Chapter 8

414 16 0
                                    

           HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J

CHAPTER 8

LISA'S P.O.V


Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko ang reaksiyon ni Jennie sa tuwing hinahalikan ko ito at kapag nilalandi ko siya.

Kaunti na lang talaga nararamdaman ko malapit na siyang mahulog sa bitag ko.

Hindi ako lesbian ha, kung iyan ang iniisip niyo. Yes sometimes, nakikipagflirt talaga ako sa ibang girls pero kapag trip ko lang. Pero hindi ibig sabihin niyon ay lesbian na ako.

Ayaw kong lagyan ng label ang sexual preference ko. Although, hindi ko naman itatanggi na minsan talaga ay na-aattract ako sa ibang babae. Ngunit hindi pa kailanman ako sumubok na makipagrelasyon sa kapwa ko babae. Not because hindi ako open sa ganun, kundi dahil wala pa akong time para sa pakikipagrelasyon sa ngayon.

Nagkaboyfriend na naman ako noon. Puro nga lang hindi seryoso lahat. Hindi kasi talaga sa akin ang pakikipagrelasyon e. Kaya after kong makapagtapos mag-aral, unti now ay hindi na muli ako nakipagrelasyon pa. Saka na lang kapag nahanap ko na ang "the one" na hinahanap at himihintay ko. Pero habang wala pa siya at hindi ko pa siya nakikita ay focus muna ako sa career ko at sa panggugulo kay Jennie.

Ramdam kong attracted ito sa akin. At gagamitin ko iyon upang magkasira sila ng kuya ko.

"Parang ayaw ko ng iniisip mo. Mukhang nakakatakot." Napangisi lang naman ako kay Rosè. Kaagad naman nitong inabot sa akin ang beer na hawak niya na kaagad ko rin kinuha.

Nandito kasi ako ngayon sa condo ni Rosè. Kakauwi lang kasi nila ng jowa niya kaya naisipan kong makipagkita sa kanila. Medyo namiss ko din kasi sila e. Halos dalawang buwan din nang huli kaming magkita na dalawa. Mabuti nga at umuwi na sila e. Para kahit papaano ay makakilala ako dito bukod sa kuya ko.

"Hindi naman gaano. Iniisip ko lang kasi kung paano ko mapaghihiwalay ang kuya ko at ang girlfriend niya,"nakangising sagot ko sabay inom ng beer na hawak ko. Kita ko naman napailing ito.

"Hindi mo parin pala talaga tinitigilan ang jowa ng kuya mo ano? Bakit ba ayaw na ayaw mo sa girlfriend ng kuya mo? Ano bang problema mo doon?"pagtatanong naman nito.

Napabuga muna ako ng hangin bago ako sumagot.

"Actually, wala naman talaga akong problema sa kanya eh. Bukod sa ugali nito na ayaw ko. Sobrang taray niya kasi eh, kaya ayaw ko sa ugali niya. Pero bukod doon ay wala na naman. Sadyang ayaw ko lang talaga sa kanya para sa kuya ko. Para kasi sa akin ay hindi siya nababagay sa kuya ko,"sagot ko. Bigla naman itong natawa na ikinapagtaka ko.

"Baka naman kaya ayaw mo sa kanya para sa kuya mo ay dahil type mo siya? Umamin ka nga, type mo ba ang gf ng kuya mo?" Halos naibuga ko naman ang iniinom kong beer dahil sa tanong nito.

Potek! Muntik ko na siyang mabugahan dahil sa pinagsasasabi niya. Pero dapat pala binugahan ko na lang siya.

"Ano bang klaseng tanong iyan, bro? Hindi ko type ang babaeng iyon 'no! Sobrang taray ng babaeng iyon. Paano ko naman magugustuhan iyon?"kaagad na sagot ko.

Hindi talaga ako makapaniwala sa tanong niya. Kaloka talaga. Hindi ko lubos maisip. Kahit siguro si Jennie na lang ang nag-iisang babae sa mundo. Hinding-hindi parin ako magkakagusto sa kanya. Yuck!

"Aysus! Ayaw mo pang umamin bro. Kilala kita. Alam kong type mo iyong jowa ng kuya mo kaya ka asar na asar doon. Ayaw mo siya para sa kuya mo dahil ang gusto mo sa iyo siya. Tama ba?" Isang nakakamatay na tingin naman ang pinukol ko kay Rosè.

"Gusto mo sapakin kita? Kilabutan ka nga diyan sa mga pinagsasasabi mo,"irap ko sa kanya. Tumawa lang naman ito na tila ay nang-aasar pa. Ang sarap niya tuloy batukan sa totoo lang. Kung wala lang dito ang jowa nito, kanina ko pa siya nabatukan.

Hindi niyo po kasi natatanong, may pagkasadista po kasi ang jowa ng babaeng iyan. Mapanakit kasi ang babaeng iyon. Kaya kapag sinaktan ko itong jowa niya sure akong babawian ako noon.

"Subukan mo Lisa. Patay ka sa akin." And speaking of, sabi sa inyo e.

Sobrang tapang akala mo naman ay hindi under kay Rosè.

"Ikaw naman dude hindi ka na mabiro. Bestfriend ko kaya itong si Rosè at mahal na mahal ko ito ano. Kaya bakit ko naman siya sasaktan di ba?"kaagad na bawi ko sabay akbay pa kay Rosè. Inirapan lang naman ako ni Jisoo at mabilis na lumapit sa pwesto namin at kaagad na tinanggal ang braso kong naka-akbay kay Rosè. Napailing lang naman ako saka mabilis na tumayo upang lumipat ng pwesto.

Papaalisin din naman ako e. Kaya mabuti pang unahan ko na. Napakaseloso pa naman ni Jisoo.  Pati nga ako pinagseselosan akala mo naman aagawin ko sa kanya si Rosè.

"Whatever Lisa,"pagtataray pa nito at mabilis na umakbay sa jowa niya. At ayon nga po naglandian na po sila sa harapan ko.

Kaloka! Edi sila na ang may jowa.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito? Kakarating lang namin ay nambubulabog ka na naman. Hulaan ko, tungkol na naman ito doon sa girlfriend ng kuya mo na type mo ano?"

Ay puta! Magjowa nga sila.

"Mali!"kaagad na sagot ko. "Dahil hindi ko naman type ang babaeng iyon. Bakit ba ang kulit ninyong dalawa ha? Sinabi nang hindi ko gusto---"

"Kwento mo na lang iyan sa pagong dude, baka sakaling maniwala."

Kaagad ko naman dinampot ang unan na nasa may tabi ko at mabilis na ibinato ito sa dalawa na ngayon ay tawa ng tawa sa harapan ko. Napahinto lang sila sa pagtawa ng tumama sa mukha ng mga ito ang unan na binato ko.

Buti nga.

"Mabuti pang makaalis na nga lang. Puro naman kayo walang kwentang kausap e,"sabi ko pa at kaagad na tumayo para sana ay umalis na. Ngunit hindi pa naman ako nakakaalis ay pinagbantaan na ako ni Jisoo.

"Subukan mong umalis. Sasabihin ko sa kuya mo ang mga pinaggagawa mo sa jowa niya."

Padabog na bumalik na lang ako sa upuan ko. At kaagad na tiningnan ito ng masama.

"Bakit ka ba ganyan ha? Ipapahamak mo ba talaga ako? Akala ko ba magkakaibigan tayo?"pagdadrama ko pa. Inirapan lang naman ako nito.

"Huwag mo akong dramahan diyan dude. Dahil hindi naman uubra iyan sa akin." Sabi ko nga. Kaagad akong umayos nang upo habang masama parin ang tingin na pinupukol ko dito. "At don't worry, tinatakot lang naman kita. Wala naman akong balak magsumbong sa kuya mo dahil unang-una sa lahat, hindi naman kami close ng kuya mo."

Ay potek! Oo nga pala. Bakit ko ba nakalimutan iyon.

"Pero dude kasi, bakit ba kasi ayaw mo na lang aminin na type mo talaga ang gf ng kuya mo---"

Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin ni Jisoo at mabilis na akong tumayo at walang pasabing iniwan ang dalawang magjowang iyon na siraulo.

Rinig ko pa ang tawanan ng dalawa sa labas. Pero di ko na lang pinansin. Bahala sila. Mga baliw na iyon. Buwesit!

                               •••••••

Heto na po. Hope you like it😘

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon