Chapter 17

449 14 1
                                    

         HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J

CHAPTER 17

JENNIE'S P.O.V


Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Mukhang malapit na yata akong mabaliw dahil sa kakaisip kay Lisa.

No mali! Mababaliw na yata ako dahil sa kanya.

"Hay naku couz. Hindi ko alam na baliw ka na pala ngayon. Ilang buwan lang tayo hindi nagkita at nagkausap ah."

Kaagad naman akong napatayo at mabilis na sinalubong ng yakap si Jisoo. Ang pinakaclose kong pinsan.

Hindi ko alam na nakauwi na pala siya. Ang huling balita ko kasi sa kanya ay nasa ibang bansa ito kasama ang jowa niya, na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilala. Ewan ko ba? Ilang beses ko na siyang kinukulit na ipakilala naman niya sa akin ang jowa niya subalit sadyang ayaw nito. Kaya hinayaan ko na lang siya. Kung ayaw niya edi wag.

"Oh my couz! Namiss kita ng sobra. Kailan ka pa nakabalik?"sunod-sunod na tanong ko sa kanya matapos ko siyang yakapin.

"Matagal na kaming nakabalik dito. Naging busy lang ako at alam kong ganun ka din kaya ngayon lang ako nakadalaw sa iyo. Pasensiya na."

Kaagad naman akong napanguso dahil sa sinabi nito. Hindi ko maiwasan hindi magtampo ng kaunti. Matagal na pala siyang nakabalik subalit ngayon lang niya ako dinalaw. Ni hindi man lang niya ako nagawang tawagan o itext man lang para sabihin na nakauwi na siya.

"Huwag ka ng magtampo sa akin couz,"yakap muli nito sa akin. "May dapat lang kasi akong ayusin muna kaya hindi ako kaagad nakapagkita sa iyo." Napairap lang naman ako dahil doon.

"Eh bakit hindi mo man lang ako tinawagan o tinext man lang?"nakataas ang kilay na tanong ko pa sa kanya.

"Sorry na couz. Nawala din kasi sa isipan ko e. Sabi ko nga di ba? Naging busy din ako. Tapos balita ko ay busy ka din kaya hindi muna kita inabala."

Napaikot muli naman ang aking mata ng marinig ko ang dahilan nito.

"Ewan ko sa iyo. Ayaw mo lang sabihin na busy ka lang diyan sa jowa mo kaya nakalimutan mo na ako." Kaagad naman itong napakamot ng ulo dahil sa sinabi ko.

See? Halatang guilty siya. Masyado talagang patay na patay doon sa jowa niya. Makita ko lang talaga kung sinong lalaking iyon patay siya sa akin. Inaagaw niya amg atensiyon ng pinsan ko sa akin.

"Sorry na kasi,"paglalambing pa nito sa akin.

Ngunit hindi ko siya pinansin. Nagtatampo  talaga ako sa kanya. Nakakapagtampo naman kasi e. Natiis niya ang pinakamagandang pinsan niya para lang sa lalaking iyon? Nakakainis. Hindi ko pa man nakikita o nakikilala ang jowa niya pero naiinis na ako sa kanya.

"Huwag ka ng magalit sa akin. Promise ko babawi ako sa iyo. Treat kita gusto mo? O kung gusto mo ipapakilala ko na sa iyo ang jowa ko. Ayon nga lang, baka hindi mo kayanin kapag nakilala mo siya." Hindi ko naman mapigilan hindi mapakunot ang noo sa huling sinabi nito.

Bakit naman hindi ko kakayanin? Ganun ba kagwapo ang boyfriend  niya? Eh ano naman? Kahit ubod pa ng gwapo ang lalaking iyon, hindi parin ako interesado.

"Kahit huwag mo ng ipakilala sa akin. Hindi na rin naman ako interesado makilala siya. At wala din akong pakialam kung gwapo man o panget siya,"walang ganang sagot ko.

Bigla naman itong tumawa na ikinapagtaka ko.

May nakakatawa ba? Minsan talaga baliw din itong pinsan ko na ito. Mukhang nahawa na siya sa jowa niya. Baliw din siguro iyon.

"At ano naman nakakatawa?"mataray na tanong ko habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.

"Hindi naman kasi talaga gwapo ang jowa ko e,"sagot nito bago nagtungo sa may couch at naupo doon. Ako naman ay nagtatakang nakasunod lang ang tingin sa kanya. "Alam mo naman noon palang couz, walang appeal sa akin ang gwapo."

"So panget ang jowa mo? Ganun ba?"di ko mapigilang itanong.

"Nope. Hindi siya panget ha. Actually sobrang ganda kaya niya---"

"Wait!"awat ko dito. "Tama ba ang rinig ko? You said "maganda?". Don't tell me....babae ang jowa mo?"di makapaniwalang tanong ko pa habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya.

"Yeah. You got it right couz! Babae nga ang jowa ko."

Parang hindi ko yata kinakaya ang mga sinasabi niya. Kaya mabilis akong napahawak sa may upuan ko at kaagad na naupo doon. Pakiramdam ko kasi matutumba ako at hihimatayin dahil sa sinabi niya.

Hindi kasi talaga ako makapaniwala. As in! Hindi ko kailanman inisip na ganun pala siya. Kaya naman pala ganun na lang ang pagtanggi niya sa akin kapag sinasabi kong ipakilala niya sa akin ang jowa niya. Iyon pala ay dahil babae ito. Natatakot siguro siya na baka magsumbong ako o di kaya ay layuan ko siya.

Oo nagulat ako sa nalaman ko. Pero hindi naman nababawasan ang love ko sa kanya. Wala naman nagbago kahit pa nga nalaman kong may girlfriend siya.

Sino nga pala ako upang mandiri  o magalit sa kanya? Eh parehas lang naman kaming dalawa. Parehas lang naman kaming pumatol sa kapwa namin babae. Ang kaibahan nga lang jowa niya iyon  samantalang sa amin naman ni Lisa, hanggang ngayon ay wala parin katiyakan.

Ewan ko! Gulong-gulo na talaga ako.

"I know nagulat ka. Hindi mo siguro lubos naisip na babae ang jowa ko. Kaya pasensiya na kung ginulat kita,"mabilis na umiling lang naman ako sa kanya at ngumiti upang ipakitang naiintindihan ko siya.

"Naiintindihan ko. Nagulat lang talaga ako. Pero don't worry couz, tanggap kita kahit ano ka pa."

Bakas naman ang gulat sa mukha nito dahil sa sinabi ko. Hindi niya siguro akalain na ganun ko kabilis matatanggap ang preference niya. Oo nga pala, alam nga pala niyang allergy ako sa mga gay.

Pero nagbago na iyon ngayon.

"Talaga couz? Hindi ka galit o nandidiri sa nalaman mo? Tanggap mo talaga ako?"di makapaniwalang tanong pa nito sabay hawak pa sa dalawang balikat ko. Natatawang tumango naman ako sa kanya.

"Oo nga. Tanggap kita. At hindi ako nandidiri sa iyo. Walang problema sa akin kung ang jowa mo ay babae. Kung iyon ang gusto mo e. At iyon ang magpapasaya sa iyo. Bakit naman ako tututol? Mahal kita couz. At kung ano man o sino ang magpapaligaya sa iyo? Doon ako."

Mas baka nga ikaw pa ang mandiri o maloka sa akin couz kapag nalaman mo mga pinagagagawa ko sa buhay ko e. Baka ako pa ang hindi mo matanggap kapag nalaman mong nakipaglandian ako sa kapatid ng jowa ko.

"Oh my gosh! Maraming salamat couz." Medyo nabigla naman ako ng bigla na lang ako nitong dambahin ng yakap. Pero kalaunan ay napailing na lang din ako.

Sobrang saya lang ng loka kaya sige na, pagbibigyan ko na.

"I love you talaga!"masayang sabi pa nito bago pinugpog ng halik ang pisnge ko. Na siya naman pagbukas ng pinto ng opisina ko at iniluwa niyon si Lisa.

"ANONG IBIG SABIHIN NITO?!"

Oh my!

Feeling ko madugong paliwanagan na naman ito.

                              ••••••••

Hello guys. Heto na po ang update ko. Hope you like it guys💛

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon