"CHAPTER 4"

9.5K 226 15
                                    

    Mula sa pagkakahiga sa ibabaw ng kama ay napabalikwas ng bangon ang dose anyos na si Lara nang marinig ang malakas na kalabog ng kung anong bagay na nabasag. Ang malakas na ingay ay nagmula sa sala nila.
     Dalidali siyang bumaba sa kama at lumabas ng kanyang silid. Sa itaas pa lang ng hagdan nakita niya na ang kakambal na si Tara.
    Tulalang nakatayo si Tara sa harap ng nabasag na pigurin. Bakas sa mukha ang takot.
     "Tara, what happened?" kabadong tanong ni Lara sa kakambal habang patakbong bumababa sa hagdan. "Ano ba ang gina-" hindi niya na naituloy ang sasabihin ng makita niya ang paboritong pigurin ng mommy nila.
     Hindi ordinaryong pigurin ang nabasag ng kapatid. Batid nilang magkapatid kung paano pinakaiingatan ng mommy nila ang piguring iyon. Mamahalin at galing pa sa ibang bansa. Ayon sa kanilang ina dalaga pa ito ng maibili ang pigurin. Kaya may sentemental value iyon sa ina nila.
     "Lara," takot at nanginginig na tawag pansin ng kapatid niya sa kanya.
     "What happened bakit nalaglag mo iyan?" kinakabahan niyang tanong.
     "I didn't mean it, Lara. Please help me, natatakot ako kay mommy." mangiyak ngiyak na pakiusap nito sa kanya. "Ibababa ko sana para punasan pero dumulas sa kamay ko."
     Hindi siya nakakibo. Tulala din siyang napatingin sa pigurin na nagkakapiraso na.
     "Help me, Lara. Sabihin mo kay mommy na ikaw ang nakabasag, parang awa mo na", pakiusap ni Tara sa kanya.
     Bigla siyang napatingin sa kakambal. Nanlaki ang mga mata niya.
     "What? Ako ang aako sa kasalanan mo? Ayoko, Tara!" tanggi niya.
     "Lara, please.. tatanawin kung utang na loob sa iyo kapag tutulungan mo ako. Simple lang naman ang gagawin mo eh, aminin mo lang naman kay mommy na ikaw ang nakabasag."
     "Simple? Hindi yan simple Tara! Ayaw ko!"
      Bahagyang napapitlag si Lara nang maramdaman niya ang malamig na palad ng kakambal na humawak sa braso niya. Pero natatakot din siya sa mommy nila.
     "Anong ingay iyong narinig ko sa itaas?" boses ng mommy nila ang nagpalingon sa kanilang dalawa. Pababa ang mommy nila. Parehong takot ang rumehistro sa mukha nila.
     "Bakit di kayo makasagot?" kunot-noong tanong ni Luisa Manases ang mommy nila. "Tinatanong ko kayo kung-" bigla itong pinanlakihan ng mata nang mapatingin sa paboritong pigurin nito na nabasag ng kakambal niya.
     "Diyos ko po!! " bulalas nito at biglang bumulatay sa mukha nito ang galit.
     "Anong nangyari dito? Who did this?!!" nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Tara.
     Nanatili silang walang-kibo at parehong takot magsalita.
     "Tinatanong ko kayo! di niyo ba ako naririnig?! Alam niyo ba kung gaano kahalaga ang piguring ito sa akin, ha? Wala pa kayo sa mundo, nasa akin na ito! Iningat-ingatan ko ito tapos babasagin lang ninyo!"
     Naramdaman niya ang bahagyang pagsiko ni Tara sa kanyang tagiliran. Napatingin siya sa kakambal at nakita niya sa mukha nito ang pakikiusap.
     "Narinig niyo ako?!" ulit ng mommy nila.
     "M-mommy..."panimula niya na huminga muna ng malalim bago nagpatuloy. "A-ako po. I-it's all my fault. I d-didn't mean it. I just want to wipe it pero nadulas po sa k-kamay ko. I'm sorry.." mahinang sabi niya at nilingon si Tara na bahagyang ngumiti sa kanya.
     Tumingin siya sa mukha ng ina.
     "Dalawang linggo kang hindi makakalabas ng bahay at hindi ka gagamit ng cellphone at telepono! Naiintindihan mo?!" galit na sabi ng mommy niya sa kanya.
     Marahan siyang tumango bilang pagtanggap sa parusa na dapat para kay Tara.
     "Linisin mo na ang kalat na ito at pagkatapos pumasok ka na sa silid mo!" utos ng mommy nila sa kanya.
     "At ikaw Tara, pumasok ka na rin sa room mo at gawin ang mga homeworks mo!" baling nito kay Tara na nakatingin lang sa kanya habang iniipon niya ang nagkapira-pirasong pigurin.

     Buong akala ni Lara ay iyon ang una at huling hihilingin ni Tara sa kanya. Pero maraming beses pa naulit. Lagi siya ang umaako ng kasalanan ng kakambal.
     Identical twin nga sila. Magkakapareho sila ng hitsura mula ulo hanggang paa. Pero sa ugali sila magkaiba. Taong-bahay siya. Mahilig magluto at gumawa ng mga gawaing bahay. Mahilig din siya mag-alaga ng mga bulaklak sa hardin nila sa likod ng malaking bahay nila. Samantalang si Tara mahilig sa barkada, magshopping at lumabas ng bahay.
     Madali siya pakiusapan, di siya makakatanggi sa kapatid. Lahat ng kalokohan ng kapatid kapag nabubuko siya ang umaako at tumatanggap ng parusa. Ganoon niya kamahal ang kapatid kaya lagi siyang handa akuin ang anumang parusa maprotektahan lang ito.

     "Lara..." marahang tapik ni Tara sa balikat niya.

     Noon lang natauhan si Lara. "What? may sinasabi ka?" tanong niya.

     "I'm asking you, kung payag ka na? Kung hindi ka pa nakapag-isip. I'm giving you, one week to decide."

     "Give me time to think about it Tara." tugon niya. "Maraming bagay pa ang dapat ko isa-alang-alang bago ako makapagpasya." dagdag pa niya.

     Nagkibit-balikat si Tara. "Okay, ikaw ang bahala. Basta, only one week Lara."

     Hindi na siya kumibo pa. Muli siyang nahulog sa malalim na pag-iisip.

***votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon