Pagkatapos ng pangyayaring iyon, naramdaman ni Lara na parang lalong lumamig ang pakikitungo ni Bryan sa kanya. Madalas itong umiiwas sa kanya. At nasasaktan siya.
"Bryan, halika na, kakain na tayo," yaya niya sa lalaki nang puntahan niya ito sa silid nito.
"Wala akong gana, kaya mauna ka na!"
"But you need to eat before taking your medicine. Iyon ang bilin ni Dr. Ian.”
"I told you, ayaw ko! Bakit ba ang kulit mo!" paasik na sagot nito.
Bahagya siyang napaatras nang makita ang galit na mukha ng lalaki. Medyo natakot siya pero di siya nagpahalata.
"Bryan paano ka gagaling kung ganyan ka, paano ka makakalakad ulit kung pati sa pagkain maging sa pag exercise ayaw mo?"
Pagak na tumawa si Bryan. "Do you think makakalakad pa ako, ha?! Alam mo Tara! Ikaw ang dahilan ng lahat nang ito! Do you know how hard I've been through?! Pakiramdam ko wala na akong silbi! Isang inutil!" sigaw nito.
"B-bryan...""
"Get out! Leave me alone, Tara!" utos nito sa kanya na ang hintuturo ay nakatuon sa pintuan ng silid.
"Everytime I saw you, lalo akong namumuhi sa iyo! Kung inaakala mo na dahil ibinigay mo sa akin ang sarili mo maging mabait na ako sa iyo! You're wrong! Mangarap ka! Hindi na kita mahal! Do you hear me?! I will never fall inlove with you again"
Pakiramdam ni Lara ay sinampal siya nang malakas. Hindi niya namalayan na basa na pala ng luha ang sulok ng kanyang mga mata. Kaya mabilis siyang tumakbo palabas patungo sa kanyang silid.
Doon siya nagkulong at pinakawalan ang kanyang mga luha. Para kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Gustong habulin ni Bryan si Tara ng patakbong lumabas ng silid niya. Gusto niyang humingi ng sorry at sabihing di niya gustong saktan ito.
Pero alam niyang ito ang tama. Kailangan niyang takpan ng paggalit-galitan niya ang totoong nararamdaman niya. Mali ang mahalin niya si Tara ulit. Oo asawa niya ito pero sa papel lang gaya ng sinabi nito noon. Hindi pwedeng lumagpas sila doon.
Pilit niyang isinasaksak sa kanyang utak na pinakasalan niya si Tara for a revenge. Kailangan niyang patayin ang kung anumang damdamin na unti unting nabubuhay sa puso niya.
***votes and comments are highly appreciated***
BINABASA MO ANG
"Impostor"
RomansaTara and Lara are identical twin. Bryan is Tara's husband. Nais ni Tara na magpanggap si Lara bilang siya at maging asawa ni Bryan upang malaya siyang makaalis ng bansa. Nang masilayan ni Lara ang guapong mukha ni Bryan sa ospital ay tinanggap niya...