Kagigising lang ni Lara nang biglang may malakas na kalabog mula sa study room kung saan natutulog si Bryan. Gulat na napatingin siya sa nakapinid na pintuan. Tarantang napatayo siya at patakbong tinungo ang kwarto ng lalaki.
Pinihit niya ang seradura at patulak na binuksan, mabuti nalang at hindi ito nakalock.
"Anong-" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng makitang nakadapa si Bryan sa sahig habang nasa tabi nito ang wheelchair. Marahil nagtangka itong tumayo at dahil hindi kaya ng mga paa nito kaya natumba sa sahig.
"Bryan! Oh, my Gosh! " nilapitan niya ito. "Kumapit ka sa akin," utos niya.
Madilim ang mukha nito na sumunod naman sa kanya. "Ayokong maupo sa wheel chair na iyan! Tulungan mo ako papunta sa kama." sagot nito.
Halos magkandangiwi siya sa bigat ng lalaki. Ikinawit niya ang isang braso nito sa kanyang balikat habang ang isang kamay niya ay nakapulupot sa baywang nito para hindi sila mawalan ng panimbang.
"Ay!" malakas na tili niya ng sabay silang bumagsak ni Bryan sa ibabaw ng kama.
Nagkatitigan sila. Matagal. Halos ilang hibla na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa. Noon lang din niya napansin ang posisyon nilang dalawa. Nasa ibabaw niya si Bryan at napailalim siya dito. Hindi siya makakakilos dahil naipit siya ng lalaki. At mukhang wala itong balak umalis sa posisyon nito, na nakatitig lang sa kanya.
Mayamaya ay unti unting bumaba ang mukha ni Bryan. Napasinghap siya nang maramdaman ang mga labi nito sa kanyang mga labi.
Bryan is kissing here. Pero mabangis ang mga halik nito na para bang may kasamang galit. Marubdob at nagpaparusa. But after a while naging masuyo na ito at ramdam niya ang pagmamahal sa halik na iyon. Naisip niya bakit di niya samantalahin ang pagkakataon. Bago mawala si Bryan sa kanya gusto niyang maranasan ang intimate moments sa lalaki.
Buong pagmamahal na itinugon niya ang mga halik. Wala na siyang pakialam sa mga idinidikta ng utak niya na mali ang kayang ginagawa. Ang alam lang niya gusto niya ang mga yakap at halik ng lalaki. Nawawala na siya sa sarili.
Mayamaya tumigil si Bryan. "No, this is not right, Tara! Tell me to stop, please!" bulong nito sa kanya.
"Go on, Bryan. I won't stop you. Gusto ko magpakatotoo sa sarili ko kahit ngayon lang. Bakit mo pipigilan ang sarili mo? Galit ka pa ba sa akin? Bryan mahal kita, wala na akong pakialam kung tama o mali ito. The only thing I know is that I love you. And the only thing i need at this moment is you." naluluhang sabi ni Lara. Hindi na niya napigilan ang sarili. Kahit siya hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon.
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Bryan dahil sa mga sinabi niya. Nakatitig lang ito sa kanya kaya hindi na siya nakatiis. Siya na ang kusang humalik dito. Hanggang sa maramdaman niya ang pagtugon nito.
Mahal niya ito kaya handa siyang ibigay ang lahat maging ang kanyang buong pagkatao. Hanggang sa nawalan na rin ng kontrol ang lalaki. Kaya naganap ang isang bagay na hindi dapat.
Nang makatulog si Bryan ay bumangon siya at nagbihis. Kinuha niya ang kumot at kinumutan ito. Bago siya lumabas ng silid, hinalikan niya ito sa pisngi sabay bulong, "I love you, Bryan.. Alam kong mali ito pero wala akong pinagsisihan." Pagkatapos ay tuluy-tuloy na siyang lumabas ng silid.
Nagkunwaring natutulog si Bryan pagkatapos nang nangyari sa kanila ni Tara. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito.
Pinakiramdaman niya ito. Bakit ganoon umakto si Tara. Bakit parang ibang tao ito kung umasta.
Hindi niya alam. Ang alam lang niya, wala na ang galit sa puso niya para sa babae. Kahit anong pilit niyang isaksak sa utak niya na sinaktan siya nito noon, wala na siyang makapang galit sa puso niya.
Kapag kaharap niya ito lagi niya itong inaaway o sinisigawan pero nanatili itong maalaga at malambing sa kanya. Mali, hindi dapat niya ito pinakialaman. Paano kung patibong lang pala ni Tara ang lahat para saktan siya ulit sa huli.
Pero magagawa kaya ni Tara na gamitin ang sarili para lang saktan siya? Katanungang hindi niya mabigyan ng kasagutan. Alam niyang siya ang una. Ramdam niya iyon. Patunay din ang pulang mantsa na naiwan sa bedsheet ng kama niya.
"Kung patibong man ito, Tara. Hindi ka magtatagumpay. Hindi ko hahayaang saktan mo ako ulit!" bulong ni Bryan sa sarili.
***votes and comments are highly appreciated***
![](https://img.wattpad.com/cover/30409895-288-k683023.jpg)
BINABASA MO ANG
"Impostor"
RomansaTara and Lara are identical twin. Bryan is Tara's husband. Nais ni Tara na magpanggap si Lara bilang siya at maging asawa ni Bryan upang malaya siyang makaalis ng bansa. Nang masilayan ni Lara ang guapong mukha ni Bryan sa ospital ay tinanggap niya...