Chapter 6

411 13 0
                                    

             HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J


CHAPTER 6

JENNIE'S P.O.V



Ilang araw nang tahimik ang buhay ko. Matapos kasi ang naging lunch naming tatlo ay hindi ko pa nakikitang muli si Lisa. At isa iyon sa pinagpapasalamat ko ng sobra.

Marahil ay takot itong magpakita sa akin matapos ang kanyang ginawa. Napakagaling nga niya eh. Nauna siyang magpaalam sa amin bago palang ako makaganti sa kanya. Alam niya sigurong hindi ko papalampasin ang kalokohang ginawa niya kaya tumakas na. At nakakabuwesit iyon. Hindi man lang ako nakaganti sa kanya sa kamanyakang ginawa nito sa akin.

Huwag lang talaga siyang magpapakita sa akin.

"Break na ba kayo?"

Napahinto naman ako sa aking ginagawa at nagtatakang tumingin kay Irene.

"I mean...ilang araw ko na kasing hindi siya nakikitang nagpupunta dito. Kaya hindi ko maiwasan mag-isip na baka break na kayong dalawa,"paliwanag pa nito. Mas lalo naman kumunot ang noo ko dahil doon.

Sa pagkakatanda ko ay ngayong araw lang na ito hindi nagpunta dito si Kai. Kaya anong pinagsasasabi ng babaeng ito? Mukhang nakadrugs na naman siya.

"Ngayong araw lang na ito hindi nagpunta si Kai dito, Irene. Nanggaling siya dito kahapon. Hindi mo ba siya nakita?"sagot ko dito atsaka muling ibinalik ang atensiyon ko sa aking ginagawa.

"Naman eh! Hindi naman si Kai ang tinutukoy ko. Iyong Girlfriend mo." Muntikan naman akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa sinabi nito.

What the hell?!

Girlfriend? Kailan pa ako nagkagirlfriend?

"Irene. Hindi ko alam kung anong nahithit mo o tinira mo ngayong araw na ito. Pero kung ano man iyon? Hindi ako interesado. Marami akong ginagawa ngayon at sa pagkakatanda ko ay marami din akong pinagagawa sa iyo. Kaya mabuti pang unahin mo muna iyon dahil wala akong oras sa mga kalokohan mo,"mahinahon na pagkakasabi ko pa dito. Bigla naman sumimangot ang mukha nito at padabog na naupo.

"Hindi naman ako nagloloko eh. Nagtataka lang naman ako kasi hindi na siya nagpupunta dito. Eh parang noong nakaraang araw lang ay sobrang sweet niyo pa. Ni halos hindi na nga ako nahiya sa akin eh. Kahit nasa harapan niyo lang ako, parang hindi ninyo ako nakikita."

Magsasalita na sana ako upang sana ay tarayan ito subalit natigilan ako ng mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy nito.

Si Lisa.

Siya lang naman ang nag-iisang tao na ubod ng kapal ng mukha na landiin ako sa harapan ng ibang tao eh.

"Hindi ko siya Girlfriend, Irene. Wala kaming relasyon na dalawa bukod sa kapatid siya ng boyfriend. Kaya kung ano man ang nakita mo noong araw na iyon ay maaari bang kalimutan mo na. Kilala mo ako matagal na. Alam mong straight ako at never akong pumatol o nagkagusto man lang sa kapwa ko babae."

Nakalimutan ko nga palang ipaliwanag dito ang totoo. Nawala kasi sa isip ko, at idagdag mo pang hindi na naman nagpakita pang muli si Lisa kaya nakalimutan ko na linawin sa kanya ang nakita niya. At malaking pagkakamali ko iyon. Napagkamalan pa tuloy kaming may relasyon ng babaeng manyak na iyon.

Kahit siya pa ang kaisa-isang tao sa mundo. Hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. At isa pa, hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae 'no. At kung papatol man ako? Na alam kong hindi mangyayari. Hinding-hindi ko siya papatulan. Never!

"Kung hindi mo siya girlfriend. Bakit kayo nagkiss? At bakit ka niya nilagyan ng hickey? Ano iyon trip niya lang? Eh bakit mo hinayaan?" Natahimik naman ako at hindi nakasagot sa sunod-sunod na tanong nito. "Kilala kita, Jen. Kapag hindi mo gusto ang isang bagay. Hinding-hindi ka mapipilit. At base naman sa nakita ko ng nagpunta siya dito, hindi naman mukhang pinilit ka niya. Oo, napansin kong nagulat ka. Pero wala ka naman ginawa hindi ba? Hinayaan mo lang siya. At sobrang nakakapanibago iyon. Sa tagal ko nang kakilala ka, ngayon ko lang nakitang umamo ka. I mean, you allow her na maging clingy siya sa iyo in front of me. Na never mong ginawa, even kay Kai na boyfriend. Sa tagal ninyong magjowa na dalawa, never kong nakita ni isang beses man lang na naging clingy kayo sa isa't-isa. At naiintindihan ko naman iyon dahil alam ko naman na hindi ka talaga clingy na tao. Pero bakit sa kapatid niya? Bakit iba?"

Napaikot na lang ang mata ko matapos kong marinig ang speech niya. Yes speech talaga. Ang haba kasi ng sinabi niya eh. Nakakaloka.

"Hay naku, Irene. Kung ano-ano ang napapansin mo,"umiiling na sabi ko dito. "Pero gaya nga ng sinabi ko sa iyo kanina. Wala kaming relasyon na dalawa. At iyong nakita mo? Wala lang iyon. Manyak lang talaga ang babaeng iyon. At para linawin ko sa iyo ha. Hindi ko gusto ang mga pinaggagagawa niya sa akin. Kung alam mo lang kung gaano ko siya kagustong patayin sa totoo lang. Nagtitimpi nga lang ako dahil kapatid siya ng boyfriend ko. At nakiusap sa akin si Kai na pakisamahan ko ang kapatid niya ng maayos,"paliwanag ko.

Pinagtaasan lang naman ako nito ng kilay. Halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Kaya nagkibit-balikat na lang naman ako. Wala akong magagawa kung ayaw niyang maniwala. Basta nagsasabi ako ng totoo. Maniwala siya o hindi? Nasa sa kanya na iyon.

"Talaga lang ha? Parang hindi naman iyon ang nakita ko ng araw na iyon,"may panunuksong saad pa nito sa akin. Kaya naman kaagad kong dinampot ang isang crumpled paper na nasa tabi ko at binato sa kanya. Balewala lang naman iyon sa kanya dahil tumawa lang naman ito. Na ikinairap ko na lang.

"Lumabas ka na nga lang. Abala ka sa ginagawa ko e. Mabuti pa ay gawin mo na iyong pinagagawa ko sa iyo. Dahil kailangan ko na iyon pamaya,"pagtataboy ko pa dito. Hindi na naman ito tumutol pa. Kaagad na itong tumayo atsaka naglakad palabas habang tumatawa parin. Hindi ko na lang naman siya pinansin pa at bumalik na lamang ako sa aking ginagawa kanina.

Ngunit hindi pa man nagtatagal ay narinig ko na namang bumukas ang pinto ng opisina ko. Kaya napailing na lang ako.

Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng ito? Ang kulit talaga.

"Ano na naman? May nakalimutan ka pa bang sabihin? Kung tungkol na naman ito kay Lisa---"

"Anong tungkol sa akin?"

Kaagad naman nanlaki ang mata ko at kaagad napatayo sa aking kinauupuan at gulat na napatingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?!"gulat na tanong ko sa kanya.

Hindi naman ito sumagot sa halip ay nakangisi lang itong naglakad palapit sa akin dahilan upang mapaurong ako.

Hindi ako dapat matakot sa kanya. Nasa teritoryo ko siya. At kung mayroon man dapat matakot sa aming dalawa? Siya dapat iyon.

"Ang kapal din naman ng mukha mong magpakita pa dito ano? Hindi ka ba natatakot na ipasalvage kita ha?"mataray na tanong ko pa dito habang pilit na pinagtatakpan ang kaba sa dibdib ko.

Buwesit! Hindi ako dapat kabahan.

"Hindi,"nakangising sagot nito. "Alam ko naman na hindi mo kayang gawin iyon eh. Lalo na sa akin. Di ba honey?"

At bago pa man ako makapagsalita muli ay kaagad na ako nitong nahigit palapit sa kanya at walang pasabing sinakop ang labi ko.

Buwesit!

Bakit ba ang hilig ng babaeng itong manghalik?

                             •••••••••

Ayaw ba talaga? O baka naman gusto din. Indenial lang ang peg.😂

Amin-amin din pag may time😂

Ito naman si Lisa. Ang hilig manuka😅 tinalo pa ang kuya. Hoy! Jowa iyan ng kuya mo. Hindi sa iyo😂

-------

Hope you like it guys❤

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon