HATE YOU TO LOVE YOU
written by: Ms. JSi JENNIE KIM- ang babaeng pinagpala sa lahat ng babaeng lahat.
Bakit?
Nasa kanya lang naman ang lahat. Maganda, sexy, talented, sobrang hot at sobrang yaman pa. Mayroon din siyang magandang career, supportive na parents at hindi lang iyon, mayroon din siyang gwapo at ubod na bait na boyfriend. Kaya naman masasabing halos nasa kanya na nga ang lahat. Ngunit may isa pang kulang...
Iyon ay ang approval ng sister ng boyfriend niya.
Yes. Ayaw sa kanya ng sister ng boyfriend niya at iyon ang hindi niya alam kung bakit?
Okay lang naman sana e. Wala naman siyang pakialam sa babaeng iyon. Pero dahil mahal niya ang boyfriend niya at dahil na rin sa kahilingan nito, wala siyang magawa kundi ang pakisamahan at sikaping makuha ang loob nito.
Magawa kaya niyang palambutin ang puso nito para sa kanya?
••••••
Si LISA MANOBAN- ang babaeng puno ng kabitteran sa life. May angking katarayan din pero may kabaitan din naman.
Siya ang nag-iisang kapatid ni Kai. Actually, hindi naman sila tunay na magkapatid. Step-brother lang niya si Kai, subalit sa kabila niyon ay sadyang close silang dalawa. Idagdag mo pang sila na lang dalawa ang magkasama sa buhay, matapos mamatay sa isang aksidente ang mga magulang nila. Mahal na mahal niya ang kuya niya. At tanging gusto niya para dito ay sumaya at makatagpo ng babaeng nararapat para dito. At hindi iyon si Jennie Kim.
Wala siyang tiwala kay Jennie. May iba siyang gusto para sa kapatid niya. Kaya naman gagawin niya ang lahat upang magkasira ang mga ito. Gagawin niya ang lahat upang ipakita sa brother niya na hindi si Jennie Kim ang babaeng para dito.
Magawa ka niya ang plano niya?
ABANGAN
••••••••
Hello guys. Heto na po ang patikim sa new story ko. Hope you like it.