HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JCHAPTER 25
JENNIE'S P.O.V
These past few days ay naging abala ako sa company. At sa loob ng mga araw na iyon ay wala akong natanggap na text or tawag man lang kay Lisa. As in, wala talaga siyang paramdam.
Hindi ko na nga maiwasan mag-isip ng kung ano-ano eh. Mula kasi nang mag-usap sila ni Dad ay hindi na ito nagparamdam pa sa akin. At sa tuwing tinatanong ko naman si Dad about sa sinabi nito kay Lisa, hindi naman ito sumasagot. Kaya naman hindi ko mapigilan na mafrustate lalo sa kakaisip kung ano ba talagang nangyayari.
Maging ang date nga sana namin ay hindi na natuloy. Paano ba naman kasi matutuloy iyon, kung hindi na nga ito nagpakita o nagparamdam pa sa akin? Ang lakas pa ng loob niyang sabihin sa akin na hindi niya ako iiwan. Pero anong nangyari? Hindi ba pang-iiwan ang ginawa niya ngayon sa akin? Buwesit siya!
Hindi na sana siya nangako. Umasa kasi ako e.
Pero bakit nga ba ako umasa? Bakit nga ba ako naniwala sa mga sinabi nito. Bakit nga ba ako naniwalang mahal talaga niya ako. Eh, alam ko naman na kasinungalingan lang naman lahat ng iyon.
Ang tanga ko talaga! Napakatanga ko para maniwala at magpadala sa mga sinasabi niya.
"Okay ka lang? Gusto mong pag-usapan? Handa akong makinig." Kaagad naman napaangat ang tingin ko kay Kai at gulat na tiningnan ito.
Ganun na ba kalalim ang pag-iisip ko kanina at hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok ni Kai at paglapit nito sa akin?
"See? Mukhang malaki nga ang problema mo. Ni hindi mo man lang naramdaman ang presensiya ko eh. Sa sobrang lalim ng iniisip mo, hindi mo man lang namalayan na kanina pa ako nandito,"dagdag pa nito habang may tipid na ngiti sa labi nito.
Nakatingin lang naman ako sa kanya. Ewan ko ba? Gusto kong magsalita, ngunit parang ayaw bumuka ng bibig ko. Nakatitig lang ako sa mukha niya. At habang tinitingnan siya ay hindi ko mapigilang hindi mapaluha.
Paano ko ba nagawang lokohin ang lalaking ngayon ay nasa harapan ko? Paano ko nagawang ipagpalit siya, sa mismong kapatid pa nito?
Sobrang sama ko di ba? Ang sama ko dahil nagmahal ako ng iba.
Sa totoo lang napakaperfect na niya. At wala na akong dapat na hanapin pa dahil halos lahat ay nasa kanya na. Pero nagawa ko parin lokohin at ipagpalit siya. At sa mismong kapatid pa niya. Tiyak akong hindi niya ako mapapatawad kapag nalaman niya ang ginawa ko. Baka nga kamuhian pa niya ako kapag nalaman nito ang namagitan sa amin ng kapatid niya.
"Hey! Sshhh...stop crying na. I know and I understand,"pagpapatahan naman nito sa akin habang yakap-yakap ako. "Naiintindihan ko. At hindi ako galit sa iyo. Alam mo naman na hindi ko magagawang magalit sa iyo di ba? You know how much I love you, right? Kaya stop crying na. I'm not mad at you. Masakit para sa akin pero naiintindihan ko. Mahal ko kasi kayo pareho." Mas lalo naman akong napahagulhol dahil sa sinabi nito.
Ibig sabihin alam niya?
Alam niya ang tungkol sa amin ni Lisa? At hindi siya galit. Hindi siya galit...
Mas lalo akong kinain ng konsensiya ko ngayong mga oras na ito. Mas lalo akong nagsisisi kung bakit ko nagawang saktan ang taong walang ibang ginawa kundi ang intindihin at mahalin ako. Mas lalo kong naramdaman ngayon kung gaano ako kasama para ganituhin siya. Hindi niya deserved ang masaktan. Hindi niya deserved ang lokohin. Pero ang sama ko dahil niloko at sinaktan ko siya.
"I'm sorry.."tanging nasambit ko na lang habang umiiyak parin.
Bumitaw naman ito sa pagkakayakap sa akin at sinapo ang mukha ko upang punasan ang mga luha ko.
"No need to apologize. Like what I said, I understand. May pagkukulang din naman ako e. Napabayaan kita. Nawalan ako ng time sa iyo. Kaya hindi kita masisisi kung nahulog ka sa kanya na palaging nandiyan para sa iyo."
Mabilis naman akong napailing sa sinabi nito.
Oo, madalas wala siyang time para sa akin. Masyado siyang tutok sa trabaho niya. Pero pareho lang naman kami e. At isa pa, never naman siyang nagkulang. Never kong naramdaman na pinabayaan niya ako. Palagi naman siyang bumabawi sa akin kapag may oras siya. Never din siyang nakakalimot na humingi ng tawad kapag pakiramdam niya nagkukulang siya. At palagi din siyang nag-eeffort para lang mapasaya ako. Kaya sa amin na dalawa, kung may nagkulang man. Ako iyon. Hindi siya.
Ako ang may malaking pagkukulang bilang girlfriend niya. Tapos, nagawa ko pang saktan siya. Ang sama ko talaga.
"Masyado kasi akong nakampante na hindi ka mawawala sa akin. Kaya ayan tuloy, naagaw ka bigla sa akin. At wala akong magawa dahil hindi ko naman kayang saktan o bugbugin ang karibal ko sa iyo. Paano ko ba naman kasi siya magagawang saktan? Eh nag-iisang kapatid ko ang karibal ko,"natatawang sabi pa nito.
Pero alam kong hindi totoong tawa iyon. I can see the pain in his eyes.
Alam kong sinusubukan niya lang magpatawa like he always do, para lang pagaanin ang loob ko. Kahit pa nga ang totoo, nasasaktan siya. Katulad ngayon, kita ko kung paano nito mabilis pinunasan ang luha niya para lang hindi ko makita.
Ako parin ang iniisip niya kahit na niloko ko at sinaktan ko na siya.
Hindi ko tuloy mapigilang magtanong kung paano niya nagagawang maging mabait parin sa akin sa kabila ng nagawa ko sa kanya.
"Biruin mo iyon? Sa daming pinagseselosan kong mga lalaki na nakapaligid sa iyo. Kapatid ko pa pala ang magiging karibal ko? Grabeng joke naman iyon di ba?"patuloy na pagsasalita parin nito. "Sabi ko pa naman noon, lahat gagawin ko para lang hindi ka mawala sa akin. Handa akong makipagpatayan para lang hindi ka maagaw mula sa akin. Pero mukhang hindi ko na magagawa iyon. Dahil paano ko naman magagawang lumaban kung ang isa sa kahinaan ko ang kalaban ko? Hindi ko naman kayang saktan ang dalawang taong mahal ko para lang sa ikakaligaya ko. Kaya kahit mahal kita at ayaw kong mawala ka. Handa akong bitawan at pakawalan ka. Kung sa kapatid ko talaga ikaw tunay na liligaya. Kung siya talaga ang mahal mo? Okay na ako. Hindi na ako magrereklamo. Handa akong tanggapin masakit man dito,"sabay turo pa nito sa dibdib niya.
Wala naman akong nagawa kundi ang yakapin na lang siya.
Alam ko naman kasi na kahit anong sabihin ko o kahit magpaliwanag pa ako. Hindi parin mababawasan ang sakit na idinulot ko sa kanya. At hindi ko rin naman alam kung ano bang dapat sabihin ko. Dahil alam ko naman na kahit ano pang sabihin ko o ipaliwanag ko. Hindi parin niyon mabubura ang katotohanang niloko at sinaktan ko siya.
Sinaktan ko ang taong mahal ako. Para sa taong hindi ako sigurado kung mahal ba ako.
•••••••••
Hey guys! Heto na po ang update. Sorry po ngayon lang. Sunday po kasi kahapon eh.
Hope you like it guys💛