"CHAPTER 19"

8.7K 208 1
                                    

     Nang matapos nila ang pagluluto ay agad na naligo si Lara. Inihanda niya ang sarili sa pagdating ng asawa niya kuno. At ilang sandali ay dumating na ang mga hinihintay.

     Sa main door ng bahay ay nakangiting sinalubong niya si Bryan na inaalalayan ng ama nito. Paika-ika pa kung maglakad ang lalaki at naroon pa rin ang benda sa kaliwa nitong paa. Kahit paano ay nakatulong din ang isang saklay na gamit nito.

     Humalik muna siya sa pisngi ng mga magulang ni Bryan bago siya ngumiti kay Bryan na titig na titig sa kanya.

     “Kumusta na ang pakiramdam ng mahal kong asawa?” nakangiting tanong ni Bryan sa kanya. At sa pagkagulat ay mabilis siya nitong kinabig palapit sabay halik  nang mabilis sa kanyang mga labi.

     She blush nang makita niyang nakatingin sa kanila ang mga magulang nito. Hindi kasi niya inaasahan na ganoon ang gawin ni Bryan.

     “O-okay na pakiramdam ko”. Pinilit niyang maging kaswal ang tinig. Batid niya na isa na naman itong palabas kaya kailangan niyang sumakay.

     “Oi, nagblushed si Ate Tara”

     Biglang napadako ang tingin niya sa nagsalita. Ngayon lang niya napansin ang magandang babaing nasa tabi ng ina ni Bryan na nakangiti nang maluwang sa kanya. Tantiya niya ay nasa biente-sais ang gulang nito. Maganda at mistisahin ito. Masayahin ang tabas ng mukha nito at palangiti. Wala ito gaanong make up sa mukha at simple lang din ang pananamit ngunit litaw na litaw pa rin ang ganda nito.

     “Mae, huwag ka nang manukso at baka lalong magkulay makopa ang mukha ng ate Tara mo”, saway ni Mrs. Dalyn Del Rico.

     “Sorry, Ma. Ngayon ko lang kasi nakitang nagblushed si Ate Tara eh.”

     Noon lang naisip ni Lara na baka kapatid ito ni Bryan ito dahil tinawag nitong mama ang ina ng lalaki.

     “Ang mabuti pa, let’s go inside. Nakahanda na ang mesa, at ako ang nagluto,” may pagmamalaking pahayag niya sa mga ito. Nakalimutan na naman niya na hindi siya si Lara.

     Hindi na niya hinintay pa na makapagsalita ang mga ito. Nagpatiuna na siya sa pagpasok.

     Nagtatakang nagkatinginan ang apat na naiwan. Lalo na si Bryan na nagdikit ang mga kilay.

    

     “Wow! Ang sarap!” nakangiting bulalas ni Mae matapos isubo ang kare kare. “Ate Tara, ikaw ba talaga ang nagluto nito? Hindi ko alam na marunong ka pa lang magluto.”

     Napalunok si Lara. Isa-isa siyang napatingin sa mga kasama na halata ang pagtataka. Nakatingin ang mga ito sa kanya lalo na si Bryan na titig na titig sa kanya.

     “Masarap ang luto mo, iha,”sabad ng ama ni Bryan na si Mr. Alex Del Rico. “Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na kare kare at chopseuy”.

     “Me too, Tara,” pagsang-ayon ng asawa nito. “Nagulat talaga ako na marunong ka pala magluto, iha.”

     “K-kuwan matagal na po akong marunong magluto...”tarantang sagot niya na muling sinulyapan si Bryan.

     “Matagal na?” hindi makapaniwalang tanong ni Mae sa kanya.

     “W-what i mean, medyo marunong akong magluto. Hindi ko lang ginagamit ang kaalamang iyon dahil takot po ako m-mapahiya.”

     “Bakit mapahiya? Ang sarap mo nga magluto eh.” sagot ni Mae.

     “S-salamat” nahihiyang tugon niya.

     “Sana ang mga kasambahay nalang natin ang hinayaan mong magluto. Sabi mo kina papa at mama masama ang pakiramdam mo kaya di ka sumama sa hospital para sunduin ako. Sana nagpahinga ka na lang.”sabad ni Bryan na seryosong-seryoso ang mukha.

“Naku, sir sorry po. Mapilit mo si maam Tara eh, kaya hinayaan na lang namin na siya ang magluto.” biglang sabad ni Aling Adelfa na naglagay ng dagdag na kanin sa mesa nila.

     Samantala  natuwa si Lara ng makita ang pag-aalala sa mukha ng lalaki. Hindi niya alam kung kunwari pa rin ang nakita niya sa mga mata nito ng sabihin iyon. Ang alam lang niya, medyo natuwa siya kahit papaano.

     Sa halip na magpaliwanag ay minabuti na lang niyang manahimik at ipinagpatuloy ang pagkain.

***votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon