HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JCHAPTER 7
JENNIE'S P.O.V
Pilit ko siyang itinutulak subalit mas lalo lang niya akong hinigit palapit sa kanya at mas pinalalim ang halik na ibinibigay niya sa akin. At naiinis ako dahil wala man lang akong magawa. At mas lalo pa akong naiinis dahil unti-unting bumibigay ang sarili ko. Ayaw ko ng ginagawa niyang paghalik sa akin. Sabi ng utak ko ay itulak ko siya ngunit iba ang sinasabi ng katawan ko. At hindi ko alam kung paanong nangyari subalit natagpuan ko na lang ang sarili kong tumutugon sa mga halik niya. Na sa halip na itulak ko siya ay mas lalo akong kumapit sa kanya habang tumugon sa halik niya.
"Ay oo nga pala ma'am may---Ay sorry!"
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marealized ko kung anong ginawa ko. Mabilis akong napalayo kay Lisa atsaka tumingin kay Irene habang pilit na itinatago ang hiyang nararamdaman ko.
Ano bang kagagahan ang ginawa mo Jennie?
Bakit sa halip na itulak mo ay tinugon mo pa ang halik niya? Paano na ngayon? Tiyak na nagdidiwang na ito ngayon. Kaasar!
"Pasensiya na. Hindi ko naman alam na may MAHALAGA pala kayong ginagawa e." Napapikit na lang ako dahil sa sinabi nito. At sadyang pinagdiinan pa talaga nito ang salitang "mahalaga". Sadyang nang-aasar ang bruha. Sarap niya tuloy batukan sa mga oras na ito. Nakuha pa niyang mang-asar eh.
"Ano bang kailangan mo?"tanong ko dito. Pasalamat na lang ako at hindi ko nagawang pumiyok sa mga oras na ito.
Nakangiting lumapit naman ito sa akin atsaka inabot ang hawak nitong isang envelope. At base sa itsura nito, sure akong isang invitation iyon. "Ito oh. Nakalimutan ko nga palang iabot ito sa iyo kanina. Pinabibigay siya ni Tita sa akin. Sabi pa niya ay sabihin ko sa iyo na kailangan mong pumunta dito. Hinding-hindi na hindi ka aattend sa party dahil puro mahahalagang tao daw ang dadalo doon. At isa pa, nakakahiya daw kay Mr. Lee kung hindi ka makakapunta. Kaya kailangan mong umattend kahit na alam kong ayaw mo."
Napaikot na lang ang mata ko dahil sa narinig ko. Si Mommy talaga. Alam naman niya kung gaano ko kahate ang umattend sa mga party, pagakatapos ako pa talaga ang papadaluhin niya doon. Eh pwede naman sila na lang ni Daddy, tutal naman mga kaedaran nila ang karamihang dadalo doon. Tiyak na maiinip lang ako doon. Wala akong hilig sa mga party. Kainis!
"Oh! Invited ka din pala sa party na iyan. Great! Pupunta din ako diyan. Hindi kasi makakadalo si kuya e. Kaya ako na lang ang pinapapunta niya. At tamang-tama naman pala kasi pupunta ka din doon. Sabay na tayong dalawa. Sunduin kita." Isang masamang tingin naman ang ipinukol ko kay Lisa dahilan upang manahimik ito.
Mabuti na lang at nakuha siya sa tingin. Bago iyon.
"Wala akong balak na dumalo diyan sa party na iyan. Sabihin mo na lang kina Mommy na sila na lang ang umattend,"baling ko kay Irene.
Wala akong balak na pumunta doon lalo na at nalaman kong pupunta din si Lisa. Tiyak na mang-aasar lang ito doon. At baka gumawa pa ito doon ng eksena. Sa ugali pa naman ng babaeng ito. Hay naku! Ayaw ko na.
"Pero sabi ni Tita dapat ka daw umattend doon. Dahil kung hindi daw ay hindi niya ia-approve ang proposal mo." Oh shit! What the heck?! "Sabi ni Tita, kung gusto mo daw makuha ang proposal na iyon. Kailangan mo muna daw magpunta sa party,"dagdag pa ni Irene. Napahilot na lang naman ako sa sentido ko upang pigilan ang inis na nararamdaman ko.
Napakatuso talaga ni Mommy kahit kailan. Alam na alam niyang hindi niya ako mapapapunta doon kaya gumawa ng paraan para mapapayag ako. Sure akong silang dalawa ni Daddy ang nakaisip niyon. Lagot talaga sila sa akin pag-uwi ko.
"Ayon naman pala, honey eh. Wala ka naman palang ibang choice kundi ang pumunta. Kaya pumunta ka na, tutal kasama mo naman ako e,"sabi naman ni Lisa na ikinaikot lang ng mata ko. Isa pa nga iyon sa dahilan kung bakit ayaw kong magpunta doon e. Dahil kasama ko siya. Hindi ba niya alam na ayaw ko siyang makasama? Isa pa itong buwesit e. Isang napakalaking buwesit sa buhay ko.
"Oo nga naman Jen. Kasama mo naman si Ma'am Lisa. Kaya sige na, magpunta ka na doon. Tiyak akong mag-eenjoy kaya doon na dalawa." Isa pa itong babaeng ito. Hindi halatang bet na bet niya si Lisa. At talagang pinagtutulakan pa niya ako sa babaeng manyak na ito.
"Ayaw ko!"pinal na sabi ko. "Hindi ako pupunta doon kung ikaw din naman ang kasama ko. Mamanyakin mo lang ako doon,"irap ko dito na ikinatawa lang naman nito.
Ubod pa naman ng manyak ng babaeng ito. Kababaeng tao pero basta-basta na lang nanghahalik. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung tomboy ba siya? Pero kung titingnan naman ang itsura niya? Napakalabo naman na maging tomboy siya. Pero bakit niya ako hinalikan? Bakit ang manyak niya?
Kainis!
Ang dami ko ng iniisip dumagdag pa ang buwesit na babaeng manyak na ito.
Kung isumbong ko na lang kaya siya sa kuya niya? Isumbong ko na lang kaya kay Kai ang mga pinagagagawa nito sa akin? Pero paano kung itanggi nito? Eh nagmukha pa akong sinungaling. Magmumukha pa akong masama sa paningin ni Kai na sure akong pinakamain purpose nito kaya niya ginagawa ang mga bagay na ito sa akin.
Hindi naman kasi ako tanga upang hindi mahalatang may binabalak siya. Kaya nga nakakaasar dahil muntik na akong madala sa mga ginagawa niya. Hindi ko man alam kung anong plano niya. Pero kung ano man iyon, hindi ko hahayaan na magtagumpay siya. Kung gusto niyang makipaglaro? Pwes, makikipaglaro ako sa kanya. Pero sisiguraduhin kong sa aming dalawa ako ang mananalo. Kaya humanda siya.
"Grabe ka naman, honey. Para naman hindi mo gusto kapag minamanyak kita." Hindi ko naman maiwasang pamuluhan sa sinabi nito. Pero nagkakamali siya. Hindi ko naman talaga gusto iyon e.
"Oo nga naman Jen. Huwag ka ng magpabebe diyan. Pakipot ka pa e. Halata namang gusto mo din,"saad naman ni Irene.
Aba't pinagrulungan pa ako. E kung pag-umpugin ko kaya silang dalawa?
Agad kong binalingan si Irene at tiningnan ito ng masama. "Hindi ba at may pinagagawa ako sa iyo? Ano pang ginagawa mo dito? Lumabas ka na nga at gawin mo na lang ang pinagagawa ko sa iyo. Pinapainit mo lang ang ulo ko,"mataray na sabi ko dito na ikinangiti lang naman nito.
"Aysus! Gusto mo lang na makapagsolo kayo dito. Nahiya ka pang magsabi--"
"IRENE!"
"Oo na. Heto na nga oh! Lalabas na,"sabi pa nito saka mabilis na tumakbo palabas.
Humanda talaga sa akin ang babaeng iyon. Patay siya sa akin pamaya.
"Wala na si Irene. Ano? Ituloy na ba natin?"Halos tumaas naman lahat ng balahibo ko sa katawan sa ginawang pagkayakap ni Lisa sa akin mula sa likuran ko at sa pagbulong nito. Ngunit nang unti-unting magsink-in ang sinabi nito ay kaagad kong hinawakan ang braso nitong nakayakap sa akin at buong lakas na pinilipit ito.
Ilang araw na talaga akong nanggigigil sa braso niyang ito e. Patay ka ngayon sa akin.
"Ouch!"
••••••••
Hello guys. Heto na po. Hope you like it❤
