"CHAPTER 3"

10.4K 247 5
                                    

     "What? "pasigaw na bulalas ni Lara na napatayo mula sa pagkakaupo sa loob ng kanyang opisina. Hindi siya makapaniwala pero alam niyang tama at totoo ang narinig niya.

     Nagpalakad-lakad si Tara sa harap ng kakambal. Habang ang mga mata nito ay matiim na nakatitig sa mukha ni Lara na bakas parin ang kabiglaan.

     "I need your help Lara. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin kaya sa iyo ako lumapit." malumanay na sabi ni Tara kay Lara na huminto na sa paglakad-lakad.

     "My gosh! Tara! Do you know kung ano ang hinihingi mong tulong Tara? Do you want me to pretend as you, in front of your husband? Are you crazy?" naguguluhang sabi ni Lara sa kakambal.

     "Hindi naman magdududa si Bryan na ibang tao ka at hindi ikaw ang asawa niya. Nakalimutan mo na ba na identical twin tayong dalawa? At magkakamukha mula ulo hanggang paa? Kaya i'm sure di ka mahihirapan magpanggap bilang ako, Lara."

     Napabuntong-hininga si Lara nang muling umupo. "No! Ayoko, Tara. Hindi ko kayang manloko ng tao. At isa pa, nasisiraan ka na ba?  Magpapanggap ako na ikaw? Meaning magsasama kami sa iisang kwarto at matutulog na magkasama?  Tara, paano kung... kung...ahh... you know what I mean."

     Lumapit si Tara sa mesa niya at dumukwang.

     "Hindi ka pwedeng tumanggi sa akin Lara. Napakaliit lang na bagay lang itong hinihiling ko. Magpapanggap ka lang bilang ako. And you don’t need to worry about that, di ka niya pakikialaman. Nakalimutan mo bang pinagkasundo lang kami. Sa papel lang kami mag-asawa. Kaya hindi ka dapat matakot at mag-isip ng kung ano."

     "Bakit ba kailangan mo pang lokohin ang asawa mo, Tara? What do you want in your life? Sana noon pa kung ayaw mo magpakasal ay tumutol ka na." naguguluhang saad ni Lara sa kakambal.

     "Parang di mo kilala si Daddy, Lara." Umalis sa pagkakadukwang sa mesa niya at muling nagpalakad-lakad sa harap niya. "Kung ikaw nga walang nagawa sa kursong ipinakuha sa iyo ni Mommy, ako pa kaya kay Daddy?" dagdag na wika ni Tara.

     Natahimik si Lara. Tama nga ang kakambal niya. Napilitan lang siyang kunin ang kursong Medisina dahil sa gusto ng Mommy nila. Nang makapagtapos siya ng high school ay ipinadaa siya ng ina sa States para doon kumuha ng kursong medisina.

     Wala siyang nagawa kundi ang sumunod kahit iba ang kursong pinangarap niya. Ten years siya sa States at ngayon ay nagbalik siya sa Pilipinas na isa nang doktora. Mayroon siyang sariling hospital na sinadyang ipinatayo ng Mommy nila para sa kanya.

     "Ano na, Lara? Pumapayag ka na ba?" pukaw ni Tara sa pag-iisip niya.

     Napatitig si Lara sa kapatid. Identical nga sila. Wala nga namang mag-iisip o maghihinala kung sakaling pumayag siya.

     "Lara!" tawag pansin ni Tara sa kanya kasabay ng pagwasiwas ng kamay sa harap ng mukha niya.

     Para naman siyang naalimpungatan sa pagkakatulog nang muling marinig ang boses ni Tara.

     "No, I can't do that Tara" mahina pero matatag niyang tanggi.

     Kinuha niyang muli ang folder na binabasa kanina bago pa man dumating si Tara sa opisina niya. Nagkunwari siyang nagbabasa.

     " I'll give you one week to think about it, Lara." wika nito na hindi na umalis sa pagkatayo sa harap niya.

     Biglang napaangat ng tingin si Lara . Nanlalaki ang mga matang napatitig sa seryosong mukha ng kapatid.

     "Alam mo ba kung ano ang gusto mo ipagawa sa akin Tara? Hindi isang bata ang gusto mong linlangin ko kundi asawa mo. Tara, anong kalokohan ang pumasok sa isip mo para gamitin ako sa panlilinlang sa kanya?".

    "Hindi mo ako naiintindihan Lara."

     Ibinaba niya ang hawak na folder sa mesa at tinitigan ang kakambal.

   "I really can't understand you, Tara". umiiling-iling na sabi ni Lara.

     Sa halip na umimik ay bumuntong hininga lamang si Tara.

     "Bakit hindi mo siya kausapin ng maayos? Tell him you want to be free." pagpapatuloy ni Lara.

     "Hindi siya papayag."

     "At bakit hindi? Di mo siya mahal at di ka niya mahal hindi ba? Kung hindi siya papayag isa lang ang ibig sabihin. He already learn to love you Tara. And what you need to do now, is try to learn to fall inlove with him too."

     Napakunot-noo si Tara. "What?" saka napabunghalit ng tawa.

     Nagtaka si Lara. "What's funny? Walang nakakatawa sa sinabi ko Tara." Bahagya na siyang naiinis sa kapatid.

     "What's funny? What else, e di ang sinabi mo na I need to learn to fall inlove with him. That's really impossible Lara. I can't force myself to fall inlove with someone whom I don't love." nakatawa pa ring wika ni Tara.

     Napailing si Lara. "Kung ganoon, don't expect me to help you, Tara," mariing wika niya.

    "I know, di mo ako kayang tiisin Lara.  I already prove that, so many times." paniniyak nito.

     Natahimik bigla si Lara. Unti-unting bumalik ang daloy ng nakaraan sa kanyang isipan. Na para bang malinaw na agos ng tubig.

***votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon