"CHAPTER 2"

11.4K 294 2
                                    

     Naiwan si Bryan sa loob ng study room. Kuyom ang mga kamao at nagngangalit ang mga bagang. Sa galit na nararamdaman ay malakas niyang sinipa ang silya na nasa gilid ng study table. Tumalsik iyon ng hindi kalayuan sa kanya.

     Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanya ang sakit na dinulot ni Tara sa kanya. Dati silang magkasintahan noon ni Tara Manases sa kolehiyo. Umabot sa dalawang taon ang kanilang relasyon. Mahal niya si Tara at napakalaki ng tiwalang ipinagkaloob niya rito. Kaya ganoon nalang ang galit niya nang matuklasang may iba pala itong mahal. At iyon ay walang iba kundi si Daniel. Ginamit lang pala siya ni Tara para maghiganti sa Daniel na iyon. Ang sakit sakit ng naramdaman niya noon at maging hanggang ngayon.

     Harapan nitong ipinamukha sa kanya na kaya lang siya pinagtiyagaan nito para pasakitan si Daniel na nakipagkalas kay Tara dahil sa utos ng mga magulang nito. Masyado daw nasaktan si Tara noon dahil hindi siya nagawang ipaglaban ng lalaki. At siya? Siya ang naging instrumento ni Tara para makaganti sa lalaki.

     Halos mabaliw siya noon sa katutuhanang natuklasan. Muntik na rin niya mapagbuhatan ng kamay si Tara noon. Mabuti at nakapagpigil siya. Nang matapos sila ng pag-aaral sa kolehiyo ay bigla silang nawalan ng komunikasyon. Hindi na rin sila nagkita. Gayunpaman, ang sugat na idinilot ni Tara sa kanya ay nanatiling sariwa at hindi pa naghihilom hanggang ngayon.

     Pagkalipas lamang ng siyam na taon ay muling nag cross ang kanilang landas. Pinagtagpo ulit sila ng pagkakataon.

     Subra siyang nagulat sa kaalamang si Tara pala ang babaeng itinakda sa kanya na matagal nang sinasabi ng mga magulang niya na ipagkakasundo sa kanyang ipakasal pagdating ng panahong itinakda ng kasunduan ng mga magulang niya at ng mga magulang ng babaeng pakakasalan niya.

     Hindi siya nagdalawang isip na pumayag sa kasunduan. Maganda kasi ang pagkakataon para maisagawa niya ang paghihiganti.

     At ngayon nga, unti-unti na niyang ipinalalasap sa asawa ang kanyang galit. Hindi man niya ito sinasaktan ng pisikal pero sisiguraduhin niyang makakaganti siya ng sakit emosyonal.

     "Nagsisimula pa lang ako, Tara!" bulong ni Bryan sa sarili.

     Bumalik siya sa pagkakaupo sa harap ng kanyang mesa at nagsimulang pasadahan ng tingin ang mga papeles na kailangan niyang basahin.

     Hindi naman mapakali si Tara sa loob ng silid nila ni Bryan. Paroo't parito siya habang nag-iisip.

     Sa simula pa lang ay batid na talaga niyang balak siyang paghigantihan ni Bryan Del Rico kaya wala itong pag-aalinlangang pumayag na pakasalan siya na ayon sa utos ng kani-kanilang mga magulang. Wala namang siyang magawa noon para magmatigas dahil natatakot siyang itakwil ng kanyang ama kapag sumuway siya sa utos nito.

     Wala naman kasing alam ang kanilang pamilya sa nakaraan nila ni Bryan noon. Natakot sila ipaalam ang relasyon nila noong nasa kolehiyo pa sila dahil batid nilang pareho silang may nakatakda na mapapangasawa pagdating ng tamang panahon. At siya? wala naman talaga siyang balak ipakilala si Bryan dahil hindi niya ito mahal. Tama ito, ginamit niya ito noon para makaganti kay Daniel. Di niya inaasahan na si Bryan pala ang lalaking itinakda para sa kanya.

     Hindi ganitong buhay ang pinangarap niya. Pahihirapan lamang siya ni Bryan gaya ng sinabi nito kung hindi siya mag-iisip ng paraan para takasan ito.

     "Kailangan mong mag-isip nang maayos, Tara!" bulong niya sa sarili.

     Mayamaya ay biglang nagliwanag ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata at pumunit ang matamis na ngiti sa mga labi.

     Ngayon, alam niya na ang gagawin at isang tao lang ang maaaring makatulong sa kanya.

***votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon