"CHAPTER 18"

8.7K 219 1
                                    

     Umiiyak pa rin si Lara pagdating niya sa bahay nila ni Bryan. Mali! Bahay pala ni Bryan at Tara. Impostor lang siya ng kanyang kakambal at nakikibahagi ng pagmamahal na gusto niya sanang maramdaman sa asawa ng kapatid niya na unang lalaking minahal niya ng di sinasadya dahil sa pagpapanggap niya.

     Buhat sa hospital ay dumiritso siya ng uwi sa bahay na naging tahanan na niya sa maikling panahon, simula ng bumalik sila ng Maynila galing Davao. Agad siyang nagkulong sa silid niya. Doon niya hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak.

      Masyado siyang nasasaktan sa mga sinabi ni Bryan. Ang masakit ay ang sinabi nitong hindi siya nito mapapatawad . At ang nangyari sa kanila sa resthouse sa davao ay natukso lang ito.

     Nasasaktan siya kahit pilit niyang isinasaksak sa utak niya na lahat ng mga salitang iyon ay hindi para sa kanya kundi para kay Tara. Paanong di siya masasaktan? Hindi man siya si Tara pero siya ang nagpanggap at siya ang pinagsasabihan.

     Ang minsang nangyari sa kanila ni Bryan ay hindi niya itinuturing na isang laro. Pagmamahal ang dahilan kung bakit niya ibinigay ang sarili dito ng buong puso, kahit alam niyang mali at hindi dapat iyon nangyari. Kung sakali mang magbunga ang minsang iyon, alam niyang wala siyang karapatang maghabol. Sa pagbabalik ni Tara alam niyang wala na siyang karapatan na lapitan ang lalaki.  Pag-aari ito ng kapatid niya.

     Lalong napaluha si Lara. Ang isiping nalalapit na ang pagkawala ni Bryan sa kanyang buhay. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Sa simula pa lang alam niya na ganoon ang mangyayari. Si Tara ang tunay na may karapatan dahil kasal ito kay Bryan. Siya? Wala, pinakiusapan lang siya na magpanggap. Sa madaling salita isa lang siyang impostor.

Maliban doon, nalulungkot siya na wala man lang siyang nagawa para sa kapatid. Ang plano nang maiayos ang relasyon ni Bryan at Tara ay hindi niya naisakatuparan.

     Pagkalipas lamang ng limang araw na pananatili sa hospital ay lalabas na si Bryan. Nang araw na susunduin sa hospital ang lalaki ay hindi sumama si Lara.

     Nagdahilan siya na masama ang pakiramdam. Nakumbinsi naman niya ang mga magulang ni Bryan. Binilinan siya ng mga ito na magpahinga. Ngunit dahil nakadama siya ng pagkainip ay minabuti niyang tumulong sa mga kasambahay sa pagluluto para sa tanghalian nila pagdating ni Bryan.

     Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagtataka sa mga mukha ng mga tao sa bahay, pero di na niya ito pinansin.

     “Ma’am, s-sigurado ho ba kayo? Kaya naman namin eh.”kunot-noong tanong ng kusinera ni Bryan sa kanya.

      “Bakit?” nakangiting tanong niya. “Huwag ka mag-alala dahil marunong ako magluto,”dagdag pa niya at hinugasan ang mga karne na gagawin nilang kare-kare.

     Hindi na napansin ni Lara ang pagbubulungan ng mga kasama niya. Labis kasi nagulat ang mga ito. Mula pa kasing magsama sina Bryan at Tara sa bahay na iyon, ni minsan hindi nakita ng mga itong nagluluto si Tara. Alam ng mga itong walang alam sa kusina si Tara. At ang higit na ikinagulat ng mga ito ay  biglang naging mabait at laging nakangiti ang among babae sa kanila.

     “Aling Adelfa,  bilisan na natin, magtutulungan tayo para mapadali. Mayamaya darating na sila”, nakangiting nilingon niya ang mga kasama at naabutan niyang nagbubulungan ang mga ito pero hinayaan na lang niya.

  

***votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon