HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JCHAPTER 26
JENNIE'S P.O.V
Ilang araw na simula ng mag-usap kami ni Kai. At after ng araw na iyon, akala ko magbabago siya sa akin o di kaya ay hindi na niya ako kakausapin pa. Subalit nagkamali ako. Kagaya parin siya ng dati na palaging nagtetext at tumatawag sa akin upang kamustahin ako. Parang walang nagbago. Maliban na lang sa tungkol sa amin na dalawa.
Tuluyan na kasi namin tinapos ang relasyon namin na dalawa. Sa totoo niyan, siya mismo ang nagdecide niyon. Ayaw na din naman daw kasi niyang ipilit pa ang kami kung alam naman daw niya na hindi na siya ang gusto ko. Hindi na rin naman ako tumutol pa doon. Masyado ko na siyang nasaktan, at wala na akong balak na saktan pa siya lalo. Kaya tama lang na maghiwalay na lang talaga kami. Ngunit bagamat ganun ang nangyari sa aming dalawa. Maayos parin naman kami. At isa iyon sa pinagpapasalamat ko.
At kung tungkol naman kay Lisa? Still, wala parin akong balita about sa kanya. Hindi ko parin kung nasaan ito o bakit bigla na lang ito nawala. Gustuhin ko man kasing magtanong kay Kai about her, hindi ko kaya. Masyado naman akong insensitive kung itatanong ko sa kanya si Lisa. At isa pa, wala rin naman itong sinasabi sa akin about sa kapatid niya. Sa tuwing magkakausap nga kami, never nitong nabanggit si Lisa. Marahil ay iniiwasan din niyang pag-usapan muna. At naiintindihan ko naman kung bakit.
Iisa na lang talaga ang pag-asa ko para malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Lisa at kung nasaan na ba ito.
"Couz? Anong ginagawa mo dito?"bakas ang pagkagulat sa mukha ni Jisoo ng makita ako dahilan upang mapakunot ang noo ko. Bakit parang gulat na gulat ito? Eh nagtext naman ako sa kanya na pupunta ako dito sa condo niya.
"Gulat na gulat couz? Hindi ba nagtext ako sa iyo kanina,"sagot ko dito na ikinakunot din naman nito.
"Nagtext ka?"ulit na tanong pa nito sa akin.
Medyo napipikon na naman ako sa kakatanong niya. Kanina pa kasi siya tanong nang tanong eh. Tapos parang wala pa yata siyang balak na papasukin ako. Hanggang ngayon kasi nandito parin ako sa labas ng condo unit niya dahil nakaharang siya sa may pinto kaya hindi ko magawang makapasok.
"May problema ba kung pumunta ako dito? Hindi ba ako pwedeng pumunta sa condo mo? Sabihin mo lang at aalis na lang ako. Dahil parang wala ka din naman balak na papasukin ako eh,"sarcastic na tanong ko pa dito habang nakataas ang kilay kong nakatingin sa kanya.
"Ay sorry!"mabilis na sabi nito at kaagad na umalis sa sa may pinto at pinapasok ako. Napaikot muna naman ang mata ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng condo niya.
Pagkapasok ko sa loob ay kaagad kong inikot ang paningin ko sa loob ng condo niya. At hindi ko mapigilan na mapailing ng makita kung gaano kakalat ang condo nito. Mukha naman napansin nito ang tinitingnan ko dahil mabilis nitong niligpit ang mga kalat sa sahig at sa may couch.
"Pasensiya ka na couz ha, medyo busy pa kasi kami ni Rośe. Kaya hindi na namin magawang maglipit. Actually, kakarating nga lang namin eh. Kaya naman sobrang kalat dito,"mabilis na paliwanag nito na ikinataas lang ng kilay ko.
"Kailan ka pa naging makalat? Sa pagkakatanda ko ay ayaw mo ng makalat ang lugar kung saan naroon ka. I remember pa nga kung gaano ka kagalit sa katulong niyo before dahil sa hindi nito paglilinis ng ayos sa kwarto mo. Kaya naman nakakapagtaka na makitang ganito kakalat ang loob ng condo mo,"komento ko pa.
Hindi ko naman alam kung tama ba ang nakita ko sa mukha niya pero parang nakita ko itong biglang namutla at napalunok dahil sa sinabi ko.
May nasabi ba akong mali?
"Okay ka lang? Bakit parang kinakabahan ka diyan?"tanong ko pa dito. Mabilis naman itong tumango atsaka ngumiti sa akin.
"Oo naman. Okay lang ako. Bakit naman ako hindi magiging okay di ba?"
Mas lalo naman napataas ang kilay ko.
Bakit parang kabadong-kabado siya? Ano bang nangyayari sa kanya?
Muli kong inikot ang paningin ko sa loob ng condo niya hanggang sa tumapat ang tingin ko sa pinto ng kwarto niya...siguro.
Siguro may ginagawa silang dalawa ni Rośe na kababalaghan kanina bago ako dumating. Kaya siguro kinakabahan ito.
"Teka lang! Makalat din diyan." Pigil pa nito sa akin ng magbalak akong buksan ang pinto ng kwarto niya. Hindi ko naman mapigilan na hindi mapangisi habang nakatingin sa kanya.
"Don't worry couz, naiintindihan ko naman eh. Hindi mo naman kailangan kabahan ng ganyan. Magjowa kayong dalawa kaya normal lang iyan,"nakangising sabi ko pa dito na ikinapula naman ng mukha nito.
Boom huli! Sabi na eh, tama nga ang hinala ko. May kababalaghan nga silang ginagawa bago ako dumating. Kaya naman pala ganito na lang kakalat ang loob ng condo niya. Kung saan-saan nagkalat ang mga damit. Kaloka ka!
"At huwag kang mag-alala. Hindi na rin naman ako magtatagal pa dito. May gusto lang naman akong itanong sa iyo kaya ako nagpunta dito. Ikaw lang kasi ang pwedeng makatulong sa akin eh,"sabi ko pa.
Kaagad naman sumeryoso ang mukha nito.
"About kay Lisa ba?"tanong nito na ikinatango ko lang naman.
"Yeah. Magkaibigan kayo di ba? Kaya sure akong pwedeng alam mo kung nasaan siya ngayon? Ilang linggo na kasi siyang hindi nagpaparamdam sa akin eh. Kahit sa text at tawag ko, hindi rin ito sumasagot. Kaya gusto ko lang alamin kung alam mo kung nasaan siya o kung anong nangyari sa kanya. Gusto ko lang siyang makausap eh. Kailangan ko lang talaga siyang makausap. Kaya kung alam mo kung nasaan siya, couz. Sabihin mo naman sa akin. Kailangan lang talaga namin na mag-usap na dalawa,"pakiusap ko dito.
Base on her reaction, I know na alam niya kung nasaan si Lisa.
"Couz kasi..."
"Please Chu. Kailangan ko lang talagang makausap. Alam na ni Kai ang tungkol sa amin na dalawa--"
"What?! Paano?"gulat na tanong pa nito.
"I don't know. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Kai ang tungkol sa amin ni Lisa. Pero don't worry, wala naman itong ginawa sa akin. Hindi siya nagalit---"
"Sa iyo...maybe hindi siya nagalit. Pero hindi ko lang alam kay Lisa,"seryosong saad nito na ikinakunot muli ng noo ko.
"What do you mean?"takang tanong ko pa dito.
Hindi naman siguro sinaktan ni Kai si Lisa di ba? Wala naman siguro itong masamang ginawa kay Lisa di ba? Mabait si Kai. Sure akong hindi nito kayang saktan ang kapatid niya. Sinabi pa nga nitong tanggap na niya ang about sa amin di ba? Kaya malabong may gawin ito kay Lisa.
"Always remember this, couz. Hindi lahat ng inaakala mong mabait ay mabait talaga. Minsan tinatago lang nila ang tunay na sila para makuha ang tiwala ng taong nakapaligid sa kanila. Kaya mag-iingat ka. Piliin mo ang taong dapat mong pagkatiwalaan. At layuan ang mga taong dapat mong layuan."
••••••••••
Heto na po ang update. Hope you like it💛
![](https://img.wattpad.com/cover/245182306-288-k337824.jpg)