Chapter 30

452 18 11
                                    

           HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J


CHAPTER 30

JENNIE'S P.O.V



Medyo kinakabahan ako habang naghihintay kay Kai. Hindi ko alam kung tama itong gagawin ko. Pero gusto ko lang talagang malaman ang totoo. Gusto ko lang malaman kung totoo bang may kinalaman talaga ito sa pagkawala ni Lisa.

"Hey! I'm sorry nalate ako. Medyo traffic kasi,"paghingi nito ng paumanhin saka siya humalik sa pisnge ko. Isang tipid na ngiti lang naman ang isinukli ko dito.

"Okay lang,"sagot ko.

Napahugot muna ako ng malalim bago ako muling tumingin sa kanya. Napaka-ayos nitong tingnan at tunay na kagalang-galang. Iyong tipong hindi gagawa ng masama sa iba. Pero gaya nga ng sinabi ni Jisoo. Hindi lahat ng mukhang mabait, ay mabait talaga.

Hindi ko man nauunawaan ang ibig niyang sabihin. Pero knowing Chu, hindi niya sasabihin iyon kung walang malalim na dahilan. At nitong mga nakaraang-araw ay napaisip din ako. At hindi ko mapigilan na magduda din kay Kai. Lalo na at parang wala lang dito na nawawala ang kapatid niya. Ni hindi ko nga alam kung alam ba nito na nawawala ang kapatid niya. O alam niya pero sadyang wala lang talaga siyang pakialam.

"Kamusta ka pala? Sobrang busy mo yata ngayon. Ni hindi mo man nagawang sumagot sa text o tawag ko eh. Para tuloy gusto kong magtampo. Nagbreak lang tayo e, hindi mo na ako nagawang alalahanin. Kinalimutan mo na talaga ako."

Para naman gusto kong mapangiwi dahil sa sinabi nito. Pero mas pinili ko na lang ngumiti at sakyan ang trip nito.

Hindi kasi siya ganyan. Sa tagal na naging magjowa kami. Never siyang umakto ng ganyan. Kaya nakakapanibago lang. Hindi ko pa talaga siya kilala.

"Hehehe. Para kang sira. Busy lang talaga ako kaya hindi ko magawang magtext at tumawag. Gusto ko kasing abalahin ang sarili ko. Para hindi ako lalong mastress sa mga bagay-bagay,"sagot ko. Kahit na ang totoo ay sinadya ko talagang hindi siya itext or tawagan.

Ewan ko. Mula kasi ng sinabihan ako ni Jisoo. Medyo nailang na ako sa kanya. Kung dati ay kumportable pa ako sa kanya. Ngayon ay hindi na. Sa totoo nga niyan, hindi ako kumportable ngayon habang kausap siya. Iyong tipong parang kinakabahan ako kahit wala naman siyang masamang ginagawa. Alam niyo ba ang feeling na ganun?

"Naiintindihan ko naman. Alam ko naman na marami kang iniisip ngayon. Idagdag mo pang hindi nagpaparamdam sa iyo ang kapatid ko." Hindi ko naman napigilan mapataas ang kilay ko dahil sa sinabi nito.

Kung kanino ay iniisip ko kung paano ko uumpisan ang topic about kay Lisa. Pero hindi ko na pala kailangan mag-isip dahil siya na mismo ang nagbukas ng topic na iyon. Ang ipinagtataka ko lang ay paano nito nalaman na hindi nagpaparamdam sa akin si Lisa. Eh wala naman akong sinasabi sa kanya tungkol doon.

Nakakapagtaka.

"Ewan ko ba sa kapatid kong iyon. Bigla na lang umalis. Sinabi ko naman na okay lang sa akin ang tungkol sa inyo. Pero sobrang tigas ng ulo. Masyado siyang naguilty sa ginawa niya kaya naisipan niyang umalis at magpakalayo-layo na lang. Tinangka ko naman siyang pigilan. Dahil alam kong masasaktan ka kapag ginawa niya iyon. Pero ayaw niyang makinig e. Desidido na talagang umalis at lumayo. Kaya pasensiya na ha. Sa ginawa ng kapatid ko,"pagpapatuloy pa nito.

Hindi ko naman alam kung maniniwala ba ako o hindi. Base kasi sa pagkakakilala ko kay Lisa. Napakalabong gawin niya iyon.

Oo at hindi ako sigurado kung mahal ba talaga ako ni Lisa. Pero nakakasigurado naman akong hindi ito basta-basta na lang aalis ng hindi man lang nagsasabi o nagpapaalam. May mali. Alam kong may hindi tama sa sinabi niya.

Ewan ko lang. Pero feeling ko gusto niya lang siraan sa akin si Lisa.

"Sinabihan ko pa nga siyang tawagan ka o magsabi man lang sa iyo. Pero mukhang hindi naman nito ginawa. Dahil halata namang wala kang ideya kung nasaan ito. Kaya ako na ang humihingi ng pasensiya at tawad sa ginawa niya. Ganun kasi talaga ang kapatid kong iyon e. Masyado siyang immature. Sarili lang ang iniisip."

Palihim ko naman naikuyom ang palad ko dahil sa mga pinagsasasabi nito.

Kung kanina ay nag-aalangan pa ako na posibleng may kinalaman siya sa pagkawala ng kapatid niya. Pero ngayon parang sigurado na ako. Mukhang may alam nga ito.

"Huwag mo sanang isipin na sinisiraan ko ang kapatid ko sa iyo ha,"agad na sabi pa nito. Pilit na ngiti lang naman ang ibinigay ko sa kanya.

Hindi nga ba ganun talaga ang ginagawa mo? Sinisiraan mo ang kapatid mo sa akin. Akala mo naman maniniwala ako.

"Gusto ko lang talagang ipaalam ito sa iyo. Dahil ayaw ko naman na umasa ka o mahirapan pa dahil sa kalokohan ng kapatid kong iyon. Pinalampas ko na nga siya e. Hindi na ako nagalit ng akitin ka niya. Nagparaya na nga ako dahil alam kong siya na ang gusto mo. Pero napakagago lang ng kapatid kong iyon dahil niloko ka lang pala niya. Plano lang pala niyang pasakayin ka para magbreak tayo. Napaka-immature talaga ng kapatid kong iyon. At nakakalungkot lang dahil nagtagumpay siya sa plano niyang sirain tayo."

Mas lalo naman napahigpit ang kuyom ng palad ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ngunit sobrang hirap kumalma sa mga oras na ito. Lalo na sa  mga pinagsasasabi ng lalaking kaharap ko.

Sobrang mali nga siguro ako ng pagkakakilala sa kanya. Hindi pala siya ganun kabuti gaya ng pagkakakilala ko.

"Pero siguro naman hindi pa huli ang lahat di ba? Pwede pa naman siguro nating ayusin ang anumang meron tayo noon. Lalo na at wala na si Lisa, wala ng manggugulo sa atin. Pwede---"

Hindi ko na nakayanan pa ang pinagsasasabi nito. Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Tumayo na ako sa kinauupuan ko atsaka seryosong tiningnan ito.

"Pasensiya ka na Kai ha. Pero hindi kaya ako nakipagkita sa iyo ay dahil gusto kong makipagbalikan o ayusin ang meron tayo noon. Gaya nga ng sinabi ko kanina sa telepono. May gusto lang akong itanong sa iyo. Subalit, hindi ko na pala kailangang magtanong pa o itanong pa sa iyo. Dahil alam ko na ang sagot. At alam mo ba sa totoo lang, sobrang disappointed ako sa iyo. Hindi ko akalain na mali pala ako ng pagkakakilala sa iyo. Hindi ko akalain na nagpapanggap ka lang pala all this time. Sobrang nakonsensiya pa naman ako. Pero hindi naman pala kailangan, dahil tama lang ang desisyon ko na si Lisa ang piliin ko. Dahil compare to her? Wala kang sinabi sa kanya."

Matapos kong sabihin iyon ay agad na rin akong umalis at iniwan siya.

Nakakagigil siya. Bakit ko ba sinagot ang gago na iyon? Buwesit!

                           •••••••••••••

Hello guys. Alam kong sanay kayo na wala akong update every sunday😅 pero sinipag ang otor niyo. Kaya heto pp update. Hope you like it😘

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon