Hindi magawang salubungin ni Lara ang mga mata ni Bryan. Nakahiga na ito sa kama sa loob ng pribadong silid ng hospital kung saan ito naoperahan.
May benda pa ang kaliwang paa nito. Sa suot na hospital gown ay litaw pa rin ang angking kapogian ng lalaki.
"How are you feeling?" sa wakas ay naisatinig niya.
Pero sa halip na sumagot, ibinaling lang nito sa ibang direksiyon ang mukha.
Nakadama ng pagkapahiya si Lara, pero di niya ipinahalata. Nag-isip pa siya ng ibang sasabihin.
"Are you hungry? Magpapahatid ako ng pagkain dito."
"I'm not hungry," malamig pa rin na tugon nito na di manlang nag-abalang lingunin siya.
"Ganoon ba?" Humakbang pa siya palapit sa higaan nito. "Do you need anything?" dagdag pa niyang tanong.
Lumingon si Bryan sa kanya. Matalim ang mga mata na nakatitig lamang sa kanya.
"Can you please stop asking me?! Stop acting as if you really care for me, Tara! Hindi bagay sa iyo! At saka tayo lang ang nandito kaya di mo kailangang umarte!" mayamaya'y mariing sabi nito.
Nabigla siya sa naging sagot nito. Gulat na napatitig siya sa mukha ni Bryan.
Ganoon ba talaga kasama ang tingin nito sa kakambal niya na si Tara? Kahit alam niyang para kay Tara ang mga salitang iyon ay nasasaktan pa rin siya, dahil siya ang nasa harap nito.
"Totoo namang nag-aalala ako sayo. I'm not pretending Bryan. Masama bang magtanong? " mahinahong sagot niya sa lalaki.
Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mga labi ng lalaki. Masyado na talaga itong nagtataka sa mga ikinikilos ni Tara.
"Nakalimutan mo na ba kung gaano mo kinamumuhian ang pag-sasama natin at pagpapakasal? Ang aksidenting nangyari sa atin, nakalimutan mo na rin na ba? It is because you're forcing me to agree with you, na maghiwalay tayo. Ninais mo pang pareho tayong mamatay ng araw na iyon dahil hindi kita pinagbigyan sa hiling mo, Tara! And now, you want me to believe you, that you care?! I won't buy it! I know you’re acting like this dahil gusto mong lumaban ng patas sa akin. You want me to fall for you again and then ipamukha mo sa akin ulit na mas mautak ka, na kaya mo akong paikutin sa mga palad mo. That’s the truth behind this weird changes in you, right? Nakakabilib ka Tara. You even give up your virginity para mapaniwala ako di ba? You even told me, that you love me, para maging makatotohanan ang acting mo! "
Hindi siya umimik. Hindi kasi niya alam kung paano ito sasagutin. Di niya alam ang buong kwento sa likod ng galit nito sa kakambal niya. Gusto na niyang umiyak dahil parang punyal na tumutusok ng paunti-unti sa puso niya ang mga salitang binibitawan ng lalaki kahit pa sabihing it is not intended for her, but for her sister.
"Kung inakala mo na magbabago ang lahat dahil sa nangyari sa atin, nagkakamali ka. Matagal na panahon ko nang pinatay ang pagmamahal ko sa iyo, Tara! It started noong niloko mo ako at ginamit sa sarili mong kahibangan. The only thing left inside my heart right now is hatred, at sigaw ng paghihiganti, Tara! Huwag kang hangal para isipin na napatawad na kita! O di kaya sabihin mong panalo ka na."
Unti-unting nanlabo ang mga mata ni Lara. Masyado na siyang nasasaktan. Nasasaktan sa mga salitang binibitiwan ni Bryan, na dapat sana si Tara ang tumatanggap at hindi siya.
"What happened between us, is just nothing for me. Natukso lang ako bilang lalaki, Tara!" mahina pero mariing wika ni Bryan.
Tuluyan ng umalpas ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Lara na pumatak mula sa kanyang mga mata.
