"CHAPTER 24"

9.8K 226 2
                                    

     Lumipas ang mahigit isang taon. Nagpatuloy ang buhay ni Lara. Isang taon na rin ang anak niya na Chris Bryan.

     Sa Singapore siya nanatili sa loob ng isang taon. Ngayon ipinasya niyang bumalik ng Pilipinas para personal na asikasuhin ang kanyang hospital na iniwan niya noon. Nasa bansa na siya sa kasalukuyan.

     Matapos siya magtapat noon kay Bryan, sa pamilya niya at pamilya ng lalaki ay hindi na siya nagpakita. Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon si Bryan na sumbatan siya. Kay Tara lang siya nagpaalam noon at sa mga magulang niya. Pagkatapos noon ay pumunta na siya ng Singapore.  Umuwi lang siya noon ng mabalitaan niyang namatay na si Tara. Pero agad din siyang bumalik pagkatapos ng libing.  Doon na niya ipinanganak si Chris Bryan.

     Bago siya umalis noon, ipinagtapat din niya sa mga magulang niya ang kanyang kalagayan at si Bryan Del Rico ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Nagalit sa kanya ang mga magulang niya. Pero naroon si Tara para tulungan siyang magpaliwanag. Si Tara ang naging kakampi niya ng mga panahong iyon.

     Nang mamatay si Tara hindi siya nagpakita kahit sa mga magulang niya. Alam niyang naunawaan siya ng mga ito.

     “Hoy! Ang lalim naman ng iniisip mo.” hinampas ni Ghie ng malakas sa braso si Lara.

     Para naman siyang nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Noon lang niya naalala na nasa hospital pala siya sa loob ng kanyang opisina.

     “Kanina ka pa ba diyan?”

     “Hindi naman masyado!”tirik ang mga matang sagot ni Ghie sa kanya. “Si Bryan na naman!”

     Pinanlakihan niya ng mga mata ang kaibigan. “Tigilan mo nga ako, Ghie!” saway niya dito.

     Alam ng kaibigan niya ang lahat. Ipinagtapat niya dito ang buong katotohanan noon bago siya umalis at iwan ang pamamahala ng hospital niya dito.

     “Huwag ka na mahiya Lara. Alam ko at naiintindihan ko na hindi madali kalimutan ang lalaking iyon. Paano ba naman araw2x mo makikita ang buhay na alaala niya. Carbon copy pa talaga!”

    “Ang bunganga mo!”

     “Lara sooner or later maghahanap ng daddy ang anak mo. At saka huwag mo kalimutan na may karapatan si Bryan na malaman ang tungkol kay Chris. Anak din naman niya ang bata. Kailan mo planong ipaalam sa kanya?”

     “Wala akong plano,” malamig na tugon niya.

     “Anong wala!” kunot-noong tanong ni Ghie sa kanya na hindi umalis sa harap ng mesa niya. “Lara, kapag malaki na si Chris at magkakaisip, magtatanong pa rin iyon sa iyo tungkol sa daddy niya. Magsisinungaling ka ba sa kanya? Sana naman bigyan mo ng pagkakataong umuo o umayaw si Bryan sa responsibilidad niya sa iyo. Paano kung hinahanap ka niya? Pero hindi ka niya mahanap dahil nasa ibang bansa ka. Natural mahihiya naman iyon magtanong sa mga magulang mo. Huwag mo naman ipagkait sa anak mo na magkaroon ng buong pamilya.” mahabang litanya ng kaibigan niya.

    “Ghie, you don’t understand me. Ahh basta hindi pwede at hindi ko alam kung paano gawin iyang sinasabi mo.”

     “Hay naku, Lara! Bahala ka na nga. Ang sa akin lang naman gusto ko makitang kang masaya.”

     Hindi siya nakakibo sa tinuran ng kaibigan niya.

***votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon