"CHAPTER 6"

9.3K 207 8
                                    

     Pakiramdam ni Lara ay hinang-hina siya pagkatapos ng isang operasyong isinagawa niya kanina sa isang babaeng nahirapan manganak ng normal.

     Pabagsak siyang naupo sa sofa na nasa loob ng opisina niya. Dito siya madalas umupo kapag napapagod siya. Nagagawa kasi niyang ihimlay ang kanyang ulo sa sandalan ng sofa.

     Sandali niyang ipinikit ang mga mata. Pero agad din siyang napamulat ng maalala ang kakambal na si Tara.

     Tatlong araw na ang nakalipas mula nang magkausap silang magkapatid. But until now, wala pa rin siyang nabubuong decision.

     Hindi niya alam kung dapat ba niyang pagbigyang muli ang hinihiling nito. Napakahirap naman kasi gawin ang bagay na iyon.

     Magpapanggap siya bilang si Tara sa asawa nito. Mapaniwala naman kaya niya si Bryan Del Rico? Wala pa nga siyang ideya kung ano ang hitsura ng asawa ng kakambal niya. Nang ikasal kasi si Tara ay nasa ibang bansa pa siya noon at nag-aaral. Isa pa alam ni Bryan at nang pamilya nito na may kakambal si Tara.

      Eksaktong pagtayo niya mula sa sofa ay nagring ang kanyang cellphone. Si Tara ang tumatawag. Kunot-noong sinagot niya ito.

     "Hello?" aniya sa kapatid.

     "Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Lara. Nakapagdesisyon ka na ba?"

     "Hindi pa ako-"

     "I need to know your answer next day." pinutol ni Tara ang pagsasalita niya. " Masyadong matagal ang one week at naiinip na ako. Gusto ko na umalis ng bansa para mag vacation!" dagdag nito sa kabilang linya.

     "What? magvacation?" gulat na tanong niya.

     "Yup... umaasa ako na di mo ako bibiguin, Lara."

     "P-pero..."

     "I will call you again sa susunod na araw. May importante pa akong pupuntahan ngayon. Bye.."

     Bago pa siya makasagot ay pinutol na ni Tara ang tawag. Tulalang ibinaba nya ang kanyang cellphone.

     Lito ang isip na napaupo siya sa kanyang silya. Pakiramdam niya lalo siyang nanghina.

     Hindi maipinta ang mukha ni Tara habang nakaupo sa fronset ng kotse ng asawa. Patungo sila sa bahay ng mga magulang ni Bryan. Nais daw ni Mrs. Dalyn Del Rico na makasama silang mag-asawa sa tanghalian.

     "Dapat ay nagdahilan ka kay mama Dalyn na we can't make it!" salubong ang kilay na wika ni Tara.

     "Bakit?" matigas na tanong ni Bryan na hindi manlang nag-abalang lingunin siya.

     "Napapagod na ako magpanggap. Bakit di nalang natin sabihin ang totoo!"

     Biglang inapakan ni Bryan ang preno ng sasakyan. Muntik pa siya mapasubsob sa dashboard sa lakas ng pagkapreno ng kotse.

     "Ano ba?! Gusto mo na ba magpakamatay?" asik niya sa asawa.

     "Huwag mo ako galitin, Tara!" mariing wika ni Bryan. "Huwag mo ipilit sa akin ang bagay na di ko pwedeng pagbigyan! How many times do I have to tell you that!? At nang di ka paulit-ulit sa kakasabi niyan?!!" dagdag pa nito.

     "How dare you Bryan!!" muling paasik niyang sagot sa asawa at umayos sa pagkakaupo.

     Muling pinatakbo ni Bryan ang kotse.

     "If you really want to punish me at ayaw mo pumayag na maghiwalay tayo, puwes! mas nanaisin ko nang mamatay ngayon na kasama ka! para patas tayo!"

     Bago pa nakahuma si Bryan ay nakipag-agawan na si Tara sa manibela.

     "Tara! what are you doing! Stop it! mababangga tayo!" sigaw ni Bryan na nakikipag-agawan din sa manibela.

     "Kidlat lang ang walang ganti, Bryan!" galit din na sigaw ni Tara na nawawala na sa sarili sa subrang galit.

     "Tara! stop it!" pinilit ni Bryan na ilayo ang asawa sa manibela pero mahigpit ang pagkakahawak nito.

     Nag-agawan sila sa manibela. Nagpa- ekis ekis na ang takbo ng kotse nila.

     "We will die together, Bryan!" humahalakhak na sabi ni Tara.

     Nanlaki ang mga mata ni Bryan ng makita sa kanilang unahan ang malaking truck na kanilang makakasalubong.

     "Tara! mababangga tayo, tama na!" sigaw ng lalaki.

     "Wala akong pakialam!" sigaw ni Tara na sa halip matakot ay lalo pang pinag-igi ang pakikipagbuno kay Bryan sa manibela.

     Tarantang gumawa ng paraan si Bryan para makaiwas sa truck. Ngunit nabigla din ata ang driver ng truck sa bilis ng mga pangyayari.

     At dahil maiksi lamang ang oras para gumawa ng paraan na makaiwas sa isa't-isa, nagsalpukan ang dalawang sasakyan.

     Umalingawngaw ang malakas na tili ni Tara. Ang sagitsit ng gulong. At malakas na kalabog na sanhi ng pagkakabunggo ng kotse sa unahan ng truck. At ang walang katumbas na kirot ng dalawang paa ang huling naramdaman ni Bryan bago tuluyang tinakasan ng ulirat.

***votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon