Chapter 15

435 16 0
                                    

         HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J

CHAPTER 15

LISA'S P.O.V



Nakailang buntong-hininga na ako ngayong mga oras na ito at hindi ko alam kung para saan ang mga iyon.

Nandito ako ngayon sa office ng kuya ko. Nakiusap kasi ito na ako muna ngayon ang bahala sa kumpanya dahil may date daw ito ng girlfriend niya. Na walang iba kundi si Jennie.

Wala naman problema sa akin iyon e. Wala naman akong gaanong gagawin dito. At isa pa, nandito din naman ang secretary ni kuya para gabayan ako sa mga bagay na kailangan kong gawin. Ang hindi lang talaga okay sa akin ay ang ideyang magkasama silang dalawa ni Jennie.

Kung iniisip ninyong nagseselos ako? Nagkakamali kayo.

Bakit naman ako magseselos aber? Eh wala naman akong gusto sa babaeng maliit na iyon. Pinasasakay ko lang naman siya. Kaya hindi ako nagseselos. Sadyang ayaw ko lang talaga na magkasama silang dalawa. Naiinis ako sa ideyang iyon. Katulad na lamang ngayon.

"Ma'am may problema po ba kayo? Nagugutom po ba kayo? Gusto po ninyong ibili ko kayo ng pagkain?"

Marahan na umiling lang naman ako kay Krystal, ang secretary ni kuya bilang tugon dito.

"No need,"tipid na sagot ko. "May kailangan pa ba akong gawin? Pwede na ba akong umalis? May kailangan lang kasi akong gawin pa eh. Okay lang naman iyon di ba? Pwede na naman kitang maiwanan dito di ba?"tanong ko pa dito sabay tingin sa relo ko.

Sure akong nakauwi na sila ngayon. Kaya kailangan ko ng makaalis dito upang puntahan si Jennie. Hindi kasi ito sumasagot sa mga text ko eh. Hindi ko naman siya matawagan dahil kasama nga niya si kuya. Ayaw ko naman na magtaka pa si kuya at bigyan ito ng dahilan upang maghinala sa amin, lalo na sa akin.

"Wala na naman po kayong iba pang gagawin. At opo ma'am, pwede na po ninyo akong maiwan dito. Pwede na po kayong umalis kung may importante pa po kayong gagawin. Sure naman po akong pabalik na rin po dito si Sir,"magalang sagot naman nito sa akin.

Hindi ko naman maiwasan na hindi ito pagmasdan. Kanina pa kami magkasama subalit ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya. Ngayon ko lang napagtanto na maganda pala siya. At kung pagbabasehan naman ang katawan niya? Masasabi kong sexy din siya. Ayon nga lang, mas sadyang sexy talaga si Jennie kumpara sa kanya. Pero maganda at sexy din talaga itong si Krystal. Nagpapaisip tuloy ako kung bakit hindi siya nagustuhan ng kapatid ko. Actually, mas bagay sila ni Kuya kaysa kay Jennie.

"May problema po ba ma'am? Bakit po kayo ganyan makatingin sa akin?" Mabilis na napaiwas naman ako ng tingin dito.

Kakahiya! Baka kung ano pang isipin niya.

Hindi ko siya type ano! Sadyang nagagandahan lang ako sa kanya. Maganda naman kasi talaga siya. Pero siyempre mas maganda parin talaga si Jennie.

"Hehehe..sorry may naisip lang ako,"palusot ko na lang. At mukhang naniwala naman siya. Buti na lang.

"Ahh okay po."

Ngumiti na lang ulit ako sa kanya atsaka tumayo at kaagad na kinuha ang bag ko.

"Aalis na ako ha. Ikaw na ang bahala dito. Kapag dumating si kuya, pasabi na lang sa kanya na may emergency lang kaya kinailangan kong umalis,"bilin ko pa dito bago ako nagmamadaling lumabas ng opisina ni kuya.

Hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali ngayon para puntahan si Jennie. Maging ako man ay nagtataka din sa sarili ko. Ngunit siguro ay gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa date nilang dalawa. Gusto ko lang matiyak na mas lamang parin ako. Ayaw ko kayang matalo. Ngayon pa ba na alam kong malapit na talagang bumigay si Jennie sa akin. Ngayon ko pa ba hahayaan na masira ang plano dahil kay kuya? No way!

Pasensiyahan na lang kami ni kuya. Pero wala akong balak itigil ang bagay na nasimulan ko na.


                            ••••••••••

"Thank you for this day babe. Sobrang nag-enjoy ako."

Hindi ko naman napigilan hindi mapaikot ang mata ko nang marinig ko ang sinabing iyon ni Jennie.

Ano kayang ginawa nilang dalawa at ganitong kasaya ang babaeng ito? Huwag ko lang talagang malalaman na may nangyari sa kanilang dalawa. Dahil maghahalo talaga ang balat sa tinalupan.

"Me too babe. Sobrang nag-enjoy ako ngayong araw na ito. At sisiguraduhin kong babalik ulit tayo doon."

"Really babe? Oh my! Excited na ako."

At talaga naman. Akala naman nila ay hahayaan ko pa silang makabalik sa kung saan man lupalop ng mundo sila galing. Wala ng next time. Nakalusot lang sila sa akin kanina dahil hindi ko alam. Pero sisiguraduhin kong hindi na sila makakaulit pa. Tandaan nila iyan.

"O sige na babe, pasok ka na sa loob. Kailangan ko na kasing bumalik sa opisina eh. Nagtext kasi ang secretary ko, nagkaroon daw ng emergency sila Lisa kaya kinailangan nitong umalis."

Hindi naman nakaligtas sa akin ang biglang pag-iiba ng expression ng mukha ni Jennie dahil sa sinabi ni Kuya. Hindi ko tuloy maiwasan hindi mainis.

Malungkot ba siya kasi kailangan ng umalis ng kuya ko? Don't tell me, gusto pa niyang ayain si kuya sa loob ng bahay nila? Subukan lang niya talagang gawin iyon. Hindi ako mag-aalinlangang pasukin sila.

"Ganun ba babe. Ano daw nangyari kay Lisa?" Naks! Mukhang concern. If I know kunwari lang iyon.

"Walang sinabi ang secretary ko eh. Pero tatawagan ko na lang siya pamaya para itanong kung anong nangyari."

Aysus! Kung umalis ka na lang kaya kuya dahil kanina pa ako inip na inip dito. Malapit ko na kayong batuhin sa totoo lang.

"O sige na babe. I call you na lang kapag nasa office na ako."

Hay salamat at umalis din.

Pagkaalis naman ni kuya ay kaagad na rin akong lumabas sa pinagtataguan ko at mabilis na hinigit si Jennie. Bakas naman ang gulat sa mukha nito ng makita ko.

Dapat lang naman na magulat siya.

"Lisa...a-anong ginagawa mo dito?"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko dito?"balik na tanong ko naman sa kanya.  Na ikinatahimik naman nito. "Ano natahimik ka di ba?"sarcastic na sabi ko pa. "Alam mo bang kanina pa ako nandito? Pinapanood kung paano kayo maglandian ng kuya ko." Kita ko naman ang panlalaki ng mata nito dahil sa sinabi ko.

"Lisaaa.."

"Ano nag-enjoy ka ba ha? Ooppss mali pala! Rinig na rinig ko nga pala ang sinabi mo kanina na nag-enjoy ka. Bakit ha? Ano bamg ginawa ninyong dalawa ng kuya ko at sobrang nag-enjoy ka? Tell me! Anong---"

"Kung ano man ang iniisip mo? Pwes, mali iyon. Wala kaming ginawang kung ano ng kuya mo okay?"putol nito sa sasabihin ko.

Hindi ko naman napigilan mapangisi. Atleast nakahinga ako ng maluwag doon. Pero naiinis parin ako.

"Huwag kang madumi ang utak. Hindi lahat katulad mong manyak,"dagdag pa nito na ikinanguso ko naman. "At hindi rin naman ako papayag kung sakali. Ni halik nga hindi ko pinapayagan ang kuya mo. Ikaw lang naman itong lapastangan na---"

"Gusto mo din naman eh,"nakangising saad ko naman upang maputol ang sasabihin nito. Kaagad naman akong nakatanggap ng hampas mula sa kanya.

"Heh! Tigilan mo ako. Magaling ka lang talagang mang-akit kaya---"

"Mabilis kang bumigay---aww!"

"Pwede bang patapusin mo muna ako. Huwag kang singit nang singit diyan."

"Okay. Pero doon na tayo sa loob mag-usap. Mas masarap mag-usap sa loob ng bahay ninyo, lalo na doon sa kwarto mo,"aya ko pa dito bago siya hinila papasok ng bahay nila.

Don't worry guys, mag-uusap lang talaga kami. Mag-uusap lang talaga kami promise. Kilala naman ninyo ako di ba? Hahaha.

                             ••••••••••

Hello guys. Heto na po ang next update sana po ay ma-enjoy at magustuhan ninyo.

Love you guys💛

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon