Three weeks nang magkasama sina Bryan at Lara sa resthouse. At sa bawat paglipas ng mga araw ay narealized nalang ni Lara na unti-unting nahuhulog ang loob niya kay Bryan. It is not just simple. Kasi natuklasan niyang umiibig na siya sa asawa ng kanyang kakambal. Alam niyang hindi tama. Pero paano ba niya magagawang supilin ang kanyang puso. Basta nalang kasi siyang nagising isang araw na mahal na niya ang lalaki.
Mali ang umibig kay Bryan. Hindi siya si Tara, siya si Lara na isang impostor. Wala siyang karapatan na ipaglaban ang pagmamahal na iyon.
Nasa malalim siyang pag-iisip habang nakaupo sa rattan chair ng biglang tumunog ang kanyang cell phone. Bigla siyang kinabahan nang makitang si Tara ang tumatawag.
Nagpalinga-linga muna siya sa paligid para tiyakin na walang ibang tao sa paligid bago sinagot ang tawag.
"Hello..." paanas na sagot niya.
"Kumusta na Lara? Sorry kung ngayon lang ako tumawag. Medyo nabusy ako sa pamamasyal eh," tumatawang tugon ni Tara sa kabilang linya.
"K-kung ang kinukumusta mo ay ang pagiging impostor ko, okay lang Tara, kahit papaano nakaraos ako at hindi pa naman nabuko," pabulong na sagot niya.
"Good! Mabuti at hindi ka nahirapan sa ugali ng asawa ko?" tanong ulit ni Tara.
Sandaling natahimik si Lara Madalas siyang pagsungitan ni Bryan, pero di lang niya dinidibdib. Dala lang marahil iyon sa kalagayan nito kaya madalas mainit ang ulo.
"Hindi naman. M-mabait naman pala ang asawa mo Tara," tugon niya.
Biglang tumawa si Tara sa kabilang linya. Napaangat tuloy ang kilay niya sa reaction ng kakambal niya.
"Lara, tell me honestly. Nainlove ka na ba sa asawa ko?" nanghuhuling tanong ni Tara.
"Oo, Tara mahal ko na siya," gusto niyang isagot sa kakambal pero nagpigil siya.
"I'm just doing a favor for you Tara, kaya huwag mo ako pagdudahan!" naiiritang sagot niya.
"I'm just joking, ito naman hindi na mabiro," tatawa-tawang sagot agad ni Tara. "Pero i'm happy na he is good to you. Para kapag nagbalik na ako diyan sa Pilipinas ay hindi na ako mahihirapang pakisamahan siya."
"Are you coming back, s-soon?" gulat na tanong niya.
"Oh, bakit parang nagulat ka? Babalik ako pero not so soon Lara. I'm still enjoying myself here. Ganitong buhay ang gusto ko. Malaya at walang nakikialam."
Nakahinga ng maluwag si Lara. Ang akala niya babalik na ito at tuluyan na siyang mawalan ng karapatan kay Bryan. Naisip kasi niya na sana makakalakad na ulit ang lalaki bago siya lalayo. Gusto niyang masiguro na okay na ito bago babalik ang kapatid niya. Sa gayon di na siya mag-alala. Magiging masaya na siya na makitang masaya ito sa piling ni Tara. Sisiguraduhin niya na mawala ang lahat ng galit sa puso ng lalaki bago babalik ang tunay na asawa nito. That's the only thing she can do para sa kakambal niya. Gusto niyang magkaroon na ng direksiyon ang buhay nito sa pagbabalik nito sa Pilipinas.
"Pero, you know what? I miss him Lara. Ganoon pala iyon. Kapag hindi mo na nakakasama at nakikita ang isang tao, saka mo lang marerealized na may halaga din pala siya sa buhay mo. That's what I feel. Pag-uwi ko gusto ko nang itama ang lahat ng mali ko Lara. Tama ka, i need to try to fall inlove with him. Para magwork out ang marriage namin. But i think di ko na kailangan itry, kasi narealized ko dito na mahal ko pala siya. I just need time and space para marealized ko."
Tahimik lang na nakikinig si Lara kay Tara. Di niya alam ang isasagot dahil nasasaktan siya. Napakaswerte nito kay Bryan. Pero kailangan niyang magparaya, dahil sa simula pa lang wala siya ni katiting na karapatan na ipaglaban ang kung ano mang laman ng puso niya.
"Mabuti naman at narealized mo iyan." tugon niya.
"Hay, naku, tigilan na nga natin ang drama." natatawang sabi ni Tara sa kabilang linya.
Bahagyang natawa na rin siya.
"Paano, next day naman ako tatawag sa iyo. Baka masabi ko na sa iyo kung kailan ang exact date ng pagbalik ko diyan sa Pilipinas," paalam ng kakambal niya.
"O-okay."
Nang matapos ang pag-uusap nila ni Tara ay parang nawalan siya ng lakas. Nalulungkot siya na bilang na lang ang mga araw na makakasama niya si Bryan. Ito na siguro ang pinakamalungkot na pangyayari sa buhay niya. Ang pagbabalik ni Tara. At ang pagkawala niya sa buhay ng lalaking unang minahal niya. Masakit pero si Tara ang tunay na asawa at siya ay impostor lang. Kung sana siya na lang ang pinagkasundo ng mga magulang nila noon na ipakasal kay Bryan Del Rico. Pero ang nakaraan ay hindi na pwede baguhin. Kaya dapat na pilitin na lang niyang tanggapin ang katotohanan.
***votes and comments are highly appreciated***
BINABASA MO ANG
"Impostor"
RomanceTara and Lara are identical twin. Bryan is Tara's husband. Nais ni Tara na magpanggap si Lara bilang siya at maging asawa ni Bryan upang malaya siyang makaalis ng bansa. Nang masilayan ni Lara ang guapong mukha ni Bryan sa ospital ay tinanggap niya...