Chapter 4

424 14 0
                                        

             HATE YOU TO LOVE YOU
                   written by: Ms. J

CHAPTER 4

JENNIE'S P.O.V


Dire-diretso lang ako at hindi pinansin ang mga empleyado kong bumabati sa akin.

"Good morning---"

"Walang maganda sa araw ko Irene!"inis na sambit ko bago padabog na pumasok sa opisina ko.

Pagkapasok ay kaagad kong hinagis na lang na basta ang aking bag.

"Kainis!"sigaw ko pa.

Buwesit na babae talaga iyon. Nakakainis siya. Ang sarap niyang patayin. How dare her!

"Mukhang hindi maganda ang gising mo ah. Ano bang nangyari at sobrang init ng ulo mo? Nag-away ba kayo ni Kai?"tanong naman ni Irene na sumunod pala sa akin. Napairap lang naman ako sa kanya.

Bukod kasi sa pagiging secretary ko ay kaibigan ko din siya. Ewan ko nga ba sa babaeng iyan kung anong naisipan at nag-apply sa akin bilang secretary ko. Eh mayaman naman siya. May sarili kaya silang kumpanya. Kaya hindi ko talaga maisip kung akong pumasok sa utak niya. Ilang beses ko na kasi siyang tinanong kung anong dahilan niya subalit hindi naman niya ako sinasagot. Kaya naman hinayaan ko na lang.

"Hindi talaga maganda ang araw ko. Pero lilinawin ko lang ha. Hindi kami nag-away ng boyfriend ko. Maayos kaming dalawa."

"Eh bakit sobrang init ng ulo mo?"ulit na tanong pa nito sa akin.

Halos umusok naman ang ilong ko dahil sa inis ng maalala ko na naman ang ginawa ng babaeng manyakis na iyon sa akin.

"At teka! Ano iyang nasa leeg mo? Hickey ba iyan? Wait! Don't tell me may nangyari na sa inyo---" At bago pa man niya maituloy ang sana ay sasabihin niya ay kaagad na akong nagsalita.

"Walang nangyari sa amin ni Kai kung iyan ang gusto mong sabihin. Kilala mo ako. Kahit mahal ko si Kai. Hindi ako basta-basta papayag na may mangyari sa amin."

Don't get me wrong ha. Hindi naman sa hindi sapat ang pagmamahal ko kay Kai. Sadyang hindi pa lang talaga ako handa. Wala man sa itsura ko, pero conservative akong tao. Kaya nga inis na inis ako sa ginawa sa akin ng buwesit na babaeng manyak na iyon.

"E kung ganun...bakit may hickey ka? At huwag mong itatanggi na hindi hickey iyan, dahil sure ako kung ano iyan." Nakataas ang kilay na tanong pa nito sa akin. Kaagad naman akong napaiwas ng tingin kay Irene.

Sasabihin ko ba sa kanya na ang kapatid ni Kai ang may gawa nito? Pero baka ano pang isipin niya.

Kasalanan talaga ito ng buwesit na babaeng manyak na iyon e. Patay talaga siya sa akin kapag nagkita kami. Lintek lang talaga ang walang ganti.

"Wala ka naman sigurong kabet di ba?"

Halos nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nito.

What the hell?!

"Wala! Kilala mo ako Irene. Wala akong kabet." Hindi ko mapigilang mapataas ang boses ko. Paano ba naman kasi? Pag-isipan ba naman niya akong may kabet.

"Kailangan talagang sumigaw?"pang-aasar pa nito sa akin na ikinairap ko naman.

"Hindi ako sumisigaw. Sadyang OA ka lang talaga,"sagot ko naman. Ngunit tumawa lamang naman ito kaya naman dahil sa inis ko ay binato ko siya ng ballpen na nasa ibabaw ng table ko. Kaagad naman nitong nasalo ang ballpen na binato ko.

"O come on, Jennie. Inaasar lang naman kita. Alam ko naman na wala ka talagang kabet. Pero siyempre, palaisipan parin sa akin kung bakit may hickey ka. Sino kaya ang naglagay niyan sa iyo---"

"Ako."

