"CHAPTER 21"

9.6K 215 7
                                    

Maraming mga pagbabago ang naganap mula nang maoperahan si Bryan. Napansin ni Lara na naging mabait na ito sa kanya. Bukod pa doon, nagpasya na ito na magsama sila sa iisang silid. Wala namang problema sa kanya. Naisip niya bahala na, susulitin na lang niya ang mga natitirang araw niya bilang si Tara. Wala namang mawawala sa kanya. Naibigay na niya ang lahat dito noong nasa davao pa sila.

Sa kabila ng pagpayag niya. Madalas iniiwasan niya ito. Kapag magkatabi sila sa pagtulog ay lumalayo siya. Hindi siya humaharap ng higa sa lalaki. Natatakot kasi siyang may mangyari ulit sa kanila. Baka tuluyan na siyang mabuntis.

Magaling na si Bryan at nakakalakad na. Masaya siya para sa lalaki at para sa pagbabagong ipinakikita nito sa kanya. At least sa pagbabalik ni Tara maging masaya na ang mga ito. Sana magkaayos na ang buhay ng dalawa. At siya? Lalayo siya, para paghilumin ang magiging sugat ng puso niya. Masakit para sa kanya na umalis sa buhay ni Bryan, pero ano nga ba ang karapatan niya?

Sa paglipas ng mga araw naiisip ni Bryan na nagkamali siya ng hinala kay Tara na nagkukunwari lang ito. Kahit ngayong magaling na siya ay hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Kaya ipinasya na niyang kalimutan ang nakaraan at magsimula ng buhay kasama si Tara. Hindi niya ito madaliin. Alam niyang nag-iiwas ito sa kanya dahil nasaktan niya ito sa lahat ng mga salitang binitawan niya noong nakaraan.

Ilang araw nang napapansin ni Bryan na madalas mahihilo ang asawa. Sa umaga madalas din niya nakikitang naduduwal at nagsusuka.

"Tara, may dinaramdam ka ba? Gusto mo ba samahan kita sa doktor na magpacheck up? Baka kung ano na iyan. Ilang araw ko nang napapansin na ganyan ka."

“Ha? A-ahh. H-huwag na Bryan," maagap na sagot nito. "O-okay lang ako, napapagod lang siguro ako."

"Nag-aalala lang ako sa iyo, baka kung ano na iyan. Samahan na kita sa doktor mamaya."

"Bryan, wala akong sakit. Kung magpapacheck up ako, gusto ko ako lang mag-isa. So, don't worry about me." pigil ni Tara sa kanya.

Sandaling natahimik siya. At saka tumango.

Mayamaya ay nagpaalam ito na pupunta sa komedor. Sinundan na lamang niya ito ng tingin.

Dumating nga ang bagay na kinatatakutan ni Lara. Alam niya na ang mga nagyayari sa kanya ay sintomas na siya ay nagdadalan-tao. She is a doctor kaya alam niya.

"Congrats misis", nakangiting bati ng doktor kay Lara.

Kahit alam na si Lara na buntis siya pero ipinasya pa rin niyang magpatingin sa doktor. At hindi siya nagkamali. Hindi niya akalain na mabubuntis siya sa minsan lang. Ang alam niya bihira lang ang cases na ganon.  Isang beses lang may nangyari sa kanila ni Bryan pero heto at buntis siya ngayon

"Isang buwan ka nang buntis"dagdag pa ng doktor.

Nakangiti at kusang umangat ang isa niyang kamay para haplusin ang kanyang tiyan.. Hindi siya makapaniwala. Dala na niya ngayon ang bunga ng pagmamahal niya kay Bryan at pagtataksil sa kakambal niya.

Mabilis siyang nagpaalam sa doktor. Hindi niya dala ang sasakyan kaya magcocomute siya pauwi.

"Hindi maaaring malaman ni Bryan ito. Sa pagbabalik ni Tara, dadalhin ko sa paglayo ang kanyang alaala. Mananatili ka dito sa puso ko Bryan," bulong niya sa sarili.

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon