito. Hindi namin napaghandaan ang mga bagay na ito. Ang buong akala namin ay maayos na ang plano namin. Na mahuhuli na namin siya. Pero hindi namin alam na may alam pala ito sa plano namin. At kanina pa niyang alam na set-up lang ang lahat ng ito. Pinasasakay lang niya pala ako.
"Hindi ako tanga babe. Kaya kung ako sa mga kasama mo, lalabas na ako. Bago ko maisipang pasabugin ang buong lugar na ito. Hindi ninyo alam, may mga tinago akong bomba sa lugar na ito at isang click lang ni Krystal---" Kaagad naman napadako ang tingin ko kay Krystal. May hawak itong isang remote at alam ko kung para saan iyon. "---sa isang click lang niya, tiyak na sasabog kayong lahat. Pero hindi ka kasama doon babe. Dahil siyempre mahal kita kaya ililigtas kita."
Mas lalo naman nag-alab ang galit ko dahil doon.
"Damn you!"galit na sabi ko habang masamang nakatingin dito. Ngumisi lang naman ito sa akin dahilan upang lalo akong mainis.
"Ano na? Kailangan ko pa bang bumilang bago sila lumabas? Sisimulan ko na na ha? O baka naman gusto mong pindutin ko na lang ito." Kaagad nitong kinuha ang remote mula kay Krystal na agad naman nitong ibinigay. "Pasabugin ko na lang kaya sila? What do you think babe?"tanong pa nito.
"Ha---"
"Bakit di mo subukan? Tingnan mo kung may sasabog nga. Kasi sa pagkakatanda ko nakuha ko na lahat ng bomba na nandito sa loob ng building. At alam mo kung saan ko nilagay? Sa bahay at sasakyan mo."
Lahat naman kami ay napalingon sa taong nagsalita. Na walang iba kundi si Lisa.
Teka! Paano ito nakarating dito? Mahigpit ko siyang pinagbawalan na huwag tatakas sa mga bantay niya e. Napakatigas talaga ng ulo ng babawng babaeng ito kahit kailan.
"Hi hon! I know nagagalit ka ngayon. Pero bago muna ako pagalitan pamaya ha. Hayaan mo muna akong tapusin ang larong ito. Huhulihin ko lang ang impostor na ito. Para matapos na ang walang kwentang gulong ito."
•••••••••••••
Hello guys. Heto na po ulit ang update ko. Hope you like it guys. Sorry sa paghihintay.
Love you all😘