"CHAPTER 16"

8.5K 214 1
                                    

"Babalik tayo ng Maynila," mahina pero nasa tinig ni Bryan ang awtoridad.

Nagulat man, hindi kumibo si Lara. Tahimik lang niyang pinagpatuloy ang pagkain. Nadidinner sila ng sabay ng sabihin nito sa kanya ang plano nitong pagbabalik sa Maynila.

"Wala ka bang sasabihin?"

Bahagyang sinulyapan niya ang lalaki at agad ding ibinalik ang tingin sa pagkain.

"Kahit naman sabihin ko na ayaw ko. Wala rin namang silbi. Ikaw pa rin naman ang masusunod. Mabuti na ang huwag akong umimik para hindi na tayo magtatalo," malamig na tugon niya.

Hindi nakapagsalita si Bryan. Nanibago siguro ito sa biglang pagbabago ng mood niya.

"Oo nga pala, napansin ko lang. Simula ng dumating tayo dito sa davao di kita nakitang naninigarilyo. Huminto ka na ba sa bisyo mo?" mayamaya ay tanong nito.

Bigla siyang napatingin kay Bryan. Kunot-noo.

"What? Sigarilyo? Hindi ako naninigarilyo!"

Bumadha ang pagtataka sa mukha ni Bryan. Nabigla din siya nang maalala niya si Tara.

"W-what i mean, di na ako naninigarilyo. Itinigil ko na. Hindi maganda sa babae ang sigarilyo," paliwanag niya .

"Kahit sa lalaki di rin naman maganda ang sigarilyo," sang-ayon nito sa sinabi niya habang tumatango-tango.

Pagdating sa Maynila ay tuloy pa rin ang theraphy sa mga paa ni Bryan. Hanggang sa ischedule ang surgery nito.

" Tara, don’t worry to much. Everything will be fine", alo ng mama ni Bryan sa kanya. Di kasi siya mapakali.

Mayamaya napansin niyang titig na titig ito sa kanya.

"B-bakit po, Ma?" kinakabahang tanong niya.

"Nagtataka lang ako kung bakit walang peklat ang noo mo. Di ba medyo malaki ang sugat mo nang maaksidente kayo ni Bryan?"

"H-ha?" di niya napaghandaan ang tanong nito kaya di agad siya nakasagot. "God, mabubuko na ba ako? bulong niya sa sarili.

Magsasalita pa sana ito sa kanya nang biglang bumukas ang pinto ng operating room at lumabas ang doctor.

Hindi maipaliwanag ni Lara ang sayang nararamdaman niya nang malamang matagumpay ang operasyon sa mga paa ni Bryan. Hindi magtatagal at makakalakad na ulit ito.

Pero bigla siyang nalungkot nang maalala na malapit na ang pagbabalik ng totoong Tara Manases De Rico. At siya kailangan niya nang bumalik sa buhay na mayroon siya bilang si Lara Manases ,bago pa siya naging impostor ng kanyang kakambal.

***votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon