HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JCHAPTER 22
JENNIE'S P.O.V
"ANONG IBIG SABIHIN NITO?!"
Pareho kaming napabalikwas ng bangon ni Lisa at mabilis na nagtaklob ng kumot upang takluban ang hubad na katawan naming dalawa.
Shocks! Patay!
"What is the meaning of this, Jennie?!"
Napayuko na lang ako dahil hindi ko magawang salubungin ang nagbabagang tingin ng mga magulang ko sa amin.
Hindi ko ineexpect na mangyayari ito. Sa tagal na nagpupunta dito si Lisa, ngayon lang nangyari na binuksan ng parents ko ang kwarto ko. Hindi naman kasi nila gawain na buksan na lang basta-basta ang kwarto ko. Maliban na lang talaga kung kumakatok sila at hindi ko binubuksan. Na marahil ay siyang nangyari kaya nila binuksan ang kwarto ko ng walang pasabi.
Bakit ba hindi kami nagbihis bago natulog? Ayan tuloy!
Pero sabagay, sa sobrang late na namin nakatulog kagabi dahil sa ginawa nga namin. Hindi na namin talaga magagawang makapagbihis man lang. At isa pa, masarap matulog ng magkayakap habang hubad kaming dalawa. Damang-dama mo iyong init.
Maski nga hanggang ngayon eh, damang-dama ko ang init. Ang init ng ulo ng parents ko.
"Mag-ayos muna kayong dalawa. Atsaka tayo mag-usap,"utos naman ni Dad sa amin. Na bakas ang kaseryosohan sa boses nito. Kaya naman hindi ko mapigilan na lalong kabahan. Kapag ganyan kasi ang boses ni Dad, isa lang ang ibig sabihin e. Lagot ako. I mean, lagot kaming dalawa ni Lisa.
Wala talagang sekreto na hindi nabubunyag.
Dasal ko na lang na sana ay maintindihan ako...I mean kami ni Mom at ni Dad. Na medyo malabo yata.
"Hihintayin namin kayo sa libray. Bilisan niyo. At marami tayong dapat pag-usapan, lalong-lalo ka na,"dagdag pa ni Mom habang diretsong nakatingin sa akin dahilan upang mapalunok ako.
Parang kagabi lang sobrang saya ko pa dahil inaya ako ni Lisa na magdate. Ang dami pa naman sana namin na plano. Pero mukhang hindi pa yata matutuloy. Excited pa naman ako. Kung mamalasin ka nga naman oh!
"Ikaw din,"baling pa nito kay Lisa. Na ngayon ay hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa utak niya. Wala kasi akong makitang emosyon sa mukha nito. Hindi ko alam kung kinakabahan din ba siya o natatakot? As in, walang emosyon ang mukha niya. Masyadong blanko ang mukha niya kaya hindi ko matukoy kung anong nararamdaman niya ngayon. Hindi ko tuloy mapigilan na mas lalong kabahan dahil doon.
What if takbuhan niya ako?
Hindi ba para sa kanya isa lang itong laro? Kaya hindi ko mapigilan na mag-isip ng kung ano-ano. Walang kasiguraduhan ang meron kami. Idagdag mo pa na kuya niya ang boyfriend ko. Malay ko bang iwan na lang niya ako dahil doon. Na baka marealized niyang mas mahal niya ang kuya niya.
Sabagay, hindi naman malabo na mas mahal niya ang kuya niya at mas piliin niya ito. Hindi naman niya kasi ako mahal e. Kaya ano nga bang laban ko doon? Hay naku.
"Relax, okay?"
Kaagad naman naputol ang pag-iisip ko at mabilis na napatingin kay Lisa na ngayon ay seryosong nakatingin lang sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Lisa.."
"Sshhh,"pigil nito sa akin. "Hindi kita iiwan. Kung iyan ang kinatatakutan mo. Sabay tayong haharap sa parents mo. At handa akong harapin ang galit nila para sa iyo. Kaya huwag kang mag-alala. Sabay nating haharapin sila. Wala akong balak na iwan at pabayaan ka."
Hindi ko naman napigilan na mapaluha dahil sa sinabi niya. Yinakap naman niya ako kaagad dahilan upang mas lalo akong mapaiyak.
"Anong gagawin natin? Galit na galit sila."
Kaagad naman niya akong iniharap sa kanya sabay punas sa luha ko.
"Hindi naman maiiwasan iyon, honey. Normal lang na magalit sila. Ikaw ba naman ang madatnan ang anak nila na hubad habang kayakap ang kaibigan "daw" na hubad din,"pagbibiro pa nito. Kaya naman hindi ko napigilan na kurutin siya.
Nagagawa pa niya kasing magbiro sa kalagayan namin. Kabang-kaba na nga ako e. Tapos, parang sa kanya ay wala lamang. Para nga siyang hindi kinakabahan eh.
"Naman eh! Nagagawa mo pang magbiro diyan. Kinakabahan na nga ako dito eh."inis na sambit ko pa dito. Tumawa lang naman siya.
"Binibiro lang kita. Masyado ka kasing tensiyunado eh. Kaya pinapagaan ko lang ang pakiramdam mo,"agad na sagot naman nito.
"Paano naman ako hindi kakabahan ha? Nahuli tayo ng parents ko sa kama na hubo't-hubad. Sa tingin mo, ano na lang kaya ang iisipin nila? Nahuli nila ang nag-iisang anak nila na walang saplot sa kama kasama ang kapatid ng jowa niya,"himutok ko pa dito.
"Edi marahil iniisip nila ngayon na ang nag-iisang anak nila na akala nila ay babae, iyon pala ay hindi---ouch!" Muli ko naman siyang hinampas dahil sa mga kalokohan niya.
"Seryoso naman kasi,"inis na sambit ko pa dito. Muli lang naman itong tumawa na lalo kong ikinasimangot.
"Okay seryoso na,"sabi pa nito. "Wala na naman kasi tayong magagawa eh. Nahuli na tayo ng parents mo. Kaya ang tanging magagawa na lang natin ngayon ay ang magbihis na at puntahan sila sa library dahil sigurado akong kanina pa nila tayo hinihintay."
Kaagad naman nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito.
Oh my gosh!
Muntik ko ng makalimutan na hinihintay nga pala kami ng mga magulang ko. Patay lalo kami nito.
"Oo nga pala. Bakit ba kasi ngayon mo lang pinaalala. Tumayo ka na nga diyan at magbihis na rin. Baka mainip na sila doon, patay tayo lalo,"utos ko pa sa kanya bago mabilis na tumayo at tumakbo patungo sa banyo. Ni hindi ko na nga inalintana na wala akong suot na kahit ano sa pagtakbo ko eh. Wala na rin naman kasi akong dapat ikahiya. Nakita na niya ang lahat sa akin. Nahawakan at natikman pa nga. Kaya ano pa ang dapat kong ikahiya di ba?
"Alam mo honey? Mas maganda sigurong sabay na tayong dalawa. Para mas mapabilis tayo, di ba?"rinig ko pang sabi nito na ikinairap ko naman.
Jusko po! Kapag nagsabay kaming dalawa? Sure akong mas lalo kaming magtatagal. Siya pa ba? Eh sobrang harot niya. At ako naman sobrang rupok pagdating sa kanya. Kaya hindi pwedeng magsabay kami. Hindi siya magandang ideya lalo na at hinihintay na kami ng mga magulang ko.
"Heh! Tumigil ka nga diyan. Mabuti pa ay mag-ayos ka na. Dahil baka mainip na ang parents ko at puntahan pa tayo dito. Ayaw mo naman sigurong mas lalo pa silang magalit sa atin di ba?"tanong ko pa dito bago ko sinimulang mag-ayos.
Wala naman akong narinig na sagot mula sa kanya. Marahil ay nag-aayos na din siya. Kaya naman nagmadali na rin akong mag-ayos para mapuntahan na rin namin sina Mommy at Daddy.
Pero sana talaga maging maayos ang mangyayari pamaya. Nawa ay maging maayos ang pag-uusap naming apat.
Huwag nawa silang magalit---ay! Parang imposible yata iyon.
Okay lang pala na magalit sila. Pero sana ay hindi naman ganun kagalit.
Please have mercy on me...
•••••••••
Heto na po ang update. Hope you like it guys.
---
Ayon na nga po, nahuli na silang dalawa. Ano kayang mangyayari?😅