Pakanta-kanta pa si Lara habang dinidiligan ang mga halamang namumulaklak sa hardin. Kahit pa hindi siya gaanong nakatulog magdamag sa kakaisip ng sitwasyon niya at sa ginagawa niyang pagpapanggap, maliksi pa rin ang kanyang pagkilos.
Bata pa lang si Lara ay hilig na talaga niya ang mga bulaklak. Namiss niya ang ganitong gawain. Simula kasi ng magtrabaho na siya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na gawin ang ganito.
"Naku, ma'am Tara! Hindi kayo ang dapat gumagawa niyan," bulalas ni Aling Airene nang abutan siya sa hardin at makita ang ginagawa niya. "Ako na ang magdidilig niyan. Mainit na ang sikat ng araw. Baka masira lang ang kutis mo, Ma'am Tara."
Nakangiting sinulyapan lamang ni Lara ang katiwala. Ibinalik din agad niya ang pansin sa dinidiligan.
"Huwag po kayong mag-aalala Aling Airene. Hilig ko talaga ang ganito. At saka sanay ako, kaya ko na ito."
Napansin niya ang pananahimik ni Aling Airene kaya nilingon niya ito. Tulala itong nakatitig sa kanya. Lihim siyang nagmura sa sarili. "Oh, no! Ano na naman itong ikinilos ko, baka makahalata na sila!"
"Aling Airene ang ibig ko pong sabihin, hayaan niyo na po ako na maranasan ang gumawa nito. Masasanay din ako. Nakakainip naman kasi sa loob ng bahay kung doon lang ako magmumokmok," biglang bawi niya at sinabayan ng ngiti."Eh, bakit hindi niyo gawin ang dati mong ginagawa kapag pumupunta kayo ni Sir Bryan dito, Ma'am Tara? Para naman di ka maiinip," tanong nito sa kanya na puno pa rin ng pagtataka ang mukha.
"Madalas ka nasa labas. Dati halos madaling-araw ka na nga umuuwi eh. Marami ka namang kakilala at kaibigan dito sa Davao di ba? Kaya nagtataka ako kung bakit ilang araw ka na dito hindi ka pa lumalabas. Pero tingin ko nga ma'am mas okay iyong ganito ka, kasi di na kayo nagtatalo ni Sir. Dati halos araw-araw kayo nag-aaway eh. Tsaka mas di ka nakakatakot kung lagi ka nakangiti. Dati kasi lagi kang galit sa amin."
Hindi siya nakakibo. Hindi niya akalaing ganoon pala ang kakambal niya.
"I'm sorry Aling Airene. Wala lang ako sa mood noon eh. Tsaka di ako lumalabas kasi di ko naman pwedeng pabayaan si Bryan ngayon dahil sa kalagayan niya. "ang nasambit na lang niya.
"Pasensya na po ma'am Tara. Nagtataka lang kasi ako. Ang laki kasi ng ipinagbago niyo", pahayag pa ng matandang babae.
"Ganoon ba? Okay lang ho," alanganin ang pagngiti niya.
"Si Bryan gising na ba", pag-iiba niya ng usapan.
"Kagigising lang ma'am. Nagpaalalay siya kanina kay Jeremy sa banyo para maligo."
Bahagya siyang tumango. "Aling Airene, ihanda na po ninyo ang almusal natin. Sumabay na rin kayo ni Mang Jeremy sa amin ni Bryan. Mas nakakagana at masayang kumain kung marami ang kasabay. Ako na tatawag kay Bryan sa silid namin."
"Sige po ma'am." Agad na tumalikod na ito papasok ng bahay.
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Lara nang muling mapag-isa sa malawak na hardin ng rest house.
Marami nang napapansin si Aling Airene sa kanya. Ganoon din kaya si Bryan? Nagdududa na ba sa kanya ang mga ito na isa siyang impostor at hindi siya ang tunay na Tara Manases Del Rico?
Lingid sa kaalaman ni Lara, mula sa taas ng bahay sa terasa ay palihim itong pinagmamasdan ni Bryan. Bawat kilos nito ay pinag-aaralan niya ng mabuti.
Napabuntong-hininga si Bryan. Hindi lang ang mga tao sa rest house kundi maging siya ay naninibago sa ikinikilos ni Tara. Pagkatapos ng aksidente pakiramdam niya ay ibang tao na ang kanyang asawa. Mabait ito at magiliw na sa mga tauhan niya sa rest house. Ibang-iba ang Tara noon sa Tara ngayon.
Hindi kaya naapektuhan ang utak nito dahil sa aksidente? Pero Imposible!
Marahil isa lang ito sa mga patibong ni Tara sa kanya. Pero hindi niya hahayaang mahulog siya dito.
Pero bakit mayroon siyang kakaibang nararamdaman tuwing kaharap niya ito. Pakiramdam niya unti-unting nalulusaw ang galit niya dito. Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon. Simula ng makita niya ito sa hospital matapos ang aksidente pakiramdam niya may kakaibang nabago sa kanyang sarili.
Sa mga ikinikilos ni Tara ngayon gusto niyang isipin na isa itong Impostor. Pero imposible.
Napailing siya. Kung ano man ang atraksiyong nararamdaman niya ngayon para kay Tara ay hindi maaari. Kailangan niyang supilin ito hangga't maaga pa. Si Tara ang dahilan kung bakit siya nakakulong sa wheel chair ngayon.
Kaya maghihiganti siya. Pagbabayaran nito ang lahat ng sakit na ipinaranas nito sa kanya.
***votes and comments are highly appreciated***
BINABASA MO ANG
"Impostor"
RomanceTara and Lara are identical twin. Bryan is Tara's husband. Nais ni Tara na magpanggap si Lara bilang siya at maging asawa ni Bryan upang malaya siyang makaalis ng bansa. Nang masilayan ni Lara ang guapong mukha ni Bryan sa ospital ay tinanggap niya...