"H-hindi mo ba talaga ako mapapatawad kahit na pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon Bryan?" nginig ang tinig na sabi ni Lara para gawin ang isang malaking pabor para sa kapatid niya. Gusto niya na sa pagbabalik ni Tara tanggap na ito ni Bryan at napatawad.
Si Bryan naman ngayon ang hindi makapagsalita. Gusto nitong pagalitan ang sarili. Alam niya sa sarili niya na puro kasinungalingan ang kanyang sinasabi sa asawa.
Hindi niya kayang aminin dito na matagal na niyang napatawad ito. Wala na ang galit sa puso niya at muli ng nabuhay ang pagmamahal na matagal niyang inilibing sa poot at pagkamuhi.
Natatakot siyang baka pinaglalaruan lang siya ni Tara. Alam niyang tuso ito. Baka kasi isa lang ito sa mga patibong ng babae. At kapag bumigay siya at pairalin niya ang laman ng kanyang puso, pagtatawanan siya nito. Hindi niya kakayanin na mangyari ulit iyon.
Pero habang nakatitig siya sa luhaang mukha ng babae, nasasaktan siya na nakikita itong umiiyak. Malayo na ito sa dating Tara na kilala niya noon. Gusto niyang bawiin ang lahat ng kanyang sinabi pero nagtatalo ang kanyang puso at utak.
"I know, I've hurt you. Ang dami kong kasalanan. Pero nagsisisi na ako Bryan," pagpapatuloy ni Tara nang hindi siya kumibo. "Hindi ka mahirap mahalin. Hindi ko alam kung kailan at kung paano nangyari, pero nagising nalang ako isang araw na mahal na kita. About what happened doon sa resthouse mo sa Davao, hindi ko iyon pinagsisihan. I will always treasure it sa buong buhay ko. Hindi ko ginamit ang virginity ko para lumaban ng patas sayo. Kusa kong ibinigay sayo to prove that i already love you. Di mo ba naisip na i given up everything that i have tanda na sumusuko na ako? You win, panalo ka na! Ako ang talunan! Ako ang nawalan!" patuloy nito habang umiiyak at pagkatapos tumakbo palabas ng silid na iyon.
Lalong hindi nakakibo si Bryan. Titig na titig siya sa luhaang mukha ni Tara bago pa ito tumakbo palabas. Nakikita niya ang sensiridad at pagpapakumbaba sa mga mata nito. Tinangka niyang habulin ito at aluin ngunit biglang sumigid ang di niya maipaliwanag na sakit sa paa niyang bago lang naoperahan.
Napangiwi siya sa sakit at napapikit ng mariin. Bigla nalang lumitaw sa isipan niya ang luhaang mukha ni Tara kaya bigla ulit siyang napadilat.
A while ago, while looking at Tara's face crying, he can't explain his feeling. Parang may mali at kakaiba na hindi niya maipaliwanag kung ano. Minsan na niyang naramdaman iyon, noong unang makita niya si Tara pagkatapos ng aksidente.
Ang katangian ng Tara na nasa harapan niya kanina ay mahina, mahinhin, at madaling masaktan. Wala sa mukha nito ang katapangan at katigasan ng kalooban. Ang nakita niya kanina habang nakatitig kay Tara ay kabaitan at pampapakumbabang nakabakas sa maamong mukha nito.
"What's going on with me? Bakit ganoon? Bakit parang hindi si Tara ang kaharap ko kanina. Parang ibang tao?" naguguluhang kausap niya sa sarili.
Ipinilig niya ang kanyang ulo para alisin ang kung anu-anong ideya na naglalaro sa isipan niya.
***votes and comments are highly appreciated***
BINABASA MO ANG
"Impostor"
RomanceTara and Lara are identical twin. Bryan is Tara's husband. Nais ni Tara na magpanggap si Lara bilang siya at maging asawa ni Bryan upang malaya siyang makaalis ng bansa. Nang masilayan ni Lara ang guapong mukha ni Bryan sa ospital ay tinanggap niya...