"CHAPTER 22"

9.2K 223 3
                                    

Halos paliparin ni Lara ang kotse para makarating agad sa hospital kung saan isinugod ang kanyang kakambal. Sumama si Bryan sa kanya.

Panay ang saway ni Bryan sa kanya na pabagalin ang takbo ng sasakyan baka maaksidente sila ulit.

Ilang oras lang siyang nakauwi matapos silang magkausap ni Tara ng makatanggap siya ng tawag mula sa mga magulang niya. Isinugod daw sa hospital si Tara dahil sa sobrang pananakit ng ulo.  Si Bryan na kararating lang din ng mga oras na iyon buhat sa opisina ay sumama matapos malaman ang balita.

"Tara, bagalan mo ang sasakyan. Baka maaksidente na naman tayo", saway nito sa kanya.

Binalewala ni Lara si Bryan. "We need to hurry, Bryan! Kailangan nating makarating agad sa hospital. Kailangan kong malaman ang kalagayan ni Tara!."

"Anong sabi mo? Anong Tara? Si Lara ang nasa hos-"

"Stop asking me! Doon na ako magpapaliwanag!" utos niya sa lalaki na sumunod naman kahit alam niyang marami itong gustong itanong.

Napabuntong hininga siya. Sa hospital handa na siyang magtapat kay Bryan. Bahala na kung magalit ito sa kasinungalingan at panlolokong ginawa nila ni Tara. Kailangan nitong malaman ang katotohanan alang-alang sa kakambal niya. Hindi na nila pwedeng itago ito ngayong nabuko na ang sakit ni Tara. Hindi na nila matutupad ang planong mananatiling sekrito nila ang pagpapalit ng katauhan. Pero ang pagbubuntis niya ay itatago pa rin niya.

Pagdating sa hospital ay dumiritso sila sa silid kung nasaan si Tara. Sa pasilyo ng hospital ay nakasalubong niya si Ghie pero hindi na muna niya ito kinausap. Saka na niya ipapaliwanag dito ang lahat. Si Bryan naman ay tahimik at malalim ang iniisip na nakasunod lang din sa kanya.

"Lara", bulalas ng mama niya.

Nagulat si Lara na nakilala siya ng kanyang ina.

"Alam ko na, Lara. Umamin na ang kapatid mo. Ang alam ko na rin ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Tara," napaiyak na ito.

Hindi agad nakapagsalita si Lara. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kanyang ama at ina. Mayamaya ay bumaling siya kay Bryan na nakatulalang nakatitig sa kanila.

"Bryan, I'm sorry. Alam kong magagalit ka. But you need to know the truth." Lumapit siya sa kinatatayuan ng lalaki pagkatapos ay lumingon sa hinihigaan ng kakambal niya. Puno ito ng mga tubo at kung ano ano pa. Sobrang nakakaawa ang kalagayan nito.

Ibinalik niya ang tingin kay Bryan na nakatingin din pala kay Tara.

"Ang babaeng nakikita mo sa kamang iyan ay ang totoong a-asawa m-mo. Si T-tara.." panimula niya.

"A-nong sabi mo?" bahagyang dumilim ang mukha ng lalaki.

"Hindi ako si Tara. Ako si Lara ang kakambal ng asawa mo. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag sa iyo ang lahat. Kung bakit dumating sa puntong ganito. Pero para maintindihan mo. Isa-isahin kong ikuwento sa iyo simula sa umpisa."

"Paanong..."

Nagsimulang magkwento si Lara. Mula sa umpisa hanggang sa pagkikita nila Tara ilang oras lang ang nakaraan.

Pagkatapos magkwento ni Lara hindi alam ni Bryan kung ano ang mararamdaman. Niloko siya ng magkapatid. Pinagmukha siyang tanga. Gusto niyang magalit pero hindi niya magawa. Lalo na ngayon na ang totoong asawa niya ay nakaratay sa hospital. Tama nga ang naramdaman niya noon na parang ibang tao ang babaeng kasama niya.

***votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon