"Talaga bang, hindi ka na mapigil, Lara? Bakit hindi na lang sa susunod na buwan ka magbabakasyon?" Tanong ni Luisa kay Lara ng gabing iyon sa hospital.
"I want to rest for a while, Ma. Palagi kasi sumasakit ang ulo ko. Marahil sa subrang stressed sa trabaho." sagot ni Lara sa ina na bahagyang tinapunan ng makahulugang tingin si Tara na nakaupo sa higaan nito.
"Masyado ka kasing masipag, Lara." sabad ni Tara sa usapan nila ng ina.
"Nakausap mo ba si Ghie? Mabuti at pumayag siya na sa kanya muna ang pamamahala ng hospital mo?" tanong ni Danny sa anak.
"Dad, don't worry, I trust Ghie... And she understand me, kaya siya pumayag. I'll be back after a few months perhaps. Alam ko na may responsibilidad ako dito kaya babalik ako kaagad kapag nakarelax ako pansamantala."
"Sayang at hindi ka namin maihatid sa airport ng Papa mo Lara. Sumabay naman kasi ang flight mo sa paglabas ni Tara." may bahagyang lungkot na lumambong sa mukha ng mama nila.
"It's okay, Ma. Kaya ko naman pumunta ng airport mag-isa, eh. Tara needs you more, kayo ni Papa. Kaya huwag niyo na ako masyadong aalahanin." sagot ni Lara at bahagyang sinulyapan ang tahimik na si Tara na nakikinig lang sa usapan nila.
Ngayon pa lang ay malakas na ang kabog ng dibdib ni Lara, sa gagawin nilang pagpapalit ng katayuan ni Tara. Hindi niya alam ang kahihinatnan ng lahat ng pagpapanggap nila.
Ang lahat ng magandang pagkakataon ay umayon sa plano nila ni Tara kinabukasan paglabas nila ng hospital. Tumawag ang mga magulang nila na di makakarating sa hospital dahil may emergency.meeting na dadaluhan.
Si Tara ay malayang nakaalis ng hospital. Tanghali ang flight nito patungong Paris. Nagbago kasi isip nito. Ayaw na niyang pumunta ng States.
Si Lara naman ay naiwan sa hospital para hintayin ang paglabas ni Bryan. Sabay na silang uuwi sa bahay nito. At ngayon, habang papalapit sa nakapinid na pinto na kinaroroonan ng lalaki ay palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Ang suot niya ay simpleng blusa na medyo hapit sa katawan, ngunit pinatungan niya ng puting jacket para itago ang makinis niyang balat na hindi manlang kakikitaan ng kahit anong pasa o galos.
Natatakot si Lara na mabuko kaagad ni Bryan gayong di pa siya nakapagsisimula.
Eksaktong paghinto niya sa harap ng pinto ng silid ni Bryan ay bumukas iyon at lumabas ang isang nurse. Agad itong ngumiti sa kanya ng makita siya.
"Ma'am Tara, mabuti po at naparito kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Bryan," sabi nito.
"G-ganoon, ba? P-pasensya na kung natagalan--"
"Papasukin mo na siya, Miss Monde," sabi ni Bryan mula sa loob.
BINABASA MO ANG
"Impostor"
RomanceTara and Lara are identical twin. Bryan is Tara's husband. Nais ni Tara na magpanggap si Lara bilang siya at maging asawa ni Bryan upang malaya siyang makaalis ng bansa. Nang masilayan ni Lara ang guapong mukha ni Bryan sa ospital ay tinanggap niya...