HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JCHAPTER 2
LISA'S P.O.V
Hindi ko mapigilan ang inis ko pagkarating sa bahay. Maging mga katulong namin ay nasigawan ko dahil sa inis ko.
Paano ba naman kasi? Mas pinili pa ni kuya na samahan ang babaeng iyon. Like hello? Ano bang nakita niya sa babaeng maliit na iyon? Kainis!
"Iha, nandiyan na ang kuya mo. At pinapatawag ka niya. Mukhang galit nga e, may pinag-awayan ba kayong dalawa?" Hindi ko naman napigilan hindi mapairap sa pagtatanong na iyon ni Manang. Hindi naman siya tsismosa sa lagay na iyan di ba? Feeling close? Close ba kami? Kaloka.
"Pasabi na lang po na susunod na ako. May inaayos lang ho ako,"sagot ko na lang bago naglakad patungo sa CR upang magpalit ng damit. Medyo pinawisan na kasi ako e. Kaya kailangan ko munang magpalit ng damit bago ako makipag-usap kay Kuya. Sigurado din naman kasi akong pagagalitan lang niya ako sa ginawa ko. Kaya maghintay siya sa akin.
Ewan ko ba kasi dito kay kuya. Hindi ko siya maintindihan talaga kung bakit niya pinatulan ang babaeng iyon? Eh wala namang kagusto-gusto sa babaeng maliit na iyon. Sobrang sama kaya ng ugali. Hindi man lang nag-alangan na patulan ako. Like duh? Sister kaya ako ng boyfriend niya, tapos kung tarayan ako? Kainis e.
May araw talaga siya sa akin. Humanda siya. Papatunayan ko kay kuya na hindi siya nararapat. Wala talaga akong tiwala sa pagmumukha ng babaeng iyon. Malakas ang pakiramdam kong sasaktan lang niya ang kuya ko. At hindi ko iyon mapapayagan.
Kung si kuya maloloko niya? Pwes, ako hindi.
"Pinapatawag mo daw ako?"bored na tanong ko pa kay kuya pagkapasok ko sa opisina nito sa bahay. Isang nakakamatay na tingin agad ang ipinukol nito sa akin. Ngunit binalewala ko lang iyon. As if naman natatakot ako sa kanya? Kilala ko ang kuya ko. Mukha lang siyang galit, pero never siyang nagalit sa akin. Sobra kaya niya akong love.
"Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kanina---"
"I know. Kaya ka nga galit na galit di ba?"pamimilosopo ko pa dahilan upang mas lalo itong magalit.
Siya lang naman kasi ang makulit e. Ilang ulit ko ng sinabi sa kanyang ayaw ko nga sa girlfriend niya. Pero panay parin ang pilit niya sa akin na kilalanin ito. Kaya anong aasahan niya? Na magiging mabait ako sa babaeng maliit na iyon? Asa siya.
Hinding-hindi ko pakikitunguhan ng maayos ang babaeng iyon. Matapos niya akong tarayan. Never!
"Huwag mo akong pilosopohin Lisa. Hindi na ako natutuwa." Umirap lang naman ako.
Hindi rin kaya ako natutuwa. Lalong-lalo na sa pagmumukha ng girlfriend niya.
"Pinakiusapan na kita di ba? Nakiusap na akong kilalanin mo muna si Jennie bago mo siya husgahan. Pero anong ginawa mo? Maayos siyang nakipagkilala sa iyo tapos, pinahiya mo lang siya."
Wow naman!
So ako pa pala ang nagmukhang masama dito? Ang galing.
"Kasalan ko ba iyon? Edi ba sinabi ko na nga sa iyong ayaw ko sa kanya eh. Ikaw lang naman itong mapilit e. Kung hindi mo ako pinilit na makipagkita sa babaeng iyon--"
"She's Jennie! May pangalan siya."
Napabuga na lang ako ng hangin.
"Okay. Si Jennie." Akala mo naman may pakialam ako sa pangalan ng babaeng iyon. Buwesit. "Kung hindi mo ako pinilit na makipagkita sa kanya. Edi hindi ko sana siya pinahiya. Wala sana tayong pinagtatalunan ngayon. Ikaw naman itong may kasalanan kuya eh. Alam mo naman sa lahat ng ayaw ko, pinipilit ako sa mga bagay na ayaw ko."
Kung alam ko lang na magiging ganito lang ang kahihinatnan ng pag-uwi ko? Hindi na sana ako umuwi.
"Ano ba kasing dahilan at ganyan na lang ang pag-ayaw mo kay Jennie ha? Hindi mo pa naman siya nakikilala ng lubusan ah. Kung kikilalanin mo lang siya, sure akong magkakasundo kayo."
Heto na naman siya. Wala talaga siyang balak na sumuko sa ideyang iyon eh.
"Hindi ko na kailangan pa siyang kilalanin Kuya. Ayaw ko talaga sa kanya. At hindi kailanman magbabago iyon,"pinal kong sagot kay kuya.
Hindi niya talaga ako mapipilit. As in, never!
"Kailangan ko pa bang lumuhod at makiusap sa iyo? Para lamang pagbigyan mo ako?"biglang tanong ni kuya sa akin na ikinatahimik ko naman.
"Kuya..."
"Minsan lang ako nakiusap sa iyo. Lahat ng gusto mo pinagbigyan ko. At never akong humingi ng kapalit. Ngayon lang Lisa. Ngayon lang ako nakikiusap sa iyo. At sana ay pagbigyan mo ako. Mahal ko si Jennie. At mahal din kita. Kaya gusto kong magkaayos kayong dalawa. Pwede mo bang gawin iyon para sa akin?"
Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko. Ayaw na ayaw ko talaga sa babaeng iyon. At never kong gugustuhin na makilala o kilalanin ang babaeng maliit na iyon. Maging close pa kaya? Pero ayaw ko naman biguin at saktan si kuya.
Haysst! Kainis naman eh!
"Fine! Pagbibigyan kita,"labas sa ilong sagot ko.
"Thank you babysis,"yakap pa sa akin ni kuya. Napipilitang ngumiti lang naman ako sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Kaya salamat talaga."
At hindi mo din alam kuya kung gaano ako kainis ngayon. Biruin mo? Kailangan ko pa tuloy makipagplastikan sa babaeng iyon? Kung minamalas nga naman ako oh.
"Anything for you kuya,"pilit na ngiti ko pa dito.
Kung hindi ko lang talaga mahal ang kuya ko. Never kong gagawin ito. Hinding-hindi ko ginawang makipagplastikan sa isang tao. Lalong-lalo na kung ayaw ko doon sa tao. Katulad na lang ni Jennie. Ang babaeng maliit na iyon.
"Sige. Tatawagan ko lang muna si babe. Sasabihin ko sa kanya na pumayag ka ng makipagbonding sa kanya. Tiyak akong matutuwa iyon."
Duda ako sa bagay na iyon. Kitang-kita ko ang inis sa mukha ng babaeng iyon sa akin. Kaya malabong matuwa iyon. Tiyak akong tulad ko ay napipilitan lang din ito. Nagpi-feeling mabait lang iyon para hindi siya ayawan ng kuya ko. Plastic!
"Okay kuya. Sabihan mo na lang ako kung kailan kami magkikita ng ba---ni Jennie. Para naman makapaghanda ako." Muntikan na ako doon ah. Mahahalata pa tuloy akong napipilitan lang.
"Okay sis. Ask ko lang si babe kung kailan siya available then, sasabihan kita. Thank you ulit."
Hindi na ako sumagot pa sa halip ay nagpaalam na ako dito upang bumalik sa kwarto ko.
Pagkarating ko sa kwarto ko doon ko na inilabas lahat ng inis ko.
Kaasar talaga!
Humanda talaga sa akin ang babaeng iyon. Kung inaakala niyang magiging mabait ako sa kanya. Pwes, nagkakamali siya. Sisiguraduhin kong sa gagawin ko sa kanya. Siya mismo ang kusang makikipaghiwalay sa kuya ko. Kaya humanda siya.
"Be ready, Miss Liit. Be ready for me."
••••••••••
Hi guys! Heto na po ulit ang next chapter. Hope you like it guys.
Ano kaya ang gagawin ni Lisa kay Jennie? Excited na ba kayo? Hahaha
Keep safe everyone💛
-----
"Alam kong straight ako. Pero bakit pagdating sa iyo, bigla akong nababaliko." Char hahaha