Napalaki naman ang mata ko dahil sa biglang pagsulpot ni Lisa sa opisina ko.

What the heck?! Anong ginagawa  ng buwesit na babaeng manyak na iyan dito?

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"galit na sigaw ko dito habang pinupukol siya ng masamang tingin. Ngunit ang buwesit na babae ay ngumis lamang. Mas lalo naman akong nainis.

"Binibisita ka. Di ba nga sabi ni kuya ay kailangan na magkalapit tayong dalawa. Kaya nandito ako upang dalawin ka. Namiss kasi kita kaagad e."

Mas lalo naman umusok ang ilong ko sa inis. Inaasar talaga ako ng babaeng ito. Kung wala lang talaga dito si Irene. Baka kanina ko pa siyang sinugod at sinaktan. Buwesit siya!

"Wait! Sandali lang ha. Pwedeng makisingit? Medyo nalilito kasi ako eh,"pagsingit naman ni Irene. "Sinong ka?"tanong pa nito kay Lisa. Ako na sana ang sasagot subalit naunang magsalita si Lisa at talagang lumapit pa ito kay Irene.

"I'm Lisa, kapatid ng boyfriend ni Jennie,"pagpapakilala nito. Hindi ko naman napigilan mapataas ang kilay ko sa paraan ng pagpapakilala nito.

Napakalandi talaga ng babaeng ito. Kailangan talagang kumindat pa?

"Irene. The secretary/Bestfriend of Jennie."pagpapakilala naman ni Irene dito. Nagmistulan tuloy akong invisible dito.

"Kung gusto ninyong mag-usap na dalawa. Mabuti pang lumabas na kayo sa opisina ko. Doon niyo na lang ituloy iyang pag-uusap ninyo. Dahil madami pa akong kailangan na tapusin"pagtataboy ko sa mga ito.

Doon lang naman nila ako napansin. At hindi ko nagugustuhan ang nakikita kong ngisi sa labi ni Lisa. Sure akong may hindi na namang magandang bagay siyang naisip.

"Grabe ka naman, honey. Hindi ko akalain na napakaselosa mo pala. Pati kaibigan mo pinagseselosan mo. Don't worry, honey. Sa iyo lang naman ako eh." Para naman gusto kong masuka sa ginawang pangkindat nito sa akin.

And wait! Anong sinabi niya? Ako nagseselos? Ang kapal niya.

"Hoy---" bago ko pa naman maituloy ang sanang sasabihin ko ay mabilis na itong nakalapit sa akin at hindi ko napaghandaan ang kanyang sunod na ginawa.

Yinakap lang naman niya ako sa harapan ng bestfriend ko. Like the?!

"Huwag ka ng magselos, honey. Hindi naman kita ipagpapalit e,"dagdag pa nito habang mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. Kaagad naman akong napatingin kay Irene na halatang naguguluhan sa mga nangyayari.

"Ikaw na babae ka. Bitawan mo nga ako,"pabulong na utos ko dito habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap nito. Ngunit sadyang malakas siya kaysa sa akin. Idagdag mo pang mas malaki siya sa akin.

"Wait! K-Kayo?"turo pa ni Irene sa aming dalawa ni Lisa habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.

"Mali ang iniisip mo Irene. Kung ano man ang iniisip mo ngayon. Ako na ang nagsasabi sa iyo. Mali iyon. Wala---"Ganun naman ang panlalaki ng mata ko ng bigla niya akong hinalikan.

"Don't deny it honey. Sure naman akong mapagkakatiwalaan natin ang friend mo e. Di ba Irene?"

"H-Ha? O-Oo. Mapagkakatiwalaan niyo ako."

Gusto ko namang magwala sa mga oras na ito. Subalit parang nawalan yata ng lakas ang katawan ko dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin.

DAMN YOU, LISA!

                           ••••••••••

Nice one Lisa!
Naisahan mo na naman si Jennie😂

Hope you like guys😚

Hate you to Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